NAKAPOKUS ang atensyon ni Mikeyzhia sa kdrama na pinapanood niya, katabi niya naman si Hedi na ngumunguya ng popcorn. Ang mga mas nakakatanda ay may pinagkakaabalahan sa taas at hindi nila alam kung ano ang mga 'yon.
Napatuwid siya sa pagkakaupo nang nasa scene na sila na binibigyan ng male lead ng bulaklak at teddy bear ang female lead bilang tanda na nililigawan na siya nito. Kumunot ang noo niya.
Nilingon niya si Hedi, “Ano ang ibig sabihin ng pagbibigay ng bulaklak sa isang babae?” curious niyang tanong.
“Kapag binigyan ka ng lalaki ng ganyan, ibig sabihin mahal na mahal ka niya at gusto niyang iparamdam na mahalaga ka sa kanya.”
Napaisip siya, hindi pa siya binibigyan ni Duane ng bulaklak. Hindi kaya, hindi siya nito mahal? Gusto niyang maiyak.
“Valentine's Day na nga pala bukas, hindi pa ba kayo nagkakaroon ng opisyal na date ni Sir Duane?”
“V-Valentines—ano 'yon?”
“Ha? Hindi mo alam 'yon? Valentines, 'yon ang araw ng mga puso. Pinagdiriwang 'yon ng mga magkasintahan. Katulad niyo ni Sir Duane.” eksplenasyon nito.
Tanging tango lang ang naging sagot niya. So, Valentines. Isang espesyal na araw para sa mga taong nagmamahal. Isa sa mga ginagawa nila ay magbigay ng bulaklak at ibang bagay. Bukod doon, ano pa? At ano 'yong binanggit nito? Date? Ano nga ba ang ginagawa sa date?
Muli niyang nilinga si Hedi na kasalukuyang umiinom ng tubig. “Ano yong date?”
Sumenyas ito na nagpapahiwatig na maghintay siya dahil uubusin niya muna ang isang baso ng tubig. Ilang sandali ay inilapag na nito ang baso at hinarap siya.
“Date. Ano—ahm, teka, paano ko ba ipapaliwanag sa'yo.” Nag-isip muna ito ng sasabihin. “Ito yong oras na wala kayong iniisip na problema, basta magkasama lang kayo. Manuod ng sine, maglalakad-lakad kayo sa park, kumain sa labas o magshopping. 'Yon 'yong madalas na ginagawa ng magboyfriend-girlfriend.”
Hindi na nagsalita si Mikeyzhia at binaling na lang ang atensyon sa pinapanood nila. Pinagmasdan niya kung paano pagkawingin ng magkasintahan ang kanilang daliri habang nilaklakbay ang mahabang daan.
She let out a deep breath. Kelan kaya manggayari ang ganyan sa kanya. Gusto niyang maranasan kung paano maramdaman ang pagiging tao sa mundong 'to.
“MA, ANONG ginawa niyo?” gulat na tanong ni Duane nang madatnan niya ang mga gamit ni Mikeyzhia na nakaayos sa closet niya. "Anong ibig sabihin nito?"
Umirap ang ginang sa kanya at tila walang narinig mula sa kanya. Lumapit ito kay Mikeyzhia na nakayuko lang sa gilid, walang magawa.
“Iha, dito ka na matutulog, ha?” malambing na wika nito sa kanya.
Tatango pa sana si Mikeyzhia nang marinig niyang magsalita si Duane. “No. Manang Lusing, pakibalik ang mga gamit ni Mikeyzhia sa kwarto niya.” balewalang sabi nito at pumasok na sa banyo matapos ilapag ang suitcase sa ibabaw ng kama.
Sumilip pa ito sa pintuan bago tuluyang pumasok sa loob, “I said no, Ma!”
Tila naglupaypay ang mga balikat ni Mikeyzhia. Ayaw ba ni Duane sa kanya? Minsan na rin naman silang nagkasama sa iisang kwarto. So, is it a big deal? Masikip ba? Pero sobrang luwag ng kwarto.
Bakit, Duane?
Hinawakan ni Mrs. Segunla ang kanyang kamay at nginitian siya. Hayaan mo siya, iha. “Dito ka lang. Doon lang kami sa baba.” Inaya na ng ginang sina Manang Lusing at Martha.
BINABASA MO ANG
Keeping The Werecat (COMPLETED)
FantasiIn search of an escape from her family's cruelty, Mikeyzhia, a werecat, seized the opportunity to leave the place she'd once called home. Eager to find a place to hide, she stumbled upon an open portal that could carry her to the human world. Until...