Chapter 4
Day 37: Sevelanio High (Present)
Funny how I thought that my senior high school life would be filled by simplicity and boredom, pero heto ako ngayon at nakaupo sa gitna ng dalawang magugulong nilalang. Farrah and Jaimee were sitting from both sides of my seat while debating about something that I don’t find interesting at all.
“I remember na! He was the one who got flushed my dirty water as punishment for climbing the campus wall!” natatawang usal ni Farrah sabay hawak pa sa kanyang tiyan.
“That was a bit harsh of President Grey to order something like that but it was indeed satisfying to watch.” Jaimee replied.
Napailing na lang ako at mas piniling ituon ang atensyon sa mga equations na nakasulat sa blackboard. Wala kaming klase dahil nagkaroon ng biglaang pagpapatawag ng meeting sa mga members ng faculty. Gayunpaman, hindi kami pinalampas ng propesor namin sa General Math. She still left us with those complicated mathematical problems that we have to answer.
“Naalala ko rin si Devilla, ‘di ba nabigyan rin siya ng punishment noon for setting the cafeteria in chaos?”
Nangungunot na lang ang noo ko sa tuwing maririnig ang pag-uusap nila patungkol sa mga personalidad sa paaralan na nabigyan ni Grey ng mabibigat na parusa—even the ones he bullied.I heard about that girl named Cali na ngayon ay miyembro na ng Journalism Team, isa rin siya sa nabiktima ng bullying ni Grey. I don’t know much about the details pero hindi ko sigurado kung maniniwala ba ako o ano.
“And because of that, maybe you’re already aware of how bad I could be?”Sabay-sabay kaming napalingon sa lalaking nagsalita mula sa aming likuran.
“P-pres? N-nandito ka pala,” nauutal na saad ni Jaimee saka pilit na ngumiti upang pagaanin ang aura ng paligid.
Hindi ko siya napansin. Sa buong pag-aakala ko ay nasa labas siya para rumonda kasama ng iba pang SSG officers. Napalunok ako ng mariin nang sa akin dumako ang seryoso niyang tingin.“On the count of three, babalik kayo sa mga upuan niyo.”
Before he could even say another word, both of my friends immediately stood up and ran towards their own seats. Pansin ko na napunta sa amin ang atensyon ng iba pa naming mga kaklase. Ngunit nang mapansin nila ang madilim na itsura ni Grey, agad silang nag-iwas ng tingin at nagkunwaring wala silang nakita.
“Create another noise and I’ll put every single one of you in detention,” banta niya “Lalo ka na, Dominguez.” Itinuro niya pa ako bago siya naglakad patungo sa silyang pagmamay-ari niya at pabagsak na naupo doon.
“Bakit ako na naman?” pabulong kong tanong.
I saw him grin before facing me. “Detention time, missy.”Nanlaki ang mga mata ko. He suddenly stood up and grabbed my arm. Napatingala ako para tingnan kung nagbibiro lang siya o totoong dadalhin niya ako sa detention. For pete’s sake! I just whispered!
Nilingon ko ang gawi ng mga kaibigan ko. They were also looking at me. Halatang gusto nilang lumapit sa akin at tulungan akong makatakas kay Marwin pero natatakot silang madamay. Naiintindihan ko naman, naranasan ko nang mailagay sa detention noong nakipagsabunutan ako sa malandi kong kaklase noong nasa seventh grade ako. It was so fucking suffocating.
“Where are you taking her?” Russell asked.Finally, nagkaroon din sila ng tapang para tanungin ang feeling powerful alien na si Marwin Theodore Grey. Gosh, he definitely is the cheekiest person I’ve ever met. Childish? I can add that to his definition.