Lyra's POV
Nang makarating kami sa school, agad akong bumaba sa kotse ni Nathan at nagpasalamat sa kanya. Syempre marunong naman akong magpasalamat kahit papaano.
Napatingin ako sa wrist watch ko. 1 minute nalang magsisimula na ang unang klase ko. Tumakbo ako at nagmadaling umakyat sa building kung saan nasa 4th floor ang room number ko.
Hingal na hingal ako nang makarating sa room number ko. Salamat naman at wala pa si Ms. Cynthia kung hindi sisigawan nanaman ako at pagagalitan. This week, inaprobahan na ng principal at kasama doon si supremo na kapag late ka at nauna pa sayo pumasok ang prof mo, asahan mo na paglilinisin ka ng buong campus. At ayoko naman non.
Pumasok ako at tinungo ang upuan ko sa likod. Nadatnan kong naka headset si Ivan habang nakapikit ang mga mata at nakasandal ang ulo sa pader. Nakatingala siya. Dahan dahan kong inilapag sa upuan ko ang shoulder bag at umupo ng tahimik yung hindi aalog yung upuan dahil nakapatong ang braso niya sa desk ng upuan ko.
Napatingin ako sa wrist watch ko. Segundo nalang at nandito na si Ms. Cyn. Napatingin ako sa buong classmates ko nang marinig ko ang pangalan ko.
"Ano bayan. Kala ko hindi na siya makakapasok"
"Nakakainis siya. Sa tuwing nakikita ko si miller nasisira yung araw ko."Bulungan nila. I mean hindi siya bulong kasi naririnig ko. Sinasadya nilang marinig ko. Sumikip yung dibdib ko sa mga pinagsasabi nila sakin. Ganon na ba ako kamalas?
"Shut the fvck up" napatingin ako sa katabi ko nang magsalita si Ivan. Nakatingin siya sa students na nag uusap patungkol sa akin. Nanginig naman sila sa nakamamatay na tingin ni Ivan. Waaahhhh!
Nang maramdaman niya ang presensya ko, inikot niya ang ulo niya patungo sa akin. Nakatingin siya sa akin na parang sinusuri ako. Yung mga mata niya halatang kakagising lang. Para siyang bata. Nakakunot yung noo niya. Parang nagtataka.
"Bakit hindi mo su—" natigilan siya nang pumasok si Ms. Cyn. Napabuntong hininga naman siya. Pfft. Binigay ko ang atensyon ko kay Ms. Cyn. Isa siya sa strict prof ko. May kasama siyang student na nasa labas pa ng pinto. Hindi ko siya makita dahil nahaharangan siya ng pader.
"Good morning class. There is a new transfer in our dear school. She comes from a private university in Paris. I hope you will be kind to her." Masayang pagbati ni Ms. Cyn sa amin. Napa sigh naman si Ivan. Nakakapagtakang ngayon lang naging good mood si Ms. Cyn. Halos araw araw siyang mataray.
"Come in" Nakangiting saad ni Ms. Cyn sa babaeng nakatayo sa labas ng room namin. Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan nang pumasok siya sa room. Abnormal na ata ako.
Hindi siya naka uniform. Tanging crop top and mini skirt ang bumabalot sa katawan niya. Brown hair with blonde highlight ang kulay ng buhok niya. Medyo kulot rin ito. Sexy. Pretty. Yan ang nakikita ko sa kanya.
"I'm Maxine Lee McClain. I hope na maging friends ko kayo" Nakangiting saad niya. Nagsibulungan naman ang mga classmates ko. Kesyo daw maganda. Sexy. Mayaman. At sosyal.
"Find a seat Ms. McClain" biglang nagkagulo ang room nang matapos sabihin yun ni Ms. Cyn. Tinuturo nila yung katabing upuan nila para doon maupo si Maxine. Napatawa naman si Maxine sa asal na pinapakita nila. Sa tawa niya makikita mo na yayamanin siya.
Napatingin ako sa katabi ko nang tumayo siya. Oh no! Baka may gawin siyang hindi maganda. Tinanggal niya ang kanina pa nakasalpak sa tenga niya "Shut up! Hindi big deal kung hindi niyo siya makakatabi! Fvck ang ingay!" Saad niya habang nakatingin kay Maxine. "Mr. Ramirez!" Sigaw ni Ms. Cyn nang biglang nag walk out si Ivan. Anong nangyayare?
