Chapter 12
Day 63: Sevelanio High (Present)
“What do you mean na hindi sila makakarating?”
I can sense the frustration in Coach Quindoza’s voice while she talks with an unknown man outside the campus gate.
“May nagkansela po ng reservation niyo, ma’am. Kung gugustuhin niyo po na kumuha ulit ng marerentahang sasakyan, wala na po kaming maibibigay at may nauna na po sa inyo,” paliwanag ng matandang lalaki.
Nagkatinginan kami ni Farrah nang marinig ang pag-uusap nila. Nag-umpisa na rin ang pagbubulungan ng iba pa naming mga kasamahan. Nakahanda na kaming lahat para umalis, pero malalaman namin na wala pala kaming service dahil may nag-cancel noon. Mabuti na lang at maaga pa kaya may oras pa kami para mag-isip ng alternatibong paraan.
“Sumundo na lang kaya tayo ng tricycle. Marami namang nag-aabang ng pasahero doon sa may basketball court,” suhestiyon ni Gillian na agad na ikinatango ng lahat.
“Nakakainggit si Jaimee,” pabulong na pahayag ni Farrah. Totoo naman, kanina pa siya nakaalis sakay ng kotse ni Sir Lexus. Nauna na ang team nila since iba ang magha-handle sa kanila. I can imagine her sitting comfortably on that car’s soft cushion.
Today is the day we’ve all been waiting for. Mahigit isang oras pa bago ang official start ng District Campus Journalism dahil kadalasan ay may program pa na ginaganap sa main hall ng pagdarausang campus. Kung minsan rin ay nauuna ang broadcasting category kaya natatagalan. Even so, may attendance sheet pa kaming kailangan pirmahan at kailangan rin namin makuha ang contestant tag namin bago pa matapos ang program.
“Mabuti na lang at napakiusapan ko si sir Lexus na daanan ang mga tinatakan niyong uniforms sa printing shop,” saad ni coach nang makalapit siya sa kinaroroonan namin. “Sino naman kaya ang nag-cancel ng reservation natin?” nahihiwagaan niyang tanong.
“What are we going to do now, coach? We only have an hour left before the contest starts." Napabuntong hininga si coach sa tanong ni Marwin.
“Sumita na lang tayo ng tricycle. Siguro ay kakasya na tayo sa dalawa,” aniya bago nilingon ang kalsada. Sinenyasan niya kami na sumunod sa kanya palabas sa gate at ganoon nga ang ginawa namin.
“Five minutes,” napalingon kami kay Marwin nang magsalita ito. Nakababa ang tingin niya sa suot na wristwatch at tila sinusundan ang bawat pagpitik ng kamay nito. “After knowing about the setback, I immediately called my Dad so that he could provide us the vehicle we need.”
Everyone sighed in relief.
“Thank goodness!” natutuwang sabi ni coach.
“Saved by the SSG president, sounds nice!” komento ng isa sa mga kasama namin.
Napaigik ako nang maramdaman ang pagkurot ni Farrah sa tagiliran ko. Masama ko siyang tiningnan dahil sa inis. Nagtaas-baba ang kilay niya sa akin saka niya itinuro ang lalaki sa harapan namin gamit ang nguso niya.
“Nakatingin sayo,” aniya na ikinakunot ng noo ko.
I slowly turned my head towards the direction she pointed out earlier. Medyo nagulat ako nang makita si Grey na nakatingin din sa akin. He was smiling. Is he that excited to show off later?
Ngumiti lang ako pabalik bago nag-iwas ng tingin. Sinubukan kong ibaling sa ibang bagay ang atensyon ko. I don’t know why, but these past few days, something about me feels so weird whenever I see him. I can’t explain it, though.
Sakto sa ibinigay na palugit ni Marwin, huminto ang puting van sa harapan namin. Agad na bumukas ang pinto nito at iniluwa ang isang lalaki na sa aking palagay ay nasa edad apatnapu o pataas. May katabaan ang katawan nito ngunit kapansin-pansin pa rin ang taglay nitong kagwapuhan. Kulay berde ang kulay ng kanyang mga mata, may matangos na ilong at manipis na labi, mayroon din siyang bigote pero hindi ito naging hadlang upang masabi ko na mas nangingibabaw ang maamo niyang aura.
