Chapter 15

975 29 13
                                    

HALOS mangiyak-ngiyak si Mikeyzhia sa mga pinaggagawa sa kanya. Hindi niya alam kung para saan ang mga iyon at ano ang magiging benepisyo niyon sa kanyang katawan. Sumailalim siya sa maraming proseso. They perform cosmetic skin treatments on her such as facials, superficial chemical peels, body treatments, and waxing. Sa waxing pa lang, pakiramdam niya ay binabalatan siya ng buhay.

"Ano buhay ka pa?" Nasa labas na sila ng salon at patungo na sa sasakyan.

Nanatiling nakayuko si Mikeyzhia, tila nawalan ng lakas ang buong katawan niya na maski ang pagsasalita ay hindi na niya magawa, sobrang hapdi ng pakiramdam niya. Bilang isang werecat, hindi niya alam kung deserve niya ba ang mga ginawa sa kanya kanina. Kahit ilang pangpa-relax ang gawin sa kanya ay hindi tumatalab. Para bang kumokontra ang katawan niya sa mga iyon, pero wala siyang magagawa. Kagustuhan iyon ni Duane.

Gusto niya na lang magpahinga.

Nagitla siya nang pitikin ni Duane ang noo niya, napadaing siya sa sakit.

"Ano na naman ba tumatakbo dyan sa utak mo? Bilisan mong maglakad. Para kang nanganak ng limang sanggol sa iisang erehan."

"Gusto ko ng umuwi, Duane." mahina lamang ang pagkakasabi niya no'n pero hindi pa rin iyon nakaligtas sa pandinig ng binata.

"Uuwi naman na talaga tayo. Dalian mo na, pagod na din ako. Kanina pa tumatawag si Mommy, hinahanap ka."

Tumalikod na ang binata at naunang naglakad papunta sa sasakyan ngunit natigilan ito nang mapansing hindi siya gumagalaw sa kanyang kinatatayuan. Namumutla na rin siya.

"Mikeyzhia, ano bang ginagawa mo? Halika ka na nga dito."

Tila walang narinig si Mikeyzhia kaya nainis na si Duane. Napapailing na naglakad ang binata papunta sa pwesto niya, handa na siyang sigawan ulit para bumalik ito sa katinuan. Hindi pa nakakapagsalita si Duane nang biglang bumagsak ang katawan ni Mikeyzhia sa lapag dahilan para mataranta ang binata.

"Shit! Mikeyzhia, gumising ka! Ano ba!" Tinapik-tapik niya ang pisngi nito pero hindi pa rin ito nagkakamalay.

Nagsisimula nang magsilapitan ang mga taong dumadaan sa kinaroroonan nila. Ang iba'y may hawak na phone na tila nagrerecord at ang iba naman ay nag-uusap. Walang may pakialam.

Duane hissed frustatedly at maingat na inangat ang katawan ni Mikeyzhia, he carried her in a bridal style. Sinulyapan niya ang namumutlang mukha ng dalawa, kitang-kita sa mukha nito ang pagod at lumitaw na sa utak niya ang dahilan kung bakit ito nag-collapse.

Muli na naman siyang napamura sa sarili. Ilang mura na ba ang lumabas sa bibig niya? Hindi na niya mabilang. Hindi na niya maituwid ang kanyang pag-iisip dahil sa takot. Takot na mawala si Mikeyzhia?

No way! Nakokonsensya lang ako, ayokong balikan ng mga kalahi niya noh!

Mariin niyang itinanggi ang nararamdaman na labag na sa loob niya, hindi nga ikaw 'to, Duane. Si Mikeyzhia na rin ang nagsabi na wala siyang puso at pinanindigan niya iyon, pero anong nangyayari? Bakit siya nagiging ganito?

"Pasensya ka na, hindi na mauulit ito..." mahinang wika niya pagkasandal niya sa dalaga sa upuan sa shotgun seat.

Walang sinayang na oras si Duane at pinaharurot kaagad ang kotse papunta sa pinakamalapit na ospital. Nahampas niya ang manibela at sinabunutan ang sarili. Kung hindi niya sana pinilit si Mikeyzhia na mag-spa ay hindi sana mangyayari ito. Hindi niya man lang isinaalang-alang na hindi nga pala ordinaryong tao si Mikeyzhia, maaaring hindi kinaya ng katawan ng dalaga ang mga iyon, especially when they did the waxing, her fur was affected.

Halos liparin na niya ang mahabang kalsada sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya. Ilang beses siyang napapalingon sa pwesto ni Mikeyzhia, hindi na niya alam kung saan siya magpopokus. Sa muling pagsulyap niya ay may napansin siyang nagliwanag sa bandang leeg ng dalaga, hindi niya agad iyon napagtuonan ng pansin dahil nakarating na sila sa hospital. Mabilis pa sa alas-kuwatro na lumipat si Duane sa kabilang side ng kotse at binuhat na muli ang walang malay na dalaga.

Keeping The Werecat (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon