SALUBONG ang kilay nang lingunin ni Duane si Mikeyzhia, nahagip nito ang pulsuhan niya. Medyo maayos na rin ang kalagayan ng dalaga dahil nakapagpahinga na ito. Kapagka ganito ay kinakailangan niya lang bumalik sa tunay niyang anyo, mas mapapadali ang paggaling niya.
Mostly sa mga sensitive and protected parts ng katawan niya ay naapektuhan ng chemicals na nasagap niya, na naging dahilan upang panandaliang humina ang katawan niya. She'll probably recover within a day, kailangan niya lang na magpahinga.
"Hindi mo na ako madadala sa mga pa-cute mo, masyado ka nang abusado. Hindi ko pa nga napapatawad ang sarili ko sa kahihiyang nakuha ko no'ng pumasok ako sa toy store e." Hindi niya matingnan nang maayos si Mikeyzhia dahil iniiwasan niyang mahulog na naman sa bitag.
Nasa denial stage pa siya na gusto niya nga talaga si Mikeyzhia. Maybe, he cares for her. Pero deeply in love? Ni hindi niya pa nga alam kung paano talaga maramdaman 'yon. Buong buhay niya, nakasentro lang ang atensyon niya sa pag-aaral at sa pamilya. Kahit nasa saktong edad na siya ay hindi niya pa rin lubos maintindihan kung paano 'yon mararamdaman ng tama.
Masyado naman kasing imposible 'yon. Siguro nabigla lang ako no'ng magtapat ako kay Larrki kaya ayon nauwi lang din sa joke. 'Buti na lang naniwala.
Hindi pa rin bumibitaw ang kamay ni Mikeyzhia sa braso niya. "Sige na, Duane. Hindi ko pa kasi naririnig ang kantang 'yon. Gusto kong ikaw ang unang marinig kong kumanta no'n. Mahirap na ba ang hinihili-"
"Oo, sobrang hirap. Gagawin mo pa akong tanga. Masyado na akong matanda para kumanta ng bahay-kubo. Nababaliw ka na ba?" bulalas niya.
"Nabanggit kasi 'yon ni Aica. Madalas niyang kantahan no'n ang anak niya kapag pinapatulog. Curious lang ako."
"At marunong ka na din sa mga salitang 'yan, ha. Basta ayoko," mariin niyang giit.
Dahan-dahang kumalas ang kamay ni Mikeyzhia sa braso niya, inayos ang pagkakahiga at tumalikod na sa binata. Hindi na niya ito pipilitin kung ayaw niya. Kung tutuusin ay hindi naman malaki ang pabor na hinihingi niya, hindi mahirap.
Kaya ganon na lang ang sama ng loob ng dalaga dahil nabigo na naman siya sa isang bagay. Makulitan na si Duane sa kanya pero gusto niya lang talaga marinig itong kumanta. At curious nga siya sa tono ng kantang iyon, gusto niyang marinig.
Pero sa tingin niya ay hindi ito ang tamang pagkakataon kasi hindi siya napagbigyan. Siguro iba na lang ang hihingan niya ng pabor ukol sa bagay na 'yon. Pero kapag naiisip niyang iba ang gagawa, para bang mabigat sa loob niya. Humigit na lamang siya ng malalim na hininga bago tuluyang ipinikit ang mata.
"Naglilihi ka ba? Dinaig mo pa ang tunay na buntis kung makapagrequest ka e," daldal ni Duane.
Nanatiling nakabusangot si Mikeyzhia, walang balak na pansinin si Duane.
Kaya wala siyang choice, lumunok siya ng laway, at huminga ng malalim saka...
"B-bahay kubo..."
Napamulat siya nang marinig ang malalim na boses ni Duane, kumakanta ito pero parang labag sa loob pero hindi niya pa rin maiwasang mapangiti.
"Kahit munti. Ang halaman doon ay sari-sari-" Pumiyok ito kaya natawa siya ng mahina. "Singkamas at talong. Sigarilyas at mani. Sitaw, bataw, patani..."
Nanatili siyang nakatalikod habang pinapakinggan si Duane. Kahit na medyo sintunado ang boses niya ay balewala kay Mikeyzhia. Kahit siguro ibon, hindi kayang tiisin na marinig ang boses ni Duane. Maaari na nga sigurong makabulabog ng buong barangay ang boses niya.
BINABASA MO ANG
Keeping The Werecat (COMPLETED)
FantasyIn search of an escape from her family's cruelty, Mikeyzhia, a werecat, seized the opportunity to leave the place she'd once called home. Eager to find a place to hide, she stumbled upon an open portal that could carry her to the human world. Until...