Chapter 40

687 20 5
                                    

HINDI MAKAPANIWALA si Mikeyzhia sa ginawa ng kanyang ama. Hindi niya lubos maisip na magiging ganito ito kasakim. At dinamay pa siya, ni wala man lang siyang kaalam-alam na mas malalagay pa pala siya sa peligro. Ipinagkanulo siya ng buong angkan dahil sa kagustuhang makuha ang gustong makamit na walang-hanggang kapangyarihan.

Nagkasundo ang dalawang panig na magkaisa. Hindi lang 'yon, nais pa nilang ipaghalo ang dalawang uri; ang werecats at werewolves. Naniniwala silang kapag naghalo ang mga angkan nila ay wala ng makakapigil sa kanila. Pinagkasundong ipakasal siya sa prinsipe ng mga lobo, si Aklas ng Devuniake. Ang masama pa, siya ang magdadala ng mga supling nito.

Wala talaga silang kasing-sama.

Nanginginig ang buong katawan niya sa halo-halong emosyon, nangangamba sa kanyang buhay. Ilang beses niya nang sinasambit ang pangalan ni Duane at walang habas ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. Pinipilit niyang kumawala sa mahigpit na kapit ng taling hindi niya magawang kalasin kahit gamitin niya pa ang buong lakas.

Pero kasi, nanghihina na talaga siya. Ayaw niya nang ubusin ang natitirang lakas niya sa pagpilit sa bagay na hindi niya kontrol. Kahit naman makawala siya rito. May mababago ba? Makakatakbo ba siyang muli tulad ng ginawa niya noon? Hindi.

Mas higit pa na wala na siyang takas dahil sa pwersang pinaghalo sa Zakisea.

"Mikeyzhia..." Narinig niya na naman ang boses ni Aklas. Naramdaman niyang lumapit ito sa kanya at bakas ang simpatya sa kanyang mga mata. "Patawad."

Nananatiling nakaiwas ang kanyang ulo sa lalaki, ayaw niyang makipag-usap sa kung sino. Ang kailangan niya ay si Duane at ang makabalik sa mundo ng mga tao kung saan niya naramdaman ang totoong kalayaan na ipinagkait sa kanya.

Sinubukang hawakan ng lalaki ang kanyang kamay ngunit wala siyang pakealam. "Lumayo ka sa 'kin, hindi kita kailangan."

"Alam kong galit ka sa'kin dahil sa kasunduang ito pero kagaya mo, biktima din ako. Hindi ko kagustuhan ang lahat ng ito. Sana naman, kahit sa ako na lamang kausapin mo. Hindi naman ako masama." malumanay nitong sabi.

Muli siyang umiyak. "Ano pa bang kailangan niyo sa 'kin. Pakiusap, lubayan niyo na ako. Gusto ko nang umuwi."

"Hindi ba't ang Zakisea ang tahanan mo? Ano ang ibig mong sabihin?"

Hinarap niya ang lalaki at matalim na tinitigan ito. "Kahit kailan, hindi ko magagawang tawagin na tahanan ang mundong nagwasak sa akin. Hindi mo 'yon maiintindihan dahil malaya kang nagagawa ang mga bagay na gusto mo. Pare-pareho lang kayo." galit na galit sa sigaw niya.

Napabuntonghininga si Aklas. "Mali ka, naiintindihan kita, Mikeyzhia. Alam ko rin ang pakiramdam na nakagapos sa mga tali na hindi kailanman mapuputol ng kahit na anong patalim. Kung masama ang loob mo dahil mapapangasawa mo ako, ganoon din ako. Anong pag-aakala mo, wala akong minamahal? May iba akong mahal, Mikeyzhia. Pero nagawa mo siyang iwan dahil kinailangan kong sumunod sa utos. Nagawa kong saktan ang babaeng pinaghirapan kong kunin at sa huli'y ako lang din pala ang bibitaw."

Mas lalong bumigat ang dibdib ni Mikeyzhia. Hindi niya na alam kung anong gagawin. Bakit napakahirap kumawala? Nasa kanyang paa't kamay ang tali ngunit bakit sa leeg ang hapit? Bakit parang masikip? Bakit nakakasakal?

"Hindi ko na alam anong gagawin ko..." nahihirapang wika niya.

Huminga ng malalim si Aklas at bahagyang lumuhod sa harapan niya upang mapantayan siya. Umangat ang kanyang kanang kamay at pinahirapan ang luha ni Mikeyzhia gamit ang kanyang hinlalaki. "Wala na tayong magagawa pa, Mikeyzhia. Siguro nga ito na ang kapalaran natin"

Keeping The Werecat (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon