Lyra's POV
Nagising ako dahil sa tumama sa mukha ko ang sinag ng araw. Napatingin ako sa mini clock ko na nakapatong sa lamesa katabi ng kama ko it's 9:00 am.
Bakit hindi ako ginising ni yaya fleur? May pasok ngayon ah? Agad akong bumaba kahit wala pa akong hilamos at pag aayos sa sarili ko.
Nadatnan ko si yaya na nagpeprepare ng breakfast. Hindi niya ako napansin. Lumapit ako sa kanya ng hindi pa rin ako napapansin. Teka? Hindi ba niya nararamdaman na nandito na ako? Multo na ba ako?
"Yaya?" Pagpapapansin ko sa kanya.
"Oh andyan kana pala iha" saad niya habang nag lalagay ng pagkain sa pinggan ko.
"Bakit po hindi niyo ako ginising? May pasok po ako ngayon." Malungkot kong saad. Napatingin naman siya sakin.
"Binilin ka sakin na huwag muna kitang papapasukin. Diba nga na bully ka?" Nagflashback sakin yung mga nangyari.
"Ahh. Pero po sino yung nagbilin?" Pagtataka ko.
"Ayy basta iha" saad niya habang hinihila yung upuan.
Umaandar nanaman pagka overthink ko.
"Maupo kana at kumain, magdidilig lang ako sa hardin" saad niya at umalis na.
Bakit ganun si yaya? Dati kapag bumababa ako napapansin niya ako agad at bumabati sa akin.
Nakalimutan niya rin yung gatas ko. Hayss. Pumunta akong kusina at kumuha ng gatas sa ref.
Pumunta na akong dining table at umupo at kinain na yung hinanda ni yaya sa akin. Vegies nanaman.
Habang kumakain ako naiisip ko yung nangyari kanina. Bakit ang tamlay ni yaya? May nangyari ba? Itatanong ko nalang kay yaya mamaya.
Nang matapos na akong kumain ay ako na yung nagligpit ng pinagkainan ko at hinugasan ko na rin para hindi na dumagdag pa sa gawain ni yaya.
Araw araw na siyang kumikilos para sa akin. Nagsilbi si yaya samin for more than a years. Kaya parang nanay ko na rin siya.
Lumabas ako ng matapos na akong maghugas at nadatnan ko si yaya na nakatulala habang hawak yung hose.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko siya sa braso.
"Yaya? Okay kalang po ba?" Pagkuha ko sa kanya ng atensyon.
Hindi niya ata ako narinig dahil hindi man lang siya tumingin at nag response sakin.
"Yaya?" Hinarap ko siya sa akin. Agad siyang nabalik sa realidad ng makita niya ako.
"A-ahh iha? Bakit naparito ka? Tapos kana bang kumain?" Pagtatanong niya sakin.
"Opo, kakatapos ko lang po kumain. Ah yaya? May problema po ba kayo? Kanina pa po kasi kayo tulala at nawawala sa presensya niyo." Nag aalalang tanong ko. Napaiwas siya ng tingin dahil sa tanong ko.
Napansin kong naluluha siya. Ano bang meron yaya?! Ayokong umiiyak ka!!
Pinunas niya agad yung luha niya gamit yung mga palad niya at humarap ulit sakin.
"Na ospital kasi yung anak ko. *sniff Hindi ko siya mabisita sa ospital dahil iniisip kita, wala kang bantay dito at baka mapagalitan ako ng mommy at daddy mo kapag nalaman nila na iniwan kita" iyak pa rin siya ng iyak.
"Yaya! Kaya ko naman na po yung sarili ko! Bakit mo ako iniisip!? Isipin mo po yung anak mo yaya!" Naguguilty kong saad. Dahil ata sakin kung bakit hindi niya mabisita yung anak niya sa ospital.
Kinuha ko yung hose na kanina pa niya hawak hawak.
"Puntahan mo na po yaya yung anak niyo sa ospital. For sure hinihintay kana niya." Pagkukumbinsi ko sa kanya.Halatang napipilitan lang siya at ayaw niyang umalis.
"Yaya sige na" ngiti ko sa kanya para hindi siya mag alala sakin.
"Mag iingat ka iha. Babalik ako agad kapag okay na siya" mangiyak ngiyak niyang saad. "Opo yaya mag iingat ako."
Pumasok na siya sa loob at tinuloy ko yung pagdidilig.
