Lyra's POV
Naghihintay ako ngayon sa labas ng ER. Ramdam ko ang lamig ng aircon pero pinagpapawisan ako dahil sa kaba at takot na baka kung anong mangyari sa kanya at baka lumala ang kaniyang kondisyon.
Kasama kong naghihintay na lumabas ang doctor mula sa loob sila Maxine at Ivan. Kami lang. Nang mawalan ng malay si Nathan ay agad na tumawag ng ambulance si Maxine dahil inutusan siya ni Ivan.
Ilang oras din kaming naghintay ng ambulance dahil sa bagal ng usad ng mga sasakyan. Yung mga oras na yan ay patuloy pa rin sa pag agos ang aking mga luha at nanatili pa ring mahigpit ang yakap sa kaniya na tila ayaw ko siyang pakawalan.
Farin. Bumalik sa akin ang mga alaalang iniwan ng hospital na ito. Mga ilang buwan na rin ang nakakalipas nang mangyari ang isang trahedyang hindi ko inaasahan na dahilan ng pagkalimot niya. Nag momove on na ako sa mga nangyari dahil alam kong may pagasang bumalik pa ang alaala niya at kilalanin akong muli.
Kapag okay na siya ay pagkakataon ko na rin ito para ipagtapat ang tunay na nararamdaman ko sa kaniya. Hindi ko maipaliwanag kung anong nagustuhan ko sa kaniya. Parang kabute lang na kung saan saan sumusulpot.
Napatayo ako nang marinig ang pagbukas sara ng sliding door. Maging sila Maxine at Ivan ay napatayo rin.
"Ahh..." unang lumabas sa bibig ng doctor. Tinanggal niya ang facemask at nagpatuloy sa pagsasalita.
Kumakabog ng malakas ang dibdib ko. Malalim ang bawat paghinga ko. Nakatingin lang ako ng diretso sa doctor at hinihintay ang kaniyang sasabihin.
"It's a miracle" napakurap ako sa narinig. Mas naging interesado akong makinig sa kaniya.
"Naging maayos ang daloy ng dugo sa utak ng pasyente. Maliit na porsyento lang ang nakakasurvive sa ganitong kondisyon" hindi ko inaasahan ito. Unti unting nag blurred ang paningin ko.
"Maaaring maalala niya na ang lahat" isang mas hindi ko inaasahan. Napakurap ako dahilan ng pagtulo ng luha ko.
Humagulgol ako at naramdaman ang pagyakap sa akin ni Maxine.
"Okay na ba siya doc?" Rinig kong tanong ni Ivan.
"Yes. Maaari na kayong pumasok sa loob" sambit ng doctor. Narinig ko ang paghakbang niya palayo sa amin.
"Let's go in" sambit ni Maxine.
Unti unti akong kumalas ng pagkakayakap at ipinahid ang aking mga luha. Para akong bata na hindi binilhan ng candy.
Nauna si Ivan. Nang buksan niya ang pinto ay bumungad sa amin ang isang lalaki na mahimbing na natutulog. Walang aparato na nakakabit sa katawan niya. Tanging puting kumot lang ang bumabalot sa kaniyang katawan.
Umupo ako sa silya habang si Ivan naman ay nakatayo sa kabilang side ng kama. Si maxine ay umupo sa sofa na may kalayuan sa kama.
Tinitigan ko siya. Kumabog ng mabilis ang puso ko dahilan ng pagkakahawak ko dito.
"Hihintayin ko ang paggising mo" may hikbi kong sambit.
Ngayon ko lang nakitang umiiyak si Ivan. Hindi na dapat kami umiiyak dahil paggising niya ay may bagong araw na sasalubong sa kaniya. Araw na maaalala niya na ang lahat.
Hinawakan ko ang kaniyang kamay.
"Namiss kita. Namiss ko ang lahat ng pagtulong mo sa akin. Hinding hindi ko yun makakalimutan" kumalas ako sa pagkakahawak at mabilisang pinahid ang luha ko. Hinawakan ko siya ulit.
Pinakalma ko ang sarili ko. Hindi dapat kami umiyak.
—————
Naalimpungatan ako nang gumalaw ang daliri ni Nathan. Dahan dahan kong iniangat ang ulo ko na nakapatong sa kama ni Nathan dahil dito na ako natulog.
YOU ARE READING
Loving Him Silently
RomanceThey say when you love someone secretly you won't feel "rejection" And this is what I do. I love him in a way that only I know. And this is me loving him silently.