Chapter 39

628 20 11
                                    

ITINIGIL ni Duane ang kanyang sasakyan sa mismong harap ng bahay ni Dayeth, kasama niya ito ngayon. Kailangan muna nilang kunin ang mga kagamitang kakailanganin nila sa pagharap sa mga masasamang werecats.

Tinanggal niya na agad ang kanyang seatbelt pagkahatak niya sa handbrake. Hindi na sila nagsayang pa ng oras at lumabas na sa sasakyan. Madilim pa ang paligid dahil hindi pa nabubuksan ang ilaw sa labas, ngayon pa lang rin naman nakauwi si Dayeth.

Dinukot na ni Dayeth ang susi ng kanyang bahay sa bag na nakasukbit sa kanyang balikat.

"Bakit kasi hindi na lang baril ang gamitin natin, mas madali 'yon. Masisiguro rin nating walang matitira sa kanila." malakas ang loob na sinabi iyon ni Duane nang marating nila ang harap ng pintuan.

Humarap si Dayeth sa kanya at binigyan siya ng isang matalim na tingin na ikinakunot ng noo niya. "Hindi ka marunong bumaril, Sir," madiin ang pagkakasalita nito, na para bang pinapamukha talaga sa kanya ang bagay na iyon.

Natulala si Duane nang maalala ang bagay na iyon. "Oo nga pala."

Napailing na lang si Dayeth sa boss niya at pinagpatuloy ang pagbubukas sa pinto. Hinanda niya na agad ang flashlight sa cellphone niya pagkatulak niya sa pinto. Sobrang dilim. Hinanap niya na ang switch ng ilaw at nang mahagilap niya iyon ay agad niyang pinindot. Ilang segundo lamang ay nagliwanag na ang paligid.

"Sumunod po kayo sa 'kin, nasa kwarto ko ang mga kagamitan." anito kay Duane na tumango lang bilang sagot.

Tinungo nila ang isang silid na karugtong isa pang kwarto na may itim na pinto. Bumukas ang pinto at tumambad ang napakalinis na bedroom. Black and white ang theme no'n. Inilipag ni Dayeth ang kanyang maleta sa tapat ng kanyang closet habang abala si Duane sa pagmasid sa paligid.

Lumapit si Dayeth sa kanyang coat rack at may kinulikot ito doon. Maya-maya ay biglang bumukas ang pader na nasa mismong likuran lang rin ni Duane, nagitla pa ito nang makarinig ng kalabog.

Napaharap siya sa kung saan niya narinig ang ingay at nanlaki ang mga mata nang makita ang pader na nahati sa gitna. Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. Naunang maglakad si Dayeth papasok sa lugar na iyon. Kahit pa nagdadalawang-isip si Duane ay wala pa rin siyang nagawa kung hindi ang sumunod sa kasama.

Sa kanyang pagpasok sa loob ay bumungad ang napakaraming kakaibang bagay na noon niya lang nakita, hindi pangkaraniwan. Wala siyang ideya sa kung ano ang mga iyon at para saan iyon gagamitin. May mga sandata na sa unang tingin pa lang ay lubhang delikado kapag hindi ka maingat sa paghawak, mayroon ring mga potions, at marami pang iba.

"Alipin ka lang ba talaga o isa sa mga werecat hunters?" curious na tanong ni Duane habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa isang napakaastig na espada.

Naglapag si Dayeth ng isang mapa sa mesang nasa gitna, "Dating kanang kamay ng hari ang ama ko pero noong tumiwalag si ama sa kanyang responsibilidad at tumangging sundin ang ipinag-uutos ng hari kasi nga hindi niya na masikmura ang mga ginagawa nito, they killed him. Not just him, but my whole family. Ako lang nakaligtas. At ang mga kagamitang ito ang ipinamana niya sa akin bago pa man siya mapaslang." sabi ni Dayeth habang nakatingin sa mga sandata.

Lumapit si Duane sa kanyang sekretary at tinapik ito sa balikat bago siya bumuga ng hangin. "Sorry kung natanong ko pa." paumanhin niya.

"It's okay, Sir Duane. Oo nga pala, ito ang mapa ng Zakisea.“ Binuklat niya ito sa harap nila. Itinuro niya ang isang lugar. “Ito ang kaharian, dito sa bandang ito ang maaaring pinagtaguan kay Mikeyzhia. Ang sabi ni Umbra Tio, ang parteng ito ng kaharian ipinagbabawal na pasukin na walang pahintulot. Ayon kay ama, may itinatago ang kamahalan roon, at malamang iyon si Mikeyzhia."

Keeping The Werecat (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon