Chapter 46

101 2 0
                                    

Agad na kinarga ni Duane ang asawa dahil nahihirapan na itong maglakad.

Kumapit ng mahigpit si Mikeyzhia sa balikat ni Duane habang patuloy pa rin sa pagpatak ang kanyang luha dahil sa sakit na nararamdaman. Hindi naman napigilan ni Duane na maiyak habang naririnig ang mahihinang daing ng asawa pero hindi niya pinakitang mahina siya.

“Magiging ligtas kayo, pangako.”

Sinalubong naman sila ni Mrs. Segunla, bakas pa sa mukha nito na bagong gising pa ito. “Anong nangyayari?” takang tanong nito.
“Manganganak na si Mikeyzhia, Ma!”

“Ano? Nasaan si Dayeth?”

“Susunod na po siya, Tita.” sagot ni Frina na nakasunod lang sa kanila.

Agad na binuksan nila ang pinto ng bakanteng kwarto, bumungad naman sila Manang Lusing na inaayos ang mga gamit sa panganganak, nakahanda na talaga ang mga ito noon pa. In case of emergency.

Nakarinig sila ng kotseng kakarating lamang, paniguradong sina Dayeth na ito.

Panay ang paghaplos ni Duane sa ulo at tiyan ni Mikeyzhia na umiiyak pa rin. Ilang sandali pa ay pumasok na si Dayeth na suot pa ang kanyang uniform. Ibinaba nito ang kanyang bag sa sofa at tinungo ang kama kung nasaan si Mikeyzhia.

Isinara naman na agad ni Mynchie ang pinto, naiwan silang tatlo sa loob ng kwarto.

“Ahh!” sigaw ni Mikeyzhia at nagsimulang mag-iba ang kulay ng kanyang mga mata. Mula sa matingkad na hazel brown eyes ay naging pula na ito.

Nagkatinginan sila Duane at Dayeth. “Hawakan niyo ang kamay niya, baka matusta tayo dito.”

Ginawa naman agad iyon ni Duane. Samantalang si Dayeth ay sinimulan na ang kanyang gagawin.

On the other side, hindi mapakali sina Mrs. Segunla. Ilang beses pa itong nagpapalakad-lakad sa harap nila Mynchie.

“Ma, maupo ka nga muna, ako nahihilo sa inyo, e.” Inalalayan nito ang ina sa pag-upo sa couch.

“Hindi kaya...” Hindi natapos ang sasabihin ng ginang.

“Ma, huwag ka masyadong mag-overthink. Walang mangyayari sa mga pamangkin ko at lalo na kay Mikeyzhia. Malalakas sila, hindi mangyayari 'yon. Dapat maging masaya tayo.” ani Mynchie.

“Tama, Tita. Let's pray for that.”

Marahang tumango ang ginang at kiming napangiti habang tinatapik ang kamay ng anak na nakapatong sa kanyang balikat.

Lumapit si Jiera kay Frina. “Mommy, I'm sorry... I didn't mean to hurt Tita Mikeyzhia...” nakangusong paghingi nito ng tawad.

Napangiti naman si Frina at sumenyas sa anak na lumapit siya, sinalubong naman niya agad ito ng yakap. “I'm sorry din, anak. Wala kang kasalanan, hindi dapat kita pinalo. Will you forgive me ba?”

“Yes po!” Bumalik na ang sigla sa mukha nito. “Is Tita Mikeyzhia gonna be okay, Mommy?”

“She has to be okay, so little Jiera won't be worrying for her cousins.” She then poked her nose that made her giggle. “They're gonna be fine, anak. Trust me.”

Gabi na noong matapos ang pag-labor ni Mikeyzhia, nakatulog na ang mga bata sa kwarto ni Mynchie sa sobrang tagal ng paghihintay, kasama rin ng mga ito ang tatlong kasambahay. Kahit sina Mrs. Segunla ay nakaidlip na sa sala. Tanging sina Mynchie at Frina na lang ang gising.

Bumukas ang pinto ng kwarto dahilan para mapatinding sa kanilang mga inuupuan. Lumabas roon si Dayeth na nababalot ng pawis.

Tinapik ni Mynchie ang ina sa kanyang pisngi para gisingin ito, “Ma, tapos na.”

Keeping The Werecat (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon