CHAPTER 17

5 2 0
                                    

Lyra's POV

Exam week. Kasalukuyan akong nagrereview. Nandito ako sa library. Hindi ko kasama sila Maxine at Ivan. Gusto kong mapag isa. Dahil kapag kasama ko sila, magbabangayan tapos hindi ako makakapag concentrate sa pag rereview ko.

Ilang araw na rin simula nang hindi na ako bumisita kay Nathan. Hindi ko alam kung nadischarge na ba siya o binisita ng kanyang mga magulang. Sariwa pa sa akin ang mga nangyari nung huli akong bumisita kay Nathan. Pero pilit ko nang kinakalimutan para hindi ako masaktan.

Pinilit kong magreview. Ayokong bumagsak. Ayokong madisappoint sa akin sila mom and dad lalo na si Yaya.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagrereview. Biglang nag ring ang bell, hudyat na kailangan na namin pumasok sa mga room number namin. Hinanap ko ang number ng librong hawak ko sa book shelfs. Kapag kumuha ka dito, kailangan mong ibalik sa tamang puwesto.

Napansin ko na biglang tumahimik ang buong library. Tahimik naman talaga pero wala akong maramdaman na presensya ng mga tao. Tumingin ako sa likuran ko. Tanging librarian nalang ang naiwan. Nakatingin pa ito sa akin. Oh! Naiwan ako.

Bahagya siyang humigop sa tasa niya. At umalingawngaw ang tunog nang inilapag niya ito sa maliit na plato.

"Wala ka bang balak na magmadali?" Napakurap ako. Hawak hawak ko pa rin ang libro. Nagsimula na akong hanapin ang number nito.

"Ayun" bulong ko at inilagay ng maayos ang libro. Nagmadali akong bumaba mula sa hagdan at kinuha ko na ang bag ko.

Aalis na sana ako ng mapatigil ang mga paa ko.

"Hindi mo ba alam na bumalik na ang supremo? Once na nahuli ka niya. Magbibigay siya ng punishment sayo" saad ng librarian.

Bumalik? Ibig sabihin nandito na siya? Ayoko ng punishment.

Bago tuluyang makatapak sa labas ng library. Para akong secret agent sa ikinikilos ko. Tumingin ako sa kaliwa at sa kanan. Walang tao. Nagsimula na akong maglakad ng dahan dahan sa hallway. Bababa pa ako at tatawid sa kabilang building. Sana hindi niya ako mahuli. Exam namin ngayon bawal malate!

Nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad sa bridge. Nang makita ko si Nathan habang hawak ang malinis, malaki at malapad na notebook at may hawak siyang ballpen. Napaupo ako. Buti hindi niya ako nakita! Nakaupo ako habang tinutungo ang kabilang building.

Finally! Nakapunta rin! Ang galing mo Lyr—

"At sinong t*ngang hindi ka nakita?" Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang malamig at malalim na boses.

"Harap" saad niya dahil nakatalikod ako sa kanya. Batas. May pagkabatas sa kaniyang malalalim na boses.

Dahan dahan akong humarap sa kanya habang nakayuko. Ayokong makita niya ang mukha ko.

Ramdam ko ang pagkainis niya. Bakit ba kasi?! Sabi harap? Nakaharap naman na ako sa kanya eh!

"Face on me!" Automatic na tumaas ang tingin ko sa kanya. Grabe yung sigaw tol abot hanggang kabilang building. Char.

Ang g-guwapo niya. Nakasuot siya ng puting long sleeve at nakataas pa ito hanggang siko niya. Naka brown jeans pa ito at black shoes! WAAHHH! namiss ko siya.

Hawak niya ang notebook at ballpen.

"You? Ikaw yung bumisita sa akin right?" Oo. Ako nga.

Tumango nalang ako bilang sagot. Napailing siya. Ibinuklat niya ang notebook at hinanda na ang ballpen para magsulat ng kung ano. Anong susulatin niya?!

"Name?" Maikling tanong niya. Tipid oo ang tipid ng pagsasalita niya. Titipirin ko rin ang pagsasalita ko.

"Lyra" yan naman talaga ang name ko mga bhie. Umangat ang tingin niya at ngayon ko lang napansin ang suot niyang eye glass. A-ang pogi...

Loving Him SilentlyWhere stories live. Discover now