Kasabay nito ang malaking ngiti ni Maxine. Tinungo niya ang direksyon ko. Oh! Tatabi ba siya sakin! "Can I sit next to you?" Turo niya sa upuan ni Ivan. Nagdalawang isip pa ako nang bigla siyang umupo sa tabi ko. Hindi niya hinintay ang sagot ko. "Thank you" saad niya.
Halos tatlong oras ang lumipas nang wala akong nakikitang Ivan. Tatlong oras ko na rin palang katabi si Maxine? Hindi ko ramdam dahil ang tahimik niya at minsan nahuhuli ko siyang nakatingin sakin.
Nang matapos ang pangatlong subject namin ay bigla siyang nagtanong. "Friend mo si Ivan?" Oh! Magkakilala nga sila! Nakatingin siya sakin na parang binabasa ang iniisip ko. Napatango nalang ako bilang pagsagot. "Can we be friends too?" Lahad niya ng kamay sa harap ko. Napatulala ako sa sinabi niya. May masama ba siyang balak? "Hey?" Nabalik ako sa realidad nang makuha niya ang atensyon ko. Inabot ko ang kamay niya "Pwede naman" hindi sigurado kong sagot. Naramdaman ko ang kakaibang pakiramdam nang mahawakan ko ang kamay niya.
Nang nag bell agad akong napatayo at hahanapin sana si Ivan nang marinig ko ang pangalan ko. "Miller! Sabay na tayong kumain! Hindi ko alam ang Cafeteria dito." Napabuntong hininga ako at humarap sa kanya. Lumapit siya sa akin at hinila ako. Nagpatangay nalang ako. Sa panghihila niya sakin parang alam na niya kung saan ang Cafeteria.
Nang makapunta kami sa Cafeteria hindi na bago sakin ang mahabang pila. Hinila niya ako sa unahan ng pila. "Teka! Hindi diyan. Pumila tayo sa dulo!" Hindi pa rin siya nagpatinag. Nang makita si Maxine ng grupo ng mga kalalakihan ay agad nila itong pinauna sa pila. "See?" Saad niya at proud na proud sa ginawa niya. Pinagtinginan naman kami ng mga tao sa loob.
Nang makapag order kami ay naghanap kami ng table para kumain. Wala ng table. Punuan ang Cafeteria. Napansin ko si Maxine na nakatingin sa direksyon ng mga kalalakihan na nagpasingit sa amin kanina. Gagamitin niya lang ang karisma niya at masusunod na ang utos niya. Hindi maganda ito.
"Let's go" Tinungo niya ang table kung saan abalang nagkwekwentuhan ang mga kalalakihan. Nasa likod niya lang ako nakasunod. Parang alalay.
Napa-ubo siya para agawin ang atensyon nila. Agad naman na nahinto ang usapan nila. Nang makita si Maxine. Ang babaeng isiningit nila sa pila. "Ang ganda niya pre" "Oo nga, na love at first sight ata ako sa kanya" bulungan nila. Napa sigh si Maxine. "Can we have a sit?" Tanong niya. Agad naman na nagsitayuan ang mga kalalakihan. "Basta ikaw miss" sabay kindat ng lalaking parang inaakit si Maxine.
After nilang umalis, nagsimula na kaming kainin ang inorder namin. Ang order ko ay fries, burger, and soup. Kay Maxine naman ay yung mga mamahaling pagkain sa cafeteria.
"Uh whats your name?" Tanong niya habang naghihiwa ng karne. "This is so hard" inis na bulong niya. "Pfft. I'm Lyra Miller" pigil kong tawa habang nagpapakilala sa kanya. Habang kinakain ko ang burger ko, bigla siyang nagtanong.
"Do you love someone?" Natigilan ako sa pagnguya.
YOU ARE READING
Loving Him Silently
RomanceThey say when you love someone secretly you won't feel "rejection" And this is what I do. I love him in a way that only I know. And this is me loving him silently.