CHAPTER 18

3 2 0
                                    

Lyra's POV

Nakauwi na ako sa bahay after ng exams. Nakakapagod at nakakastress. Bukas ko i-te-take ang tatlong subjects exams ko. Kaya heto ako ngayon nagrereview kahit hating gabi na.

Una kong nireview ang subject ni Miss Cyn. Alam kong walang pumapasok sa isip ko, pero pilit ko pa rin iniintindi. Tuyong tuyo na yung utak ko. Hindi ako medyo katalinuhan.

Sinunod sunod ko ang tatlong subjects in one night.

Finally, pangatlong subject na ako.

Habang nagbubuklat ng notes ko ay may biglang kumatok dahilan ng pagkagulat ko. Hating gabi ba naman na may biglang kakatok sayo?

"Iha. Kumain kana muna." Sambit ni Yaya sa labas at parang bumubulong.

Tulog na kasi sila mom and dad. Napagod dahil sa business meeting nila kanina. Umuuwi na rin sila sa bahay kapag natatapos ang trabaho nila.

Lumapit ako sa pinto at dahan dahan na binuksan ito. Bumungad sa akin si Yaya na may hawak na tray. Naglalaman ng brownies at isang baso ng gatas. Napangiti ako kay Yaya.

"Salamat Yaya. Pasok po kayo" inilahad ko ang kamay ko na tila pinapapasok ko siya sa kwarto ko.

"Hindi na iha. May aasikasuhin pa ako sa baba" sambit niya at binigay sa akin ang tray. Ngumiti ako.

"Salamat ulit Yaya" lumapit ako sa kanya at binigyan siya ng halik sa cheecks.

Naglakad na siya pababa. Pumasok ako sa kwarto ko at sinipa ng dahan dahan ang pinto para isara ito. Tinungo ko ang mini table at inilapag ang tray.

Kumuha ako ng isang brownies at ninamnam ang sarap nito. Mainit pa, bagong luto. Binake ata ito ni Yaya ngayon? Hating gabi na ah?

Nang maubos ang brownies, agad akong uminom ng gatas dahil sa tamis ng brownies. Isang inuman ko lang ang isang baso ng gatas huhu. Kahit kailan obsessed ako sa gatas.

Ramdam ko na ang antok. Tumingin ako sa wall clock. Its 11:30 na. Ipinagpatuloy ko ang pagbuklat at pagbabasa sa notes ko. Hindi ko hahayaan na bumagsak ako.

Exact 1:00 nang matapos ako. Grabe yung katawan ko sumusuko na. Inilapag ko sa sahig ang mga gamit ko na nakakalat sa kama ko. Bukas ko na yan liligpitin. May pasok pa bukas.

—————

Pinilit kong bumangon kahit na hinihila pa ako ng kama ko para matulog. Puyat na puyat ako ngayong araw. Humikab at kinusot ko ang mga mata ko bago tinitigan ang wall clock.

It's 4:00. Mas maaga pa sa inaasahan ko. Akalain mo? Tatlong oras lang ako natulog? Hindi ko toh kaya. Kinaya ko dahil iniisip ko ang kinabukasan ko hihi.

Pilit kong iminulat ang mata ko dahil nagbabadya itong pumikit. Tinungo ko ang closet. Kinuha ko ang uniform ko at napansin ang uniform na ipinasuot sa akin ni Nathan. Dadalhin ko ito ngayon para mabalik ko na sakanya. Pumasok na ako sa CR para maligo.

Hindi alam ni Yaya na gigising ako ng maaga at hindi alam nila mom and dad na mag tatake ako ng exam ngayon.

Nang matapos sa pagligo. Inayos ko naman ang mga gamit na nakakalat sa sahig ng kwarto ko. Grabe. Hindi ko akalain na ganito ito kakalat.

Bumaba ako ng dahan dahan dahil tulog pa sila.

Binuksan ko ang ref at kinuha ang bacon sa freezer. Nang mapalamig ko ito pinrito ko na. Nagmamadali ako dahil ayokong ma late ngayon.

Kumain ako ng mabilisan at ininom ko ang gatas ko. Matapos ay nagsuklay ako ng buhok.

Nagiwan ako ng note na naka magnet sa pinto ng ref para alam nila na umalis na ako.

Loving Him SilentlyWhere stories live. Discover now