Chapter 6

90 6 3
                                    

Chapter 6

Fortunately, natakasan ko ang binabalak na kabaliwan ni Grey. Mabuti na lang at saktong-sakto ang pagdating ni Mrs. Quindoza kaya kung ano man ang ginustong mangyari ng siraulong si Marwin, hindi na niya nagawang ituloy.

“I hope you learned something, especially for the new comers.” Dumako ang paningin niya sa akin. He even smiled, pero ramdam ko ang pagiging peke noon. Inirapan ko lang siya.

I shifted my gaze to Van. Nasa unahang bahagi siya ng silid at taimtim na nakikinig sa conference. Sayang, gusto ko pa naman siyang makausap ng matagal para naman makahabol kami sa napakaraming panahong hindi kami nagkita. Honestly, I feel so excited after seeing him again. I don’t know if he feels the same but, just having him remember me is more than enough.

“Sana may natutunan ka, stupida.” Pilit kong pinakalma ang sarili nang marinig na naman ang mapanglait niyang banat. I ignored him, pretended that I couldn’t hear nor feel his presence beside me. Ano bang trip niya? Ang dami pang bakanteng upuan na nakakalat sa loob ng classroom pero dito pa siya uupo sa tabi ko. Does he really want to see me explode?

Naunang magpaliwanag si Mrs. Quindoza patungkol sa kaalaman niya sa pagsusulat. At sumunod nga sa kanya si Marwin bilang leader ng team. He shared tips on writing, kung paano ba mas magiging kaaya-aya ang isang article, ano ang mga dapat na nakasaad doon at alin naman ang hindi dapat isama, mga paraan para mas mapadali ang pagproseso ng ideya sa isipan ng isang manunulat—things like that. Naenjoy ko naman ang pakikinig sa kanya, kung hindi niya lang sana ako binigyan ng pekeng ngiti kanina.

Nagsalubong ang kilay ko nang pakiramdam ko ay may nakatitig sa akin. I slightly rotated my head towards the direction of that guy beside me. And I was not wrong, nakatitig nga niya.

“What are you looking at?” I asked.

“I’m obviously looking at you,” mabilis niyang tugon.

“Huwag mo nga akong titigan,” naiilang kong sabi.

Muli kong itinuon ang paningin ko sa unahan. Sinubukan kong ibalik ang atensyon ko sa nagsasalita doon pero kahit anong gawin ko, patuloy na nawawala ang focus ko. Paano, kahit sinaway ko na siya kanina, hindi niya pa rin inaalis ang tingin niya sa akin.

“Bakit ka ba kasi nakatitig?” Hindi na ako nakatiis at tuluyan ko na siyang hinarap. I saw him smirked.

“I’m just wondering about something,” he replied. Mas lalong nangunot ang noo ko.

“Something like what?” I curiously asked.

“Why are you so ugly?” Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. Ano raw?

“Wow ha, ang gwapo mo naman. Nakakahiya sayo eh,” sarkastiko kong sabi na sinabayan pa ng pag-ikot ng mata ko.

“I was just a cute fetus when I learned about that fact, kaya hindi mo na kailangang ipamukha sa akin na ibang level talaga ang kagwapuhan ko.” Napangiwi ako sa sagot niya. His head might really be full of polluted air kaya ganito siya kung mag-isip. 

I gave him a bored look bago ko iniangat ang kamay ko. Malapit nang maubos ang pasensya ko. Kung mananatili ako rito para pakinggang ang katarantaduhan niya at patuloy na masilayan ang nakakairita niyang pagmumukha, baka magtagumpay na siya sa plano niyang paakyatin ang lahat ng dugo ko sa ulo.

“Yes Dominguez? Do you have anything to share with us?”

“Excuse me ma’am but, may I go out?” Inalis ko ang paningin kay Marwin. Gosh, I don’t know what to do with him. He’s hopeless, wala na siyang pag-asang tumino. Masyado nang marami ang plemang bumabalot sa utak niya.

Mystified Heartstrings (A Collaborative Novel) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon