"ANONG nangyari sa kamay mo?" Kinuha ni Mrs. Segunla ang kamay ni Duane nang mapansin nito ang benda roon. Agad namang binawi iyon ni Duane.
Lumayo siya ng kaunti sa ina. "Wala 'to, ma.
Aksidente lang." Umupo na siya sa upuan at nagsandok ng kanin.Hindi niya naramdaman ang paglapit ng kanyang ina sa kanyang likuran at piningot ang tenga niya, nagkandasigaw-sigaw siya sa sakit habang ang mga kasambahay ay panay lang ang tawa. Nagsipasukan na din sina Mikeyzhia at Mynchie sa kusina. Bumungad sa kanila ang ganoong eksena.
"Aray ko, ma! Ano na namang naga-aww!" sunod-sunod na daing niya.
Binitawan nito ang tenga at hinampas siya ng mahina sa balikat. "Ano bang pinaggagawa mong bata ka, ha? Paano kung mas malala pa dyan ang nangyari? Hindi ka talaga nag-iingat!" frustrated na bulalas ng ginang.
Lumapit na si Mikeyzhia sa kanila at hinawakan sa balikat ang nagwawalang ginang. Pinakalma niya ito. Naiiling na lang si Mynchie habang pinagmamasdan ang mukha ng Kuya niya.
"Ano kaya pa?" pang-aasar niya.
Sinamaan naman siya ng tingin ni Duane at inangat ang kamao sa ere pero binelatan lang siya ng bunso.
"Madam, hindi niyo nararapat na ini-stress ang inyong sarili. Mahalaga ang pusong maingatan." Pinaupo niya ito sa upuang malapit sa kanila. "Ang katunayan niyan..." Tiningnan niya si Duane na nakatingin rin pala sa kanya. "Ako ang may kasalanan kung bakit nangyari 'yan kay Duane. Hindi naman ganoon kalala. Asahan niyong hindi na ito mangyayaring muli," paumanhin niya rito.
Tinapik ng ginang ang kamay niya. "Ay naku, mabuti naman kung sa ganoon, iha." nginitian siya nito, umupo na si Mikeyzhia sa katabi ni Mrs. Segunla.
Tahimik lang na nagpatuloy ang kainan, walang nangahas na magsalita dahil lahat ay abala sa pagnguya ng pagkain. Panay naman ang pagnanakaw-tingin ni Duane kay Mikeyzhia. Maya-maya pa ay nagulat siya nang kumuha si Mikeyzhia ng ulam at inilagay sa plato niya.
Ngayon niya lang napansin na ubos na pala ang ulam niya, puro kanin na lang.
"S-salamat," Pinipilit niyang huwag magpahalata na na-flatter siya sa ginawa ng dalaga.
Well, unexpectedly. Kasi hindi niya din alam kung bakit siya mapa-flutter sa gano'n kaliit na bagay.
"Hoy, sawsawan 'yan!" saway ni Mynchie sa Kuya niyang balak pa sanang lagukin ang ang soy sauce kung hindi niya pa napigilan.
Muli na namang maririnig ang mahihinang hagikgikan ng tatlong kasambahay na kanina pa pala nakamasid sa ikinikilos ni Duane at na-gets na nila 'yon kung bakit ganito ang amo.
Nagsalita si Martha, "Sir, matunaw po."
Kumunot ang noo ni Duane kung anong ibig sabihin nito kaya sinamaan niya na lang ang tatlo ng tingin. Ipinahiwatig niya sa mga mata niya na kung hindi sila titigil ay talagang mapipilitan siyang maghanap ng panibagong mga kasambahay. Pero syempre, tinatamad na siyang gawin pa 'yon.
Napatikhim ng mahina si Mikeyzhia habang nakahawak sa dibdib, tila nabibilaukan na ata. Kaya dali-daling nagsalin si Duane ng tubig sa baso nito, maski si Mrs. Segunla ay nagulat sa biglang pagtayo niya.
"Uminom ka nang tubig, hindi ka pwedeng mamatay sa loob ng pamamahay ko," casual na pagkakasabi niya.
Tumango lang si Mikeyzhia at awkward na ininom ang tubig. Tumayo na sa inuupuan niya si Duane, naghugas nang kamay bago tuluyang nilisan ang kusina. Nagkatitinginan silang lahat sa kinikilos ni Duane. Sanay naman na silang lahat sa ugali nitong paiba-iba pero medyo parang iba ang awra ngayon. Mas matindi, e.
BINABASA MO ANG
Keeping The Werecat (COMPLETED)
FantasyIn search of an escape from her family's cruelty, Mikeyzhia, a werecat, seized the opportunity to leave the place she'd once called home. Eager to find a place to hide, she stumbled upon an open portal that could carry her to the human world. Until...