CHAPTER 21

7 2 0
                                    

Lyra's POV

Bumungad sa amin ang magandang palamuti sa labas ng hotel. Nakakalula ang taas nito. Black modern ang disenyo ng hotel.

May mga ilaw na kumikinang sa building mula sa mga bintana nito. Napansin ko ang kakaibang ilaw na nasa rooftop ng hotel.

May mga tao na sumasayaw. Meron naman na nakadungaw habang may hawak ng glass of wine.

Kahapon nang makauwi ako sa bahay. Noong una hindi ako pinaniwalaan nila mom and dad dahil sa pagbabago ng hitsura ko.

Natawa ako that time tapos napatigil ako nang saraduhan nila ako ng gate. Doon na ako nagpakilala at ipinaliwanag na nagbago na nga ako.

Nakalimutan siguro nila na inayusan ako kahapon ni Maxine, eh kasi naman ang aga aga nun tapos uuwi ako na papalubog na ang araw.

Nagkwentuhan lang kami kahapon tapos nagbabangayan pa sila mom and dad kung saan daw ako nagmana. Napatawa na lang ako sa kakulitan ng magulang ko. Para matigil sila ay nagsalita na ako na nagmana ako sa kanilang dalawa.

Ibibili daw ako ni mom ng mga bagong damit. Like croptop, dresses, and skirts. Kahit na hindi naman talaga ako nagsusuot niyan. Hindi na daw bagay sa akin ang dati kong kinagawian na damit.

Isama mo pa ang creams, sunscreen, lotions, makeups, perfumes, and so on na sinabi ni mom at hindi ko na matandaan dahil ang dami niya daw ibibili para sa akin.

"Let's go" excited na sambit ni Maxine.

Nakasuot siya ng red bodycon dress with red heels. Mapula ang labi niya. Mahahabang pilik mata. Cat eye makeup. Messy bun hair. Mabango rin siya. Halos lahat nasa kanya na.

Habang ako ay nakasuot ng black high slit maxi dress with matching round toe stiletto black heel. Nasanay na rin ako sa heels na ito. Nakalugay lang ang buhok ko at hinahayaan na liparin ng malamig na hangin.

Nang makapasok. Isang malawak na lobby ang bumungad sa amin. May mga furniture na sa tingin ko ay galing ibang bansa dahil na rin sa kakaibang pagkakagawa nito. Mga paintings na nakapalibot sa buong lobby. Black carpet na patungo sa malawak at malaking reception desk. May mga sofa at tables sa paligid. Medyo may pagka orange ang kulay ng ilaw dito. Napaka modern ng disenyo.

Masayang bumati sa amin ang babaeng receptionist. Sa paraan ng kaniyang pagsasalita ay sa tingin ko ay matagal na siyang nagtatrabaho dito.

Ibinigay namin ang invitation card at may kung anong kinuha sa drawers. Binigay niya sa amin ang room number kung saan ginaganap ang party.

"Enjoy maam" masayang sambit niya at ngumiti sa amin.

Habang nasa loob ng elevator ay kinuha ko ang maliit na papel na hawak ni Maxine. Binasa ko ang nakasaad dito. Naging mas interesting ang pagbabasa ko nang mahagip ng mga mata ko kung saan ginaganap ang party. Rooftop.

Bumukas ang pinto ng elevator. Nasilaw ako sa iba't ibang ilaw na nagmumula sa mismong stage kaya naman ay napapikit ng bahagya ang aking mga mata para makapag adjust. Bumungad sa amin ang musika mula sa mga malalaking speaker habang nagsasayawan ang mga tao at nagsasaya.

Sinalubong kami ni Ivan habang hawak ang glass of wine.

Nakasuot siya ng melilla beige tuxedo suit. Bagay sa kaniya ang kaniyang suot at kaaya aya siyang tignan. Tila maaliwalas ang kaniyang suot kapag tinitignan mo siya.

"Sup!" Bungad niya sa amin.

Kumunot ang noo niya nang makita ako. Gusto kong matawa sa hitsura niya ngayon kaya lang maraming tao.

"Ako toh si Lyra" mabilisan kong sambit.

Narinig niya dahil nanlaki ang mga mata niya. Tinuro niya ako gamit ang kamay niyang may hawak na glass.

Loving Him SilentlyWhere stories live. Discover now