Chapter 20

864 20 3
                                    

TILA walang buhay na nagpatianod si Duane sa kapatid, wala na namang magawa nang magrequest si Mikeyzhia na puntahan si Dayeth sa pamamahay nito. Day-off rin kasi nito ngayon at free lang din silang lahat. Matagal na din kasing hindi niya nakikita si Dayeth at simula no'ng malaman niyang kauri niya ito ay hindi pa sila nagkakapalagayan ng loob.

"Ako na magdadrive, umupo na kayo sa likod." presinta ni Mynchie bago dumeritso na sa driver's seat. "Kuya, ano ba!" sigaw niya kay Duane nang pumasok ito sa shotgun seat.

"Ano na naman?" iritableng tanong ni Duane.

Walang pakialam si Mikeyzhia sa pagtatalo ng magkapatid at parang hangin na pumasok sa loob ng kotse.

"Sabi ko sa likod ka, samahan mo si Mikeyzhia," pag-uulit ng dalaga.

Tinaasan lang siya nito ng kilay. "Ayoko. Kotse ko 'to, bakit ako ang inuutusan mo? Ikaw sa likod, ako magda-drive."

"No. Sa likod ka na, ayaw kitang katabi!" pagmamaktol ng nakababatang kapatid.

Tinaasan siya ng kilay ni Duane. "Kaya nga, umalis ka dyan, ako na magdadrive. Hindi mo 'ko makakatabi do'n. Huwag mong sabihing ayaw mo na ring katabi si Mikeyzhia kaya ayaw mo?"

"Hindi ah!"

"Eh, bakit ayaw mo?"

Napabuntung-hininga na lamang si Mikeyzhia nang magsimula na namang mag-away ang magkapatid. Palagi na lang 'tong ganito. Kahit siya, naririndi na rin. Walang bagay na hindi muna nila pinagtatalunan bago sila magkasundo. Napasandal sa bintana si Mikeyzhia, pinadaan na lang sa kabilang tenga ang ingay ng dalawa.

Nagugutom na siya, ayaw naman kasi ng dalawa na kumain sa bahay kasi doon na raw sa bahay ni Dayeth. Wala na rin naman siyang magagawa kahit pa gustong-gusto na niyang tikman ang niluto ni Mrs. Segunla na sinigang. Paborito niya pa naman 'yon tapos hindi pa siya napagbigyan.

"Mik, oh!/ Mikeyzhia!" sabay na sigaw ng dalawa dahilan para mapaayos siya ng upo.

Gulat na gulat ang mukhang napatingin siya sa harap, pareho nang nakatingin sa kanya ang dalawa. "B-bakit? Gusto niyo ako na magdrive?" clueless na tanong niya.

"Ha?" Nagtatakang tanong ni Duane. "Pinagsasabi mo dyan?" dugtong niya pa.

Mynchie sighed frustratedly. "Sa likod ka na kasi kung ayaw mong si Mommy na ang magdedecide," pananakot ni Mynchie.

Napairap si Duane, alam naman niyang siya na naman ang talo kapag na-involve ang Mommy niya kaya wala siyang nagawa kundi ang lumipat ng pwesto sa likod. Ang kaninang tulala at nakabusangot na mukha ni Mikeyzhia ay biglang nagliwanag nang makatabi si Duane na ganon na lang din ang pagkairita, humalukipkip ito.

Napansin ni Mynchie mula sa rear mirror ang reaksyon ni Mikeyzhia kaya napangiti siya.

"Okay ba, Mik?" pilyong nakangiti si Mynchie.

Agad namang namula ang pisngi ni Mikeyzhia, ewan niya ba kung bakit. Basta pakiramdam niya na lang na uminit ang buong mukha niya. Ayon kay Mynchie ay simtomas daw iyon ng pagiging inlove. Inaaral niya pa ang mga nararamdaman niya at hindi pa niya makumpirma sa sarili kung iyon nga ang nararamdaman niya sa binata.

Ganon din daw kasi ang nararamdaman ni Mynchie kay Dayeth pero hindi naman iyon binibigyan ng pansin ng binatang werecat, napairap si Mynchie bago binuhay ang makina.

NAGDOOR-BELL sila sa harap ng gate ni Dayeth. Simple lamang ang bahay niya. Hindi gaano kalakihan at hindi din naman ganoon kaliit. Sakto lang. Nakatatlong pindot si Mynchie bago magbukas ang pinto, lumabas doon si Dayeth ba nakasuot lang ng simpleng kasuotan; Black Oxford button-down shirt na pinaresan ng khaki cargo shorts.

Keeping The Werecat (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon