Special Chapter

167 5 0
                                    

Masayang napatakbo si Mikeyzhia papunta sa dalampasigan. Halos pagabi na rin nang makarating sila rito sa napili nilang resort kung saan sila maghohoneymoon. Actually ay wala naman na talaga silang balak pa pero naisip ni Duane ay minsan lang naman nila iyon maranasan. At gusto niya ring mabisita ang dagat. Ang pagkakatanda niya ay ang huli ay iyong panahong umamin si Mikeyzhia sa kanya at ganoon din siya rito.

Kung saan nagsimula ang lahat.

Napangiti si Duane habang inaalala ang moment na iyon. Tama lang din pala ang desisyon niyang umamin at hind niya iyon pinagsisihan na kumilos siya dahil kung hindi nangyari iyon ay wala sana silang apat na anak ngayon at masaya sa kanilang buhay mag-asawa.

"Duane, lumapit ka rito, dali!" sigaw ni Mikeyzhia habang kumakaway sa kanya.

"Papunta na!" tugon niya.

Pagkarating niya sa kinaroroonan ng asawa ay napailing na lang siya habang tinuturo nito ang kanyang mga tinumpok na mga shells.

"Ang ganda nila, 'di ba? Magugustuhan ito ni Samie kapag dinala natin ito sa kanya." excited niyang sabi.

"Mahal, puno na ng shells ang kwarto ni Samie, baka maging dagat na 'yon." natatawang sagot niya.

Sinamaan siya ng tingin ni Mikeyzhia. Mahilig si Samie sa mga shells at lahat ng mga related sa dagat. Kung titignan ang kanyang kwarto ay para na itong malaking aquarium, lahat ay may disenyo ng mga isda at tubig.

Humarap si Mikeyzhia sa papalubog na na araw. Hindi niya mapigilan ang mapangiti sa ganda non at idagdag pa ang nakakarelax na hampas ng alon. Sinadya ni Duane na rentahan ang buong resort para maisolo ang kanyang asawa. Simula noong magkaanak sila ay minsan lang sila magkaroon ng ganitong moment, 'yong parang date, alone time nila.

Agad niyang hinapit sa beywang si Mikeyzhia at niyakap ito ng mahigpit sa likuran. Napapikit siya ng mariin.

"May problema ba?" takang tanong ni Mikeyzhia habang inaabot ang kanyang pisngi.

Mabilis naman siyang umiling at mas lalong humigpit ang yakap niya sa asawa. Dinama niya ang malamig na hangin at kapayapaan na dulot ng halimuyak ni Mikeyzhia.

"Naaalala mo rin ba 'yong gabing 'yon?" nakangiting tanong ni Mikeyzhia nang ibaling na niya ang kanyang tingin sa harap.

Napadilat si Duane. "Hinding-hindi ko magagawang kalimutan 'yon." natatawang sabi niya pa," Alam mo ba noong time na wala ka sa tabi ko, pabalik-balik ako sa lugar na 'to. Dumating na ako sa puntong hindi na ako umaasang babalik ka kasi limang taon 'yon. Kahit sino ay mawawalan na ng pag-asa kapag nangyari sa kanila 'yon," nakangusong pahayag niya.

"Ganoon mo talaga ako kamahal?" pabirong sabi ni Mikeyzhia.

Nagsalubong ang kilay ni Duane at kumalas sa pagkakayakap sa kanyang asawa at hinarap ito. "Iniinsulto mo ba ang kakayahan kong magmahal ano?" medyo nagtatampo pa.

"Paano kung hindi na nga talaga ako bumalik, ako pa rin ba mamahalin mo?" kuryosong tanong ni Mikeyzhia.

Duane glared at her. "Anong klaseng tanong 'yan?" nakabusangot na tanong ni Duane.

Hinawakan ni Mikeyzhia ang kamay niya. "Sagutin mo muna ang tanong ko,"

"Oo, ikaw at ikaw lang. Isa pa, kung hindi ka naman talaga babalik, edi nanakawin ko ang susi papunta sa Zakisea at babawiin kita kay Aklas. Balak ko na nga sanang gawin 'yon pero naisip ko na baka magalit ka dahil sarili ko lang iniisip ko. Kaya pinili ko na lang maghintay kasi may tiwala akong babalik ka. Sa gwapo kong 'to, binabalikan 'to uy!" eksplenasyon niya.

Ngingiting ikinulong ni Mikeyzhia ang mukha niya sa mga palad nito.

"Salamat..."

Kumunot ang noo ni Duane.

"Para saan?"

"Salamat sa pananatili sa tabi ko, alam kong pagod ka na rin pero mas pinipili mong maging matatag. Pero sana huwag ka na maglilihim sa akin, kung gusto mong umiyak, andito ako palagi para damayan ka. Hindi naging madali ang pinagdaanan mo sa mga panahong tinataboy ako ng mundo, lumaban ka, pinaglaban mo ako. Salamat dahil minahal mo ako..."

Sumilay ang ngiti sa labi ni Duane at kasabay non ay ang pagsalubong ng kanilang mga labi. Hinayaan nilang lamunin sila ng kanilang pagmamahal sa isa't isa. Habang lumalalim ang gabi ay mas lalo silang naging malamyos sa kanilang kilos.

Dumampi ang malamig na simoy ng hangin sa balat nina Duane at Mikeyzhia. Ang buwan ay maliwanag na, bumabalot sa kanilang dalawa ang romantikong liwanag. Nakalubog sila sa malamig na tubig, na para bang sinasabi ng dagat na ang kanilang pag-ibig ay tila alon sa dagat na walang makakapigil at hindi kailanman matitibag ng kahit anong harang dahil hahampas ito nang hahampas.

Naglalakad sila sa dalampasigan, dama ang kalmadong pagsalubong ng tubig sa kanilang mga paa. Magkahawak ang mga kamay, naglakad sila patungo sa kawalan, na tila naglalaro ang mga bituin sa kalangitan na parang nagpapahiwatig ng kanilang walang hanggang pagmamahalan.

Sa kahabaan ng kanilang paglalakbay, marahang sinisipat ni Mikeyzhia sa mukha ni Duane, na tila nakaabang sa bawat paggalaw niya. Sa pagsasalamin ng buwan, mababanaag ang saya at pagmamahal sa mga mata ni Duane, na walang sawang pinakikita ang kanyang pagmamahal sa kanyang kabiyak.

Sa mga sandaling iyon, tila naglaho ang lahat ng mga alalahanin at pag-aalala. Ang kanilang pagmamahalan ay tila walang hanggan, isang pag-ibig na sumasalamin sa kagandahan ng kalikasan at taglay ang lakas ng daloy ng karagatan.

Keeping The Werecat (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon