“GET ME out of here, please. Kailangan ko nang umuwi!” Nagpumiglas si Frina sa braso ni Duane at pilit na kumakawala sa hawak niya. Maging sina Mynchie ay pinipigilan na rin siya.
“Frina, kumalma ka!” pasigaw na sabi ni Duane.
“You can't calm her down just like that.”
Tumabingi ang ulo ni Frina sa malakas na sampal na ibinigay sa kanya ni Mynchie. Sinubukan niya namang huwag masaktan si Frina kasi ayaw niya namang maapektuhan ang dinadala nito pero wala nang ibang paraan.
Nagulat rin sina Mikeyzhia sa ginawang iyon ni Mynchie. “Mynchie, anong ginawa mo?”
Marahas na hinawakan ni Mynchie sa balikat si Frina para paharapin sa kanya. Frina was so shocked that she forgot to move a limb. Nakatulala lang siya habang hawak-hawak ang pisnging nasampal. Tila namanhid ito sa sobrang bigat ng kamay ni Mynchie.
“Ikaw na babae ka, pinipigilan ko lang ang sarili ko sa'yo, ha. If you want to go home, think about the child you're bearing. Hindi kami nandito para awayin ka o saktan, pero kung matigas pa rin ang ulo mo, magagawa ko talaga 'yon!”
“Mynchie, tama na!” Inilayo na ni Duane si Frina sa kapatid niya at ipinaupo uli ito sa hospital bed. Kumuha na din si Mikeyzhia ng tubig.
Nagsimula nang umiyak si Frina. “H-Hey, tama na. Huwag ka na umiyak, makakasama sa'yo at sa bata.” Inabot niya ang tubig rito.
“Hindi ko na alam ang gagawin ko...”
Tanging ang hikbi na lamang ni Frina ang maririnig sa buong kwarto. Wala niisang nangahas na bumasag sa katahimikan. Hinayaan nilang ilabas ni Frina ang sama ng loob niya. Kahit si Mynchie ay napaiwas ng tingin tapos ay bumuntong-hininga.
Lumapit si Mikeyzhia kay Frina, nagtaka naman si Duane pero binigyan niya pa rin ng space si Mikeyzhia para makalapit kay Frina.
Niyakap niya si Frina.
Panay ang hagod niya sa likuran nito, hindi na nag-abala pa si Frina na itulak siya. Pagod na pagod na siya. Hindi niya na alam kung saan siya magsisimula.
“Ayokong lumaki ang anak ko na walang ama,” Biglang banggit ni Frina sa bagay na 'yon.
Sinulyapan ni Mikeyzhia si Duane at sinabihan na lumabas na muna sila. Kakausapin niya lang ng masinsinan ito. Hindi na pumalag si Mynchie at nauna pang lumabas.
“Frina,” pagbabasag niya sa katahimikan. “Alam kong alam mo na hindi tao ang nasa sinapupunan mo, hindi ba?”
Napahinto sa pag-iyak si Frina. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni Mikeyzhia. Agad siyang napatingala rito. Pinahiran niya ang pisngi niya at hindi mapalagay ang kanyang mga mata sa kung saan ito dadapo.
Lumunok siya. “A-Ano bang pinagsasabi mo?”
“Sa Supermarket, naaamoy ko ang batang dinadala mo. Siya ang nagdala sa'kin sa lugar kung saan ka naroroon. Alam mo na ang ibig kong sabihin, Frina.” Umupo siya sa tabi nito.
“Ano ka ba? Sa tingin mo naniniwala ako sa'yo? Anong gusto mong isipin ko, na aswang ang anak ko? Mermaid o kung anong creature man?” Natatawang wika niya. “Can you please just leave me alone?”
“Maaari ko bang malaman kung sino ang ama ng anak mo?”
“Hindi ka ba nakakaintindi? I said leave me alone!”
“Frina, hindi mo rin naiintindihan. Kailangan kong malaman kung sino ang ama ng bata dahil maaaring kalahi ko siya nakalabas mula sa Zakisea!”
BINABASA MO ANG
Keeping The Werecat (COMPLETED)
FantasyIn search of an escape from her family's cruelty, Mikeyzhia, a werecat, seized the opportunity to leave the place she'd once called home. Eager to find a place to hide, she stumbled upon an open portal that could carry her to the human world. Until...