CHAPTER 9

9 2 0
                                    

Lyra's POV

Bahagya kong tinakpan ang mata ko nang tumama ang sikat ng araw mula sa malaking bintana. Its morning. Nang makapag adjust na ang mata ko sa liwanag inilibot ko yung paningin ko. Ang tahimik. Maaliwalas. Mabango dahil sa lavender. Malinis. I wonder kung nandito ba yung parents ni Nathan.

Napansin ko rin na hindi na masakit ang ulo ko. Nilagay ko yung kamay ko sa noo at sinuri kung mainit pa ito. Wala na. It means magaling na ako! Kailangan kong magpasalamat kay Nathan.

Bumukas ang pinto. Isang matandang babae ang iniluwa ng pinto. Naka bun ang buhok niya at nakasuot ng classic maid suit at may puting cap siya sa ibabaw ng ulo. Para siyang mayordoma. Obvious kung ano siya sa bahay este sa mansion na ito.

"Kamusta ang pakiramdam mo iha?" Tanong niya pagkalapit niya sakin. Naalala ko si Yaya Fleur sa kanya. Kamusta kaya si yaya? Magaling na ba yung anak niya? Ilang araw ko nang hindi nakikita si yaya. Namimiss ko na siya.

Umupo ako. Inalalayan niya naman ako. "Okay na po yung pakiramdam ko" magalang na sagot ko sa kaniya. Sa itsura niya at galaw ay makikita mo na matagal na siya rito nagtatrabaho bilang katulong.

Hinawakan niya yung noo ko at ngumiti sakin ng matamis. "Salamat naman at okay kana iha. Oh siya pinapatawag ka ni Sir Nathan sa kwarto niya" saad niya habang nakangiti. Umalis na siya at naiwan ako sa loob ng kwarto.

Tumayo ako at kinuha ang salamin. Bumaba ako ng walang ayos sa sarili. Yung mga yaya ay busy sa paglilinis. "Good morning maam" bati sakin ng dalaga habang nag vavacuum ng sahig. Yung suot niya napaka iksi. Ngumiti na lamang ako sa kanya bilang tugon. "Si Nathan?" Tanong ko sa dalagang maid. "Nasa kwarto niya maam" sagot niya habang abala sa ginagawa.

Hindi ko alam kung nasan yung kwarto niya kaya nagpasama ako sa dalaga. Dinala niya ako sa third floor at tinungo ang pinto sa pinaka dulo. "Ito maam" turo niya sa pinto na nakapangalan pa kay Nathan. Nagpasalamat ako sa dalaga at umalis na siya. Naiwan ako mag isa sa harap ng pinto.

Kakatok na sana ako nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang lalaking naka top less at tuwalya lang ang tumatakip sa pang ibaba niya. Basa ang buhok at gulo gulo ito. Kakatapos lang ata niyang maligo. Pervert! Agad kong tinakpan ang mga mata ko at tumalikod sa kanya.

"Why?" Inosente niyang tanong. Kahit hindi ko siya nakikita alam kong nagpipigil lang siya ng tawa. "Pwede bang magsuot ka muna ng damit?!" Sigaw ko. Nakakainis.

Umalingawngaw ang tawang kanina pa niya pinipigilan. "First of all kwarto ko toh. Pwede kong gawin lahat ng gusto ko" gush! He's insane! Bakit ba niya ako pinapatawag?! Aalis na sana ako ng hilahin niya ang kamay ko. Kasabay non ang pagkalaglag ng salamin ko.

"You look beautiful without glasses" Saad niya habang nakaharap ako sa kanya. Tinulak ko siya at natawa nanaman siya. Hindi naman talaga malabo ang mata ko. Naging favorite ko lang talaga ang magsalamin. Bumilis ang tibok ng puso ko. Anong nangyayari sakin?

"B-bakit mo ba ako p-pinatawag?" Nauutal kong saad. Ang aga aga pinapakilig ako nito eh! Naramdaman niya ata ang pagkauncomfortable ko kaya pumasok siya sa bathroom at nagbihis ng school uniform. Ang gwapo niya sa suot niya!

Nabalik ako sa realidad ng may iniabot siya. "Ano toh?" Tanong ko nang kunin ko mula sa kanya ang paper bag. "Wear that. We're going to school together" saad niya habang nakapamulsa. Okay? Tinuro niya ang bathroom sa loob ng kwarto niya at pinapasok ako.

"Take a bath!" Sigaw nito mula sa labas at narinig ko ang yapak niya papalabas ng kwarto.

Nagsimula na akong maligo. Ang lamig! Yung shampoo niya ang tapang ng amoy pati na rin yung sabon. Kainis. "Ano pa bang magagawa ko eh nasa bathroom ako ni Nathan? Alangan naman na pang babae yung mga gamit dito. Hindi diba?" Kausap ko sa sarili ko.

Wala akong nagawa kundi gamitin ang shampoo at sabon ni Nathan kahit na bahong baho ako sa amoy nito. Nang matapos ay nagpunas na ako ng katawan ko gamit yung ginamit kong damit kanina. Wala man lang tuwalya! Nang matapos ay isinuot ko na ang uniform. Ang sikip! Ang ikli pa ng palda! Mas pipiliin ko pa ang palda ko kaysa sa palda na binigay niya sakin! Buti nalang may kasama itong pang doble na cycling black short.

Sinuklay ko ang basa kong buhok gamit ang mga kamay ko. Habang nakatingin sa salamin, sinuri ko ang suot ko. Hindi ako comfortable sa palda ko! Ang iksi! Nagmadali na ako sa pag aayos ng buhok ko at lumabas na.

Nadatnan ko siya na naka sandal kaharap ng pinto ng kwarto. "Your too slow" bored na bored niyang saad. Bumaba naman ang tingin niya sa palda ko. Pilit ko naman na hinihila ang palda ko. Pervert! Bumuntong hininga siya.

"I didn't know that the one I bought was too short" bumuntong hininga nanaman siya. Pumasok siya sa kwarto at nagkalkal sa closet niya. "Here" saad niya habang hawak ang jacket. "Anong gagawin ko dyan?" Pagtataka ko. "Tie it around your waist" kinuha ko sa kanya ang black na jacket. Tinali ko naman ito agad sa bewang ko. Nakakahiya.

Hinila niya ako pababa at pinunta niya ako sa table na naglalaman ng maraming pagkain. "Bilisan mong kumain baka malate tayo" saad niya habang pinaghihila niya ako ng upuan. Tumango ako. Hindi ko alam kung anong uunahin kong kainin hehe. Huminto ang mata ko sa paghahanap nang makita ko ang favorite ko. "Bacon!" Parang bata kong sigaw.

Napailing naman si Nathan hehe. Kumain nalang ako at hindi siya pinansin. Nang matapos ay hinanap ko ang phone ko. Teka? nasan ang phone ko?

"Yung phone ko?" Tanong ko kay Nathan habang abala sa pagkain. "Nasa kwarto mo." Saad niya. Tumayo ako at nagmadaling umakyat sa taas. Agad kong binuksan ang phone ko habang naka charge. Sinong nag charge nito?

From: mom
nasaan ka anak? Alalang alala na kami ng dad mo anak! Umuwi kana!

Ramdam ko ang iyak at pagaalala ni mom habang binabasa ang text message niya. Yesterday at 6:00 pm. Yan ang nakalagay sa taas ng message ni mom. Hindi ko alam kung bakit umagos ang luha ko dahil sa text ni mom sakin. Ramdam ko yung sakit at pagka guilty sa ginawa kong pag alis sa bahay. "Uuwi na ako sa bahay after class at magsosorry kay kila mom and dad" saad ko at pinunasan ang luha ko.

Bumaba ako kasama ang phone ko. Paano ako papasok ng walang bag? Nadatnan ko siyang nakaupo ng de kwatro sa mahabang sofa. "Wala akong bag" matamlay kong saad. Tumayo siya at iniabot ang shoulder bag. "Hindi naman masyadong kailangan ang notebooks ngayon. May laman yang paper and ballpen" saad niya.

Kinuha ko ito at inilagay sa bag ang phone ko. "Lets go" hinila niya ako sa parking lot ng bahay este ng mansion niya. Woah! Lamborghini. Naging astig ito dahil sa black nitong kulay. Pinagbuksan niya ako ng pinto at pumasok ako.

Nang makapasok na siya ay nagsimula na siyang mag drive. "Uhmm. Nathan?" Saad ko habang nakatingin sa kanya. "Why?" Sinulyapan niya ako at ibinalik agad ang tingin sa daan. "T-thank you pala sa lahat ng tulong at pag aalaga sa akin. Naging abala ka tuloy sa pag aalaga" Nakayuko kong saad. Nahihiya kasi ako dahil pangalawang beses na niya akong tinulungan.

"I'm here for you don't worry" saad niya. Bumilis ang pagtibok ng puso ko at parang may kakaiba sa tiyan ko.

Mahal ko na ba siya? Yung sarili ko hindi ko maintindihan.

Loving Him SilentlyWhere stories live. Discover now