Lyra's POV
Malambot. Makinis. Malamig.
Nagising ako sa malaking kwarto. Nasa king size bed ako nakahiga. Napaupo ako. Napahawak ako sa sintido ko dahil sa biglaan kong pag upo at kasabay nito ang pagsakit ng ulo ko. May malaking pintuan na nasa harapan ko. Inilibot ko yung mga mata ko sa loob ng kwarto.
Ang daming gamit. Para siyang guest room. May malaking chandelier. May maroon na carpet sa ibaba. May malaking vase na naglalaman ng malaking halaman. Sa tabi ko ay may maliit na drawer, nakapatong dito ang lavender na nasa loob ng vase. Inamoy ko ito at ang bango!
Tumayo ako mula sa pagkakaupo. Nasaan ako? Lumapit ako sa malaking salamin. Teka? Nasan yung damit ko? Bakit iba na yung suot ko? Natulog lang naman ako! Saka ko lang napagtanto na nasa bahay pala ako ngayon ni Nathan. Wahhh!
Nakasuot ako ngayon ng Silk pajama. Kulay pink ito. Ang gara ng suot ko! Okay na ako sa mga damit kong pambahay, pwede na yung pantulog ko. Pero teka? Sinong nagbihis sakin? WAAHHH! no no no. Hindi pwede!
Natigilan ako sa pag-eemote ng maramdaman kong bumukas yung pinto. Nakatalikod ako mula sa kung sino man ang pumasok. "are you feeling okay?" Nanlaki yung mata ko nang pamilyar na boses ang bumungad sakin, si Nathan pala yung pumasok. Nakita na niya yung buong katawan ko! Pervert!
Humarap ako sa kanya habang nakahalukipkip. Naka white tshirt siya at naka shorts. Ang gwapo niya kaya lang pervert. May dala siyang tray na naglalaman ng mga pagkain at gamot? Anong gagawin ko diyan?
"Sinong nagbihis sakin? Ikaw ba?!" Deretsahan kong saad. Napa pfft siya sa sinabi ko. Walang nakakatawa! Nagtungo siya sa table na may dalawang upuan lang. Magkabilaan. "what if i am?" Sabay lapag ng tray sa table. Humarap siya sa akin at nakangisi. Annoying! Naginit yung dugo ko sa sinabi niya. Naiyukom ko yung mga palad ko. Bumaba yung tingin niya sa mga kamay ko. Napa pfft siya for the second time.
"Just a joke, nanny dressed you." Automatic na kumalma yung buong katawan ko sa sinabi ni Nathan. Pasalamat ka at kumalma pa ako kung hindi masasapak kita ng de oras.
Napahawak ako sa tiyan ko nang bahagya itong kumalam. "I know you're hungry, sit here. I prepared your lunch for you" pinaghila niya ako ng upuan. Agad naman akong lumapit at umupo. Grabe gutom na gutom ako.
Niluto niya para sakin yung beef steak. Only. "Walang kanin?" Reklamo ko. Pumunta siya sa may parang telepono na nakadikit sa pader. May kung anong pinindot siya dito at nagsalita.
"Sir Nathan. Heto na po" may kung sinong nagsalita mula sa labas ng kwarto. Yun ata yung tinawagan niya. Binuksan naman ito ni Nathan at parang galit pa. "you're too slow. My pig is very hungry" mahinahon na saad niya pero mababakas ang pagkainis niya. Nangiinsulto ba siya? Sarap na netong sapakin! Kaya lang biglang pumasok sa isip ko lahat ng tulong niya sakin eh kaya wag nalang.
Isinara niya agad ang pinto ng hindi man lang pinagsasalita kung sino man yung naghatid ng kanin hehe. Walang hiya talaga. Lumapit siya sakin at inilapag niya yung isang kalderong kanin. Luh? May sinabi ba akong isang kaldero? "Wag mong sabihing ako pa ang magsasandok sayo ng kanin?" Umupo siya sa harapan ko. Napa pout ako. "You're cute" napapitlag ako sa sinabi niya. Agad ko namang inalis yung pag pout ko. Kainis!
Nagsandok na ako ng kanin. Kumain ako ng kumain. Nagsalita ako habang ngumunguya ng mapansin yung gamot sa table. "Para *munch saan *munch yan?" Tanong ko. "don't talk while there is food in your mouth. Nakakadiri" pandidiri niya. Nilunok ko yung nginunguya ko at muling nagsalita. "Para saan yang gamot?" Turo ko sa paracetamol na gamot. "For you" for me? Luh? Nabubuang na ba siya? Wala akong sakit!
Nilagay ko yung palad ko sa noo ko. Agad na napahiwalay ito ng maramdaman ko ang init. "you have a fever" saad niya ng mapansing nasaktan ako sa ginawa ko. "Bilisan mong kumain, iinom ka pa ng gamot" saad niya at tumingin sa wrist watch niya.
Binilisan kong kumain at buti hindi ako nabulunan sa ginawa ko huhu. Ang sama din ng pakiramdam ko. "Take this" hawak hawak niya yung bote ng gamot. Kinuha ko naman yun mula sa kanya. "Just one, baka maoverdose ka diyan" parang ewan. Bata ba ako para pagsabihan? Alam ko naman eh! Grrr.
Nang matapos akong uminom ng gamot ay sinabihan niya akong magpahinga at nagpatawag pa siya ng Yaya para alagaan ako. May pupuntahan kasi siya kaya hindi niya ako mababantayan. Sobra sobra na yung pag tulong niya sakin. "Babawi ako sa kanya" saad ko sa kawalan.
YOU ARE READING
Loving Him Silently
RomanceThey say when you love someone secretly you won't feel "rejection" And this is what I do. I love him in a way that only I know. And this is me loving him silently.