Hindi naman malalaman nila mom and dad yung pag alis ni yaya since wala naman sila dito at hindi naman sila umuuwi.
Nasanay na rin ako na wala sila.
May naramdaman akong papalapit sakin kaya lumingon ako sa likod ko. Si yaya naka ready na siya.
"Yung mga bilin ko sayo iha. Wag mong kakalimutan na isarado yung pinto at-" hindi ko na siya pinatapos at sinabing "opo yaya alam ko naman po yan lahat hehe" ngiti ko sa kanya.
"Sige alis na ako. Magiingat ka!" Hinug niya ako at hinug ko naman siya pabalik.
Kumalas ako ng pagkakayakap at nagpaalam na sa kanya.
"Magiingat ka rin yaya!!!" Sigaw ko sa kanya ng nasa labas na siya ng gate. Mamimiss kita yaya.
Nang makaalis na siya biglang tumahimik yung buong bahay. Wala na akong kasama. Tanging guard nalang ang nandidito. Nakakaboring.
Pumasok na ako sa loob at nanood nalang ng Netflix sa terrace habang kumakain ng popcorn.
Habang busy sa panonood, nagvibrate yung phone ko.
From: mom
hi sweetie I want to say that your dad and I will go home there. Also tell nanny to prepare foods for us. see you there!Agad ko nalang pinatay yung phone ko at hindi na siya nireplyan. Wala si yaya dito pano yan? Hays bat ngayon pa?!
Nag grab nalang ako ng foods dahil tinatamad akong magluto.
After 5 minutes nandito na yung inorder ko agad naman kinuha ng guard at binayaran ko na rin yung delivery.
Kinuha ko sa guard yung inorder ko at agad na ipinasok sa kusina at prinepare ko na.
Meron ditong fried salmon, beef steak at adobo. Inihain ko na sa dining table para makakain na sila mom and dad pagdating.
May nag beep sa labas ng bahay at for sure sila mom and dad na yun. Sinalubong ko sila sa may pinto. Kahit wala sila sa tabi ko araw araw hindi ko din maipagkakailang namiss ko sila. Kahit puro business nalang sila okay lang dahil para sa akin naman daw yun sabi ni mom.
"Mom!!" Salubong ko kay mom at niyakap siya.
"Dad!!" Kumalas ako ng pagkakayakap kay mom ng makita ko si dad.
Kaagad akong lumapit at binigyan siya ng mahigpit na hug.
Hayss kahit stress na sila sa kompanya, hindi naglalaho ang kagandahan at kagwapuhan ng mom and dad ko. Saan kaya ako nagmana?Ako kasi manang eh....
"Sweetie, why are you wearing that?" Tanong ni mom at umangat ang tingin ni mom sa suot ko.
Nakapang manang kasi akong damit. Ayun lang naman ang favorite ko at mga damit ko na nasa closet. Ayoko naman yung mga pang sosyalang damit at pang sesexy na tipong makikita na yung kaluluwa.
"Okay naman na toh mom eh tsaka ayoko ng bumili ng bagong mga damit" Inis kong saad. Pinapasok ko nalang sila sa bahay at sinabing nakahanda na yung pagkain sa hapag-kainan. Umakyat muna ako sa kwarto ko at pinagmasdan nga yung suot ko.
Manang nga. Nakasuot rin ako ng makapal na glasses at yung mukha ko naman walang pimples. Pero kung paguusapan ang kilay ko isang word lang ang masasabi ko. Makapal. At kung titingnan naman yung buhok ko ang masasabi ko lang ay magulo at buhaghag. Hanggang balikat ko lang yung buhok ko.
Nang matapos kong suriin ang sarili ko ay bumaba na ako.
Nadatnan ko silang nag uusap sa mesa habang kumakain. Napansin kong seryoso silang nag uusap kaya hindi ako lumapit sa kanila. Umupo nalang ako sa sofa at nanood ng TV.
Busy ako sa panonood ng nerdy movies nang makuha nila yung atensyon ko. Isang word ang umagaw ng atensyon ko at gusto kong marinig yung pinaguusapan nila.
"Looks like we need to tell Lyra the truth" saad ni mom habang nakatingin kay dad na seryosong seryoso.
Anong kailangan nilang sabihin? May dapat ba akong malaman? Yan ang mga tanong na gumugulo sa isipan ko.
YOU ARE READING
Loving Him Silently
RomanceThey say when you love someone secretly you won't feel "rejection" And this is what I do. I love him in a way that only I know. And this is me loving him silently.