Chapter 25
Day 78: Gasan Southern Campus
“Your time starts now!”
Humigpit ang pagkakahawak ko sa aking ballpen nang marinig ang pahayag ng instructor, indikasyon na umpisa na ng opisyal na tagisan ng mga manunulat. Huminga ako ng malalim saka ko ipinikit ang mga mata ko. I shook it lightly to get rid of the dizziness I felt.
Napatingin ako sa bintana nang may sumipol mula roon. Naningkit ang mga mata ko habang pilit na tinatanaw ang imahe ng taong nakasilip roon. Bahagyang nanlalabo ang paningin ko, kaya ilang segundo pa ang lumipas bago ko nakilala kung sino iyon. “Good luck!” he mouthed.
“Bawal tumambay dito, hijo! Maiistorbo ang mga kalahok!” saway sa kanya ng instructor. Tumango lang siya bago muling itinuon ang paningin sa akin. Ngumiti siya saka kumindat sa akin. Para bang sinasabi niya na hindi ko kailangang mabahala dahil kakayanin ko ang pagsubok na meron ako ngayon.
“Focus!” Hindi naalis ang tingin ko sa lalaki sa kabila ng tumataas na boses ng guro. Sinuklian ko ang malambing niyang ngiti saka ako marahang tumango sa kanya. I know he got what I meant.
“What school are you from?” iritadong baling sa kanya ng guro.
I saw Marwin smirk before waving his hands at me. Akmang lalapitan na sana siya ng napipikon naming instructor, pero mabilis pa sa kidlat siyang kumuripas ng takbo. Tahimik lang akong napailing subalit ang mga kasamahan ko sa silid ay nagpakawala ng nakabibinging halakhak.
“Quiet!” The teacher roared, which immediately sent the crowd into deep silence. Napayuko silang lahat at mas pinili na lamang na ipagpatuloy ang kanina nilang pinagkakaabalahan. Loko kasi ang Marwin na ‘yon! Bored na siguro siya dahil wala pa silang ginagawa.
Tulad ng dati ay kami ni Vandreid at Cali ang magkakasabay sa morning schedule. Ganoon din si Venice, Quera at tatlo pang miyembro ng TNP Journalists. Samantala, naipasok sa afternoon schedule ang category nila Marwin, Jaimee, Farrah, and Gillian at ang mga natitirang participants mula sa Sevelanio High.
I heaved my chest and cleared my mind. The rubbish I heard this morning was kakalimutan ko muna. My health, titiisin ko muna. And that guy who just caused a disturbance a while ago—I’ll stick with keeping him in my mind. Mas nai-inspire akong magsulat kapag naaalala ko ang mga sinasabi niya sa akin patungkol sa larangang ito.
“I can do this,” pabulong kong sabi sa sarili.
Sinimulan ko na ang pagbubuo ng ideya sa isipan ko. Isinasalin ko sa provided bond paper ang lahat ng mahahalaga at maaayos na detalye at opinion na idinikta ng utak ko. The topic given was not easy to interpret or write about. But I believed that I could finish this fight. I can finish writing my entry without any doubt—because someone pushed me to show myself.
“Five minutes left..."
Prente akong nakasandal sa silyang kinauupuan ko habang nakatitig sa tumatakbong orasan. Mahigit sampung minuto na rin ang nagdaan mula noong ipasa ko ang natapos kong editorial. Hindi ako sigurado kung magiging maganda ba iyon sa tingin ng mga tagahatol, pero alam kong ginawa ko ang lahat ng makakaya ko.
“Three minutes more.”
Inilibot ko ang paningin ko sa kabuoan ng silid. Some of my opponents seemed so relaxed while sitting on their chairs and just waiting for the instructor to let us out. Samantala, may ilan din sa kanila na hindi pa natatapos sa kanilang isinusulat, kaya animo’y mga isda sa karagatan na nakikipag-unahan sa hampas ng alon.
BINABASA MO ANG
Mystified Heartstrings (A Collaborative Novel)
Roman pour AdolescentsA collaborative novel.