CHAPTER 1

53 5 0
                                    

Lyra's POV

"LYRA!!! GISING NA!!! PAPASOK KAPA!!!" Sigaw ni yaya sa labas ng kwarto ko.

Napabalikwas ako sa sigaw ni yaya HAYSS kahit kailan talaga masyadong bantay si yaya sa oras!

"Inaantok pa ako yaya" Inaantok at nakapikit kong saad. Sige na yaya huhu inaantok pa talaga ako!

"HINDI PWEDE!!! KAKA-TRANSFER MO PALANG SA SCHOOL AT HIGIT SA LAHAT FIRST DAY MO NGAYON!!! HINDI KA PWEDENG MA LATE!!!" Sigaw nanaman niya mula sa labas ng kwarto ko...

KNOCK!!!!!
KNOCK!!!!!
KNOCK!!!!!

Naku naman si yaya talaga!! Huhu

"Yaya yung pinto baka masira niyo!!" Sigaw ko kay yaya....

"Masisira ko talaga ito kapag di ka pa nag asikaso sa sarili mo!!!" Sigaw niya pabalik..Oo na oo na ito na mag aayos na...

Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko ng nakapikit pa. Kumuha ako ng uniform ko sa closet ko at pumasok na sa cr at naligo na....

"ANLAMEGGGG!!!!!" Sigaw ko ng mabuksan ko ung shower..nakakainis lang kasi tinatamad talaga ako tuwing umaga...

Nang matapos na akong maligo ay agad na akong nagsuot ng uniform, malaki at makapal kong eye glass na bilog. Hindi na ako nakapag suklay dahil sa pagmamadali.

Tumingin ako sa malaking salamin at sinuri ang suot ko. Ang iksi naman ng palda hindi ako sanay! Ung uniform naman nila long sleeve na kulay maroon. Walang pagbabago sa itsura ko WAAAHHHHH mukha pa rin akong zombie.

Bumaba na ako at nadatnan ko si yaya na nagluluto ng breakfast...Anong niluluto niya? Bakit ganyan ung breakfast ko gulay!! Ayoko niyan!!

"Wag kang maarte iha...Mag diet ka wag puro bacon at hotdogs lang ang binebreakfast mo! Tignan mo nga yang sarili mo para kang bola dyan" Saad ni yaya ng mapansin niyang nakakunot ung noo ko.

Teka! Nababasa ba ni yaya yung iniiisip ko? Siguro manghuhula si yaya eh!

Kahit ayaw ko tiniis ko ung gulay na inihain ni yaya sa harap ko. Okay naman yung lasa ng Pakbet. Konti lang ung kinain ko at agad na nag paalam kay yaya baka malate pa ako.

Pagkalabas ko sa malaking pinto namin agad kong nakita ung driver namin. Jusko ayoko sumakay sa kotse mas pipiliin ko pang mag bike kaysa sumakay dyan..Hindi ako sanay sa kotse.

"Good morning Maam Lyra" bati sa akin ng aming driver.

"Good morning po, ayokong sumakay sa kotse eh hehe..mag babike nalang po ako" Pilit na ngiti ko.

"Pero ang bilin ng dad mo ay ihahatid kita sa school mo para masiguro na ligtas ka" Saad niya ng nakangiti. Okay? May concern pa pala sila mom and dad sakin. Kala ko wala na eh HAHA.

Sinunod ko nalang ang gusto ni dad. Kahit ayaw ko titiisin ko for the second time. Ayaw ko naman na mag alala pa sakin sila mom and dad.

"Andito na tayo maam" saad niya. WOW! ang laki ng school jusko parang nakikita ko lang toh sa tv ah! Nasanay kasi ako sa mga public schools dahil ayokong makilala ako ng mga sikat na estudyante.

Agad na akong bumaba ng makita ko ang orasan ko huhu late na nga ako!!! Tumakbo ako papasok ng school at hindi ko na pinasalamatan yung driver huhu baka isipin niya na walang galang akong anak....

Hinanap ko ung room number ko at nang mahanap ko na ay agad akong pumunta at ayun naabutan kong nag didiscuss na ang prof namin. Lahat sila napatingin sakin. Uh oh.

"Uhmm. Sorry I'm late" nakayuko kong saad. Nakakahiya as in. Yung unang pasok mo palang late kana.

"Ur miss?" Tanong sakin ng prof kung anong pangalan ko.

"Lyra Miller po" saad ko..this time hindi na ako nakayuko dahil syempre may galang ako tumingin ako sa kanya.

"Warning miss lyra. Don't come in my class when your late." Matalas na tingin na saad niya saakin. Unang pasok warning agad huhu malas ko talaga.

"Come in and introduce your self" saad ni prof. Agad naman akong pumasok kasi baka pagtabuyan na talaga ako ng prof namin huhu.

"Good morning classmates. I'm Lyra Miller" Pagpapakilala ko ng nakangiti..hindi ko na papahabain dahil baka mabagot silang lahat.

Umupo na ako sa natitirang upuan sa likuran. Nagdiscuss naman yung prof namin..hindi ko alam yung pangalan niya huhu siguro nagpakilala na siya.

Nang matapos na ang klase ng prof namin agad silang napatingin sakin uh oh may nagawa ba akong mali?

"Transferri ka ba dito?" Masungit na saad ng babaeng grabe yung kalorete sa mukha..ses bagay na siya maging clown joke. Anlaki din ng hinaharap niya nainggit tuloy ako. Para siyang queen bee dito kung umasta.

"Uhmmm oo hehe" Nahihiya kong saad. Natawa silang lahat sa naging sagot ko like wtf walang nakakatawa.

"Nagkamali ka ata ng napasukan...akala ko kasi janitress ka dito para mag linis WAHAHAHAHHA" saad ng babaeng katabi ng parang queen bee. Naiinis na ako huh pinipigilan ko lang talaga ung kaloob-looban ko!

Natigilan sila ng may pumasok na susunod naming prof...hays buti naman nag si upo na sila. As usual nag discuss lang naman ung prof.

Ting!!!
Ting!!!
Ting!!!

Nagugutom na ako huhu buti nalang nag bell na. Pero hindi ko alam kung saan yung canteen nila sa malaking paaralan na ito. Kailangan ko na ba ng mapa?

Nagtanong nalang ako sa mga nakakasalubong ko. At nang malaman ko na, agad akong pumunta kasi sobrang nagugutom na ako.

Nang makapunta sa CAFETERIA pala nila. Nagulat ako sa pila huhu pano ba toh? Ang haba! Meron pang nakikipagsiksikan GRRRRR!! Pumila nalang ako ng nakabusangot.

FINALLY!! ako na ung nasa unahan ng pila yes!! Makakaorder na rin ako....

"Isang burg---" naputol ung sinasabi ko ng may sumingit na lalaki sa harapan ko. Please lord pahabain mo pa pasensya ko.

"Isang coke at isang box ng pizza" saad ng lalaki sa babaeng nasa counter. Kainis si ate mukhang kinikilig pa!

Walang modo yung lalaking toh!

"HOY!! AKO NA DAPAT YUNG MAGOORDER EH!!! INUNAHAN MO PA AKO!!" Sigaw ko sa kaniya. Parang wala siyang narinig. Kinuha na niya yung order niya atsaka umalis.

Nang makapag order na ay agad akong humanap ng upuan kung mamalasin nga naman doon pa sa bakanteng upuan katabi ng lalaking walang modo. Wala na akong choice agad na akong umupo doon at baka maubusan na ng mauupuan.

Agad kong nilantakan yung burger nang makaupo na ako at napatingin pa sa akin yung lalaki.

"Patay gutom" bulong ng lalaki sa hangin.

"Ano?" Tanong ko kasi hindi ko narinig yung sinabi niya. Agad siyang napailing. Kainis toh! Eh sa gutom ako eh wala kang magagawa!

Napaubo ako ng mabulunan. Iniabot sa akin ng lalaki yung coke niya. Agad kong kinuha yun dahil nga nabubulunan ako.

"Salamat" ginhawang pasasalamat ko sa kanya.

"Sa susunod wag lumamon ha?" Sarkastikong saad niya. Okay naman yung ugali niya half demon half angel. Umalis na siya at nag suot ng headphones...

Sino kaya siya? Napatanong tuloy ako sa isipan ko.....

Loving Him SilentlyWhere stories live. Discover now