Epilogue

89 9 3
                                    

Epilogue

 

Je vais te sauver is a French word that means ‘I will save you.

I remembered writing it in that woman’s favorite notebook because I believed I could protect her. When she entered the operating room, I never left. I spent my time outside the closed door, desperately wishing and hoping that she’d come out just fine.

She told me that she would be there when the 14th day of February finally arrives. But this year’s Valentine’s Day has already come and gone. Yet the woman who promised me never showed up. I waited for hours, but I didn’t even get to see her shadow.

I guess she just couldn’t keep her words...

***

"Akala ko ba sa Good Chow mo ako dadalhin? Bakit sa sementeryo?" pagmamaktol ni Vandreid nang makababa kami sa sinakyan naming jeep. Nakatingala siya sa malaking arko sa harapan namin kung saan nakaukit ang pangalan ng sementeryo.

"Later, bibisitahin ko lang siya."

He exhaled loudly after hearing what I said. I shifted my gaze on him, and I saw his expression getting vaguer with every second.

"Do you still feel guilty?" Natahimik ako dahil sa tanong niya. "Look, we both know na wala kang kasalanan. It was her choice." Payak akong ngumiti bago tumango sa kanya.

"I know. It’s just that today is the 40th day after her death. Gusto ko lang siyang bisitahin dahil walang ibang gagawa ‘non para sa kanya," paliwanag ko.

He snuffled. "Did you bring flowers?"

"Wala." Sinimangutan niya ako. "Hindi ba pwedeng magnakaw na lang sa ibang puntod? Hindi naman sila makakapagsumbong." Hinampas niya ang braso ko saka siya tumawa.

"Siraulo," komento niya bago ako sinenyasan na sumunod sa kanya.

May tindahang malapit lang sa bukana ng sementeryo kaya doon kami nagtungo. Bumili kami ng kandila at posporo dahil wala rin akong nadala ‘non. May nadaanan kaming bahay kung saan may nakatanim na rosas at daisy sa harapan nito. Humanap kami ng tamang tiyempo kung kailan wala nang nakakakita sa amin bago kami pumitas ng bulaklak at patakbong lumisan sa lugar.

"Tangina mo Grey! Ginawa mo pa akong magnanakaw!" angil ni Van saka ako binatukan. Sinamaan ko lang siya ng tingin pero tila wala na ‘yong epekto sa kanya. Tulad ng ibang estudyante, hindi na rin siya natatakot sa akin. My era as a well-known bully finally ended, and my new life stinks!

Marami na ang lumalapit sa akin at gustong makipagkaibigan matapos na mapatunayan ang pagiging inosente ko laban sa mga paratang sa akin. Never namin kasi talaga akong nambully sa campus—siguro nga nagbibigay ako ng mabigat na parusa sa mga estudyanteng lumalabag sa rules, pero ginagawa ko lang ang trabaho ko para naman tumino sila.

Nagkaroon din ako ng fandom at hindi na sila nagdadalawang isip na dumugin ako at magbangayan sa harapan ko. They even touch me at times, para pag-agawan. Laging napupuno ng tsokolate at love letters ang locker ko. Hindi na rin ako makapag-workout sa swimming pool ng campus dahil madalas ay may sumusunod sa akin para kuhanan ako ng litrato at ibenta sa mga nababaliw sa akin. They really freak me out!

Natatakot na rin akong tumambay sa library dahil ang dating tahimik lang na lugar at halos wala man lang bumibisita ay napupuno ng mga estudyante kapag dumadayo ako doon para matulog o magbasa ng libro.

I wonder what will be her reaction when she learns about my situation? Magagalit ba siya at ipagdaramot ako sa mga nagpaparamdam sa akin?

"Wag na kaya tayong tumuloy. Baka bumangon ‘yon bigla kapag nakita ka."

Mystified Heartstrings (A Collaborative Novel) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon