“HEY!” bati ni Flyxion sa mga nakababatang pinsan nang marating nila ang madalas nilang tambayan.
Katatapos lang ng klase nila. Nanggaling na rin sila sa elementary building para sana ay sunduin ang mga pinsan pero wala na daw ang mga iyon doon kaya dumeritso na sila dito. Ito lang din kasi ang lugar na nagsilbing takbuhan nilang siyam.
Usually, kapag wala silang mga klase ay dito sila madalas magtigil. Bukod sa tahimik sa lugar na ito ay nakakapag-usap rin sila ng mga pribadong bagay na tungkol sa pagkatao nila.
Werecat thingy.
Agad namang sinalubong ni Alkae ng fist bump sina Flyxion at Ukiel. Nakasunod naman ang tatlong babae sa kanila na halatang naiinitan sa suot na coat.
“Anong problema natin?” bungad na tanong ni Jiera kay Todd pagkalapit sa kanila saka umupo sa mesa. “What's the fuss about? Badtrip?”
Umiling ito. Nagsiupuan na rin ang iba sa bakanteng upuan. Maging sila Pledis ay napansin ang hindi maipintang mukha ni Todd. Sinenyasan nila sina Ryker na abala sa pagnguya sa kinakain niyang mansanas.
It's almost lunch na din at hinihintay lang nilang dumating sila Jiera para sabay na silang lahat.
“He was given a sudden warning by our teacher.” kibit-balikat na sagot ni Samwell habang inaayos ang kanyang mga gamit.
Mas lalong kumulubot ang noo ni Todd bago dinapuan ng matalim na tingin ang kapatid. Kapagkuwan ay hinagis nito ang isang libro patungo sa direksyon nito.
But expectedly, nasalo iyon ni Samwell. Reflexes nga naman.
Natawa na lang ang mga nakatatanda sa naging sumbong ni Samwell. So, 'yon lang pala ang dahilan. May pagkakataon talaga na napakadaling mairita ni Todd, isa na iyon sa ugali niya na nakasanayan na nilang lahat. Pero kabila no'n ay makulit ito at napakaclingy din.
At palaging dahilan ng init ng ulo nito ay ang guro nilang si Aklas.
“I really hate that guy.” nanggagalaiting anito habang nakatingin sa kawalan.
Hindi talaga naging maganda ang relasyon nilang magkakapatid sa kanilang guro at kailanman ay hindi magiging magaan ang kalooban nila roon. Pero si Todd ang palaging pinag-iinitan nito bukod sa kanila.
Isa-isa na nilang kinuha ang kanilang mga baon at nagsimula nang magsikainan nang biglang nakarinig sila ng matinis na tili mula sa kalayuan, sabay silang napalingon sa direksyon ng pinanggalingan ng boses, si Zeina lang pala.
Hinihingal pa ito nang marating ang kinaroroonan nila. Agad naman siyang inabutan ni Ryker ng tubig para pakalmahin siya.
“W-wait lang, h-hinga muna a-ako...” saka ito uminom ulit, nilagok niya na. Ganon na lamang ang pagngiwi ni Ryker nang makitang wala ng laman ang tumbler niya.
Nakatutok lang ang atensyon ng lahat sa kanya, inaabangan kung ano na namang chismis ang ihahatid niya.
“Anyare sa 'yo, Zei?” tanong ni Hartey.
“So, 'yon nga po...” Huminga siya ng malalim bago muling nagsalita. “Pakain po ako, naiwan ko baon ko, e.”
At isa-isa siyang sinapok ng mga kababaihan, maging si Samwell. Pinakaba ba naman sila, akala nila napakaimportante ng sasabihin nito.
“You should've said it earlier, edi sana natirhan kita. Tagal mo magsalita, mambuburaot ka lang pala.” irap ni Pledis.
Natawa ng mahina si Zeina habang hawak-hawak pa rin ang ulo niya, naupo na siya sa tabi ni Ryker.
BINABASA MO ANG
Keeping The Werecat (COMPLETED)
FantasyIn search of an escape from her family's cruelty, Mikeyzhia, a werecat, seized the opportunity to leave the place she'd once called home. Eager to find a place to hide, she stumbled upon an open portal that could carry her to the human world. Until...