Chapter 43

1.1K 29 4
                                    

LUMIPAS ang limang taong walang kulay ang mundong ginagalawan ni Duane. At sa limang taon na iyon ay dinadala niya pa rin ang pag-asang muling babalik si Mikeyzhia sa mga bisig niya. Sinubukan niyang magpokus sa kanyang kompanya na pareho nilang mina-manage ni Mynchie. Tinulungan siya ng kapatid na palaguin ang SG Cosmetics at naging matagumpay iyon.

Nagkaroon sila ng mga branches worldwide kaya mas naging busy sila. Mabuti na lang at nandyan si Larrki para makatulong rin sa kanila. Kumuha na rin siya ng bagong sekretarya pero hindi matatapatan ang galing ni Dayeth sa field na 'yon.

Sumandal siya sa kanyang swivel chair, sumasakit na naman ang ulo niya. It keeps on coming from time to time. He's been exhausted lately. Hinilot niya ang kanyang sentido. Napaayos siya ng upo nang may marinig siyang pagkatok sa pintuan.

"Come in," walang ganang sagot niya.

Pumasok ang kanyang secretary na may dalang folders. "Mr. Segunla, ito na po lahat ng mga pipirmahan niyo," sabi nito bago nakalapit sa desk niya.

"Okay, akin na. Salamat, Ms. Georgina," wika niya sa kanyang sekretarya.

He sighed, looking at the pile of unending documents for signing. Gusto niya na lang na makapagpahinga. Sa loob ng ilang taon, wala na siyang ibang ginawa kung hindi ang makipagsapalaran sa mga trabahong kailangan niyang tapusin. He didn't have enough time for himself, to relax, to freshen up. It's all about the work. For living.

Nabaling ang atensyon niya sa cellphone niyang tumutunog na nasa gilid niya lang. Tumambad ang pangalan ni Mrs. Segunla sa kanyang screen.

Agad niyang inilapag ang ballpen at sinagot na ang tawag bago pa man siya masermunan ng ina.

"Bakit, ma?" bati niya rito.

Nakarinig siya ng mga hiyawan sa kabilang linya kaya nailayo niya agad ito sa kanyang tenga.

"Anak, makakapunta ka ba dito ngayon?" tanong ni Mrs. Segunla na nagpagising sa kanyang diwa.

He almost forgot! Ngayon nga pala ang grand opening and ribbon-cutting ceremony ng bagong pinatayong animal shelter ni Mrs. Segunla. After over four years of planning, fundraising, and construction, the Rangers Animal Rescue Shelter finally held its grand opening and ribbon-cutting ceremony. The worst thing is nangako siyang pupunta siya pero heto siya ngayon, nasa office niya, nakaharap sa nakatambak na trabahong kailangan tapusin.

Mahina siyang napamura at sandaling napapikit. "Sorry, ma..." paghingi niya ng paumanhin sa ina. "Hahabol na lang ako. Kailangan ko pa kasing—"

"Ayos lang, anak. Naiintindihan ko. Bumisita ka na lang dito kapag hindi ka na busy. Kumain ka na ba?" mahinahong ani ng matanda.

"Uh...Hindi pa, Ma. Mamaya," maikling sagot niya.

Bumuntonghininga si Mrs. Segunla. "Huwag ka masyadong magpa-stress sa trabaho, anak. Kailangan mo ring magpahinga. Umuwi ka mamaya sa bahay, paglulutuan kita ng paborito mo. Palagi ka na lang nagmumukmok dyan sa opisina. Balak mo na rin bang bantayan ang buong building?"

Napailing siya at natawa ng pagak sa sinabi ng kanyang ina. "Sige, Ma. Tapusin ko lang 'to."

"Sige." Pinatay na nito ang tawag kaya muli siyang napabuntonghininga nang mapatingin sa mga folders.

Pipirmahan pa lang 'yan, hindi pa kasali ang mga kailangan niyang i-analyze na ibang documents para sa sales sa tatlong buwan at marami pang iba.

Kailan ka ba matatapos? mangiyak-ngiyak niyang sabi at itinuro ang mga files.

MADILIM na ang kalangitan nang matapos niya na rin lahat ng kailangan niyang gawin. Pakiramdam niya ay nakawala siya sa hawla na puno ng daga at ibang insekto. Ang sarap sa pakiramdam. Ngayon niya lang maramdaman ang ganito, ang luwag sa damdamin. Makakapagpahinga na rin siya sa wakas. Nakaraos na sa sakuna, e.

Keeping The Werecat (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon