Lyra's POV
Nagsimula ang discussion. Kaming tatlo ay nagfocus sa buong klase hanggang sa mag breaktime. Kailangan namin makapasa sa upcoming exam this next week na. Mag-gagraduate na kami. Upcoming grade 11! Kung makapasa.
Kasalukuyan kaming naglalakad patungong Cafeteria. Si Maxine nakapulupot ang braso sa braso ko. Si Ivan naman ay naka akbay. Habang naglalakad, pinagtitinginan kami ng mga students na nadadaanan namin. Ewan ko ba kung bakit?
Baka naman kasi kasama ko ang isa sa mga mayaman at sosyal gaya ni Maxine? O kaya naman kasama ko ang isa sa mga gwapo sa campus na si Ivan? Hayst.
Biglang sumagi sa isip ko si Nathan. Kamusta na kaya siya? Ichecheck ko sana kung may tawag or text ang doctor ni Nathan kaya lang naramdaman ko na hindi ko pala dala ang bag ko. Tanging wallet lang ang bitbit ko.
"Anong gusto mong kainin?" Saad ni Ivan habang nakatingin sa menu.
"Kahit yung ano nalang....bacon" saad ko. Napatingin sa akin si Ivan. Nagtataka.
"Hayst! Hindi ka pwede sa mga hindi masusustansiya!" Mahinang singhal niya dahil halatang naiinip na kakahintay ang kasunod namin sa pila.
"Hayaan mo siya sa gusto niya. Kaya nga tinanong mo kung anong kakainin niya diba?" Sarkastikong saad ni Maxine na nasa tabi ko. Para matigil na ito, agad na akong nagsalita.
"Ahh hehe oo yung masustansiya nga" saad ko. Tinuro ko ang pakbet na nasa menu. Isa yung pakbet sa mumurahing pagkain. Kaya nagdalawang isip pa ang babaeng nasa counter na ifinal ang order ko. Nginitian ko siya.
Tapos nag order na sila Ivan at Maxine. After non ay naghanap si Maxine ng mauupuan. Napili niya ang table malapit sa entrance ng Cafeteria.
"Actually, kanina pa ako nagugutom" saad ni Maxine habang inilalapag sa table ang order niya. Nilapag ko na rin ang order ko pati si Ivan.
Nasa right side ko ang malaking salamin na nagsisilbing haligi ng Cafeteria. So it means na makikita mo ang labas mula sa kinauupuan mo. Nasa left side ko naman si Maxine at kaharap ko naman si Ivan.
Abala ako sa paginom ng tubig nang masamid ako dahil sa tanong ni Ivan.
"Nasaan si Nathan? Ilang linggo ko na siyang hindi nakikita" pagkatapos kong makarecover mula sa pagkakasamid ay tinanong ko siya pabalik.
"Friend mo siya dba? Bakit hindi mo alam?" Itinaas niya lang ang balikat niya na tila walang alam. Patuloy siya sa pagsubo. Diretsahan ko siyang sinagot.
"Na—" putol ko nang magsalita si Maxine.
"Who's Nathan?" Nakakunot ang noo niya at nakatingin sa akin. Hindi niya kilala si Nathan dahil kakatransfer pa lang niya.
Nakita ko naman ang pagkabitin sa mukha ni Ivan. Gusto kong matawa HAHAHA.
"Makikilala mo siya someday okay? Pagsalitain mo muna si Lyra" naka angat ang kilay na saad ni Ivan. Yan nanaman sila. Walang oras na hindi sila nagbangayan. Kinumpas ko ang kamay ko na tila pinapatahimik silang dalawa.
"Nasa hospital si Nathan" napatigil si Ivan sa pagsubo. Tumingin siya sakin na nagtataka. Si Maxine naman ay patuloy sa paghihiwa ng karne since wala naman siyang alam tungkol kay Nathan. Itinuloy ko ang pagsasalita nang makita kong may pagtatanong sa mga mata ni Ivan at hindi naintindihan ang sinabi ko. Huminga ako ng malalim bago magsalita.
"Naaksidente siya dahil sa car accident" ngumiti ako ng mapait. Hindi ko tinignan ang reaksyon ni Ivan. Nakatingin lang ako sa likuran niya. Nagbabadya ang luha. Pinigilan ko ito.
"Kailan pa?" Pag aalala niya.
"Bakit hindi mo ako sinabihan?" dagdag na tanong niya.
"Sorry. Sasabihin ko naman sayo kung may pagkakataon" nakayukong saad ko. Naramdaman ko ang pag tapik niya sa ulo ko.
"It's okay. Sa susunod magsabi kana sakin okay?" Inangat ko ang tingin ko at tumango. Kita ko sa kanya na nagpipigil lang siya ng galit. Galit na hindi ko agad sinabi sa kanya o galit na hindi niya nabisita si Nathan sa hospital simula noong maaksidente siya?
"Guys. Napaka seryoso naman ng pinaguusapan niyo" sabat ni Maxine. Tinignan siya ng masama ni Ivan. Oh!
"Tapos na akong kumain!" Pag iiba ni Maxine. Takot pala siya eh. Tinignan ko ang pagkain ko na hindi pa ubos. Binilisan ko ang pag kain dahil ilang minuto nalang tapos na ang breaktime namin.
Gaya ng kanina, nakapulupot pa rin ang braso ni Maxine sa braso ko. Nakapagtatakang hindi umakbay sa akin si Ivan. Palihim ko siyang tinitigan. Ang lalim ng iniisip niya. Medyo naka kiling ang ulo niya habang nakatingin sa malayo.
"Anong nangyari sa kanya? Ang pangit ng timpla ng mukha niya ngayon ah" sambit ni Maxine. Napansin pala niya? Siguro iniisip niya si Nathan o kaya naman nagtataka kung bakit naaksidente sa car accident si Nathan? Ang gulo na ng isip ko sa kaka-overthink.
—————
Natapos ang klase nang tahimik at tulala si Ivan. Kanina ay tinawag siya ni Mr. Obama at tinanong tungkol sa dinidiscuss niya nang mapansin na si Ivