Chapter 28

644 22 4
                                    

NANG makilala siya ni Frina ay mabilis nitong dinampot ang nahulog niya at nilagay ito sa cart. Akmang itutulak na niya paalis ang cart niya nang mapigilan siya ni Mikeyzhia. Dumapo ang paningin ni Mikeyzhia sa maumbok nitong tiyan.

Napalunok siya sa sobrang lakas nang naaamoy niya, hindi niya alam kung pagkakataon lang ba o—agad niyang iwinaksi ang nasa isip niya.

“Hindi mo b—” Umangat ang palad niya para hawakan ang tiyan ni Frina.

“What are the heck are you doing?” Tinampal nito ang kamay niya. “Kung naghahanap kayo ng gulo, ako hindi. I quit, hindi niyo pa ba nakikita? Lumayo na ako sa inyo!”

Hindi maipaliwanag ni Mikeyzhia ang nararamdaman niya, she feels like kailangan niyang protektahan si Frina, pero hindi niya alam kung saan o kay kanino niya ito ipagtatanggol. Ilang buwan na rin noong huli niya itong makita at during that time ay hindi pa ganito ka-haggard ang itsura nito.

Mapapansin ang pamamayat ng dalaga, wala itong make-up pero matingkad pa rin ang kanyang kagandahan.

Halata ang mugto pa nitong mga mata. Dumapo ang mga mata niya sa makinis nitong leeg na bahagyang natatakpan ng kanyang maikling buhok. Akmang ichecheck niya ito nang umatras na si Frina.

“Ano bang problema mo?” mahinang asik niya, sumandal siya sa kanyang cart.

“Gusto ko lang makita ang—”

“Hindi mo ba ako naiintindihan? I said leave me alone. Pare-pareho kayo, approaching me na para may concern kayo pero iisa lang kayo ng intensyon!”

Kumunot ang noo ni Mikeyzhia. “Frina, kumalma ka. Wala akong ibang balak. May nais lang akong makita.”

“Aalis na ako...” Dahan-dahan niyang itinulak ang cart niya at maya-maya ay napatigil.

Pinagmamasdan lang siya ni Mikeyzhia. Kinuyom ni Mikeyzhia ang kanyang kamao, pakiramdam niya ay ilang sandali na lang ay lalabas na naman ang kanyang matutulis na kuko. Kung tama nga ang hinala niya ay hindi niya mapapatawad ang nilalang na 'yon.

Pero imposible kasi. Walang ibang nakakaalam sa pinagbabawal na lagusan maliban sa kanilang tatlo.

“Ahh...” Bumaling ang atensyon niya sa narinig niyang boses.

Agad siyang napatakbo sa direksyon nito nang mapansin niya ang umaagos na dugo sa binti ng dalaga. Nagsimula na rin itong magpanic at umiyak sa nakikita, pinipilit na pakalmahin ito ni Mikeyzhia pero huli na dahil nawalan na ito ng malay.

Sumigaw si Mikeyzhia upang makahingi ng tulong, mabuti na lamang ay may dumating agad na salesman at kinarga si Frina. Nagmamadaling inutusan nito ang mga kasamahan na tumawag ng ambulansya.

Halos magkagulo sa supermarket na iyon at hindi na mapakali si Mikeyzhia. Nagulat siya nang may humawak sa kanyang braso, pagkalingon niya ay si Duane.

“Mikeyzhia, anong nangyayari?” bungad nitong tanong nang makita ang kaguluhan ng paligid.

Agad na ipinaliwanag ni Mikeyzhia ang nangyari at nagulantang si Duane nang makita nga si Frina na nasa stretcher na. Pagkabanggit na pagkabanggit ni Mikeyzhia sa pangalan ni Frina ay tumakbo na si Duane papunta sa kararating lamang na ambulansya. Nakasunod lang si Mikeyzhia sa kanya.

Pinigilan siya ng mga paramedics na umakyat sa ambulance. “Kaibigan niya ako!”

Pinaakyat siya ng mga ito at nang sumunod si Mikeyzhia ay hindi na siya hinayaan. Natigilan si Duane. “Girlfriend ko siya, at kaibigan niya rin ang pasyente.” wika ni Duane.

Keeping The Werecat (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon