Lyra's POV
Natapos ang breaktime na tulala at iniisip ang tanong sa akin ni Maxine. Nabigla ako dahil hindi ko naman inaasahan na itatanong niya iyon. Hindi ko rin nasagot ang tanong niya dahil nag ring ang bell matapos niya iyon tanungin. Swerte ko at nag ring agad ang bell dahil kukulitin ako ni Maxine.
Nang makapunta kami sa room ay wala pa rin akong nadatnan na lalaking naka headset at natutulog ng tahimik. Nasan na kaya yun? Hindi na siya nakabalik. Hindi ko rin siya nakita sa cafeteria. Anong nangyare don?
Nabalik ako sa realidad nang bumati sa amin ang susunod na prof namin. Si Mr. Obama. "Good morning class!" Masayang bati niya sa amin. "I heard na meron kayong new classmate here. Galing siyang Paris right?" Nagsitanguan naman ang mga classmates ko. "Where is she? Please stand up" Automatic na napatingin ako kay Maxine nang tumayo siya. Pumunta siya sa harapan. Nakita ko ang paglawak ng ngiti ni Mr. Obama. Sumenyas si Mr. Obama na ipakilala ang sarili kahit na nagpakilala na siya sa amin. Gusto niya atang malaman ang pangalan niya.
"I'm Maxine Lee McClain" nakangiting pagpapakilala niya. "For the second time" pahabol niya pabulong sa hangin habang nakatakip ang kamay sa direksyon ni Mr. Obama at para hindi niya makita ito. Umalis si Maxine sa harap at tinungo ang upuan niya este ni Ivan.
"I'm glad to see you" nakakapagtaka. "Kilala ka ba ni Mr. Obama?" Nakakunot noo kong tanong. Kumuha siya ng paper at ballpen at nagsimulang isulat ang nakasalpak sa white board. "I dont know eh, kung nagtataka ka, mas nagtataka ako" saad niya habang abala sa pagkopya.
Kinuha ko ang notebook at ballpen ko mula sa shoulder bag na ibinigay o ipinahiram? ni Nathan. Hehe hindi ko alam. Sinimulan ko ang pag susulat. Lutang ako sa mga nangyari ngayon. Napahinto ako sa pagsusulat nang mag vibrate ang phone ko. Chineck ko ng palihim ang phone ko dahil hindi pwede gumamit nito kapag may pinapagawa or nagdidiscuss ang prof. It's Nathan.
From: Nathan
I'll pick you up later. May pupuntahan lang ako. Wait for me in the waiting shed.Agad ko naman siyang nireplyan
To: Nathan
Okay.Tanging tugon ko sa reply niya.
Saan siya pupunta? Tinago ko agad ang phone ko at nagsimulang magsulat.
"Done!" Taas ballpen na saad ni Maxine. Tapos na siya? Teka. Ang haba niyan ah? Ganon na ba ako katagal na stock dahil sa pag ooverthink? Nabalik ako sa realidad nang magsalita si Maxine. "Hindi ka pa tapos?" Tinanguan ko siya habang nagmamadaling magsulat. Hindi pwedeng hindi ko ito matapos dahil dito manggagaling ang exam namin.
Kailangan kong makapasa sa darating na exam next month. Ang kukunin kong strand ay STEM. Ang sabi nila ay mahirap ito lalo na sa calculus at physics at iba pa na related sa science. Kaya kailangan kong mag sipag at mag aral ng mabuti. Mahina pa naman ako pag dating sa math at pag compute sa science.
"Okay class. Kailangan na naisulat niyo ito ngayong araw. Goodbye" saad ni Mr. Obama. Kasabay nito ang pagkatapos ko sa pagsusulat. Kinuha ni Mr. Obama ang phone niya mula sa teacher's table dahil nag riring ito. Nilagay ni Mr. Obama ang phone sa tenga niya. Hindi ko marinig at syempe pati ng mga classmates ko kung anong pinaguusapan nila. "Excuse me" saad niya sa amin habang kausap ang nasa kabilang linya. Lumabas siya at nagsimulang mag salita.
Nang matapos ang ilang minutong pag uusap nila. Pumasok si Mr. Obama at sumilay ang masayang mukha niya. "I have a good news class. Hindi muna papasok sa inyo si Ms. Diana dahil may meeting sila ngayon sa guidance office. So makakapagpahinga kayo mula sa stress. You can do whatever you want. Bye." Agad na umalis si Mr. Obama dahil ilang minuto na siyang late sa next class niya.
YOU ARE READING
Loving Him Silently
RomanceThey say when you love someone secretly you won't feel "rejection" And this is what I do. I love him in a way that only I know. And this is me loving him silently.