Chapter 47

82 2 0
                                    

“TODD, put that down!” sigaw ni Duane sa anak nang kargahin nito ang mamahaling vase na binili pa nila mismo sa Russia.

Hindi ito nakinig sa kanya at nakangising hinagis ang vase, mabilis naman iyong nasalo ni Samwell saka binatukan ang kapatid.

“Aw! That hurts!” reklamo ni Todd.

Inirapan lang siya ni Samwell, “Serves you right.” anito at nilapag muli sa ibabaw ng cabinet ang vase.

“Salamat, Samie..." sabi ni Duane, agad naman siyang sinamaan ng tingin ng anak.

“I'm not Samie, Dad. It's Sasha! Duh!” maarteng sagot nito saka ito humarap sa malaking salamin habang inaayos ang kanyang necktie.

Napailing na lang si Duane sa naging tugon ng lalambuting anak. Hindi niya na talaga maintindihan kung anong pinagkakakain ni Mikeyzhia noong nagbubuntis pa ito sa mga paslit na ito upang maging ganito ang mga ito. Sa pagkakaalam niya ay half-cats, half-humans ang mga isinilang ng asawa niya, hindi sirena o kamag-anak ni hulk.

Si Jayvion Todd ang tipo na kung anong gusto niyang gagawin ay masusunod o gagawin niya talaga. Pangunahing sakit ng ulo, napakapasaway. Hindi mo mahuhulaan kung anong susunod na gagawin niya kung hindi mo talaga pagtutuonan ng pansin.

Ito namang si Samwell Roy o Sasha daw? Hindi payag na maging prinsesa ng pamilya, gusto reyna pa. Pangarap niya daw na i-take over ang cosmetics company ng Dad niya paglaki niya kasi hindi daw ito marunong. Napangaralan pa nga.

Kung pasaway at reyna ang dalawang lalaki niya ay iyon naman ang pinagkaiba ng pag-uugali ni Ryker Sage. Ito ang pinakamatino, matured, at tahimik pero malambing. May pagkabookworm naman at talagang minsan mo lang makitang walang bitbit na libro.

At finally, ang kanyang prinsesa, si Avianna Alkae. The 'one of the boys' princess ng Segunla family. Ayaw na ayaw niyang tinatawag siyang Avianna, she hates it. Masyadong girly, hindi daw bagay sa image niya. May pagkaamazona rin.

“Nasaan na sina Alkae at Ryker, malelate na kayo sa school?” tanong niya sa mga anak habang sinusuot ang coat niya.

It's almost 7 am at ilang minuto na lang ay ihahatid na niya ang mga ito sa pinapasukan nilang private school. Nasa iisang section ang quintuplets at pangunahing center of attraction ng mga teachers sa angking galing sa klase ng mga ito kahit na nasa 3rd grade pa lamang.

Hindi maikakailang nagmana sa ama sa pagiging competitive.

Tinuro ng dalawa ang pangalawang palapag ng bahay kung nasaan ang kanilang kwartong kaya agad na siyang umakyat doon.

Mula sa labas ng kanilang kwarto ay rinig niya ang iilang nagkakalampagang gamit. Dala ng labis na pangamba sa kung ano na ang nangyayari sa loob ay mabilis na binuksan ni Duane ang pintuan.

“Anong nangyay—Mahal!”

Natigilan naman ang tatlo at kanya-kanya ng tanggal sa mga helmet ng motor sa kanilang ulo. Nanlaki pa ang mga mata nila nang makita siya.

“Anong nangyayari? Ryker, Alkae, you're supposed to be preparing for school! Ikaw naman, Mikeyzhia,” Binalingan niya ang asawa. “Bakit ka nakikipaglaro sa mga anak mo? Malelate na sila, pati ako!”

Ibinaba na ng tatlo ang mga hawak nilang mga laruang espada at inayos ang mga sarili.

“Duane, sila nagyaya.” nakangusong tugon.

Lumapit si Duane sa pwesto ng mga anak at pinagpagan ang mga uniporme nila. “Kids, bumaba na kayo, eat your breakfast na.”

Sumunod naman ang mga bata at nag-unahan na sa paglabas. Napailing na lang si Duane nang mahinang batukan ni Ryker ang kapatid bago ito nilagpasan.

Keeping The Werecat (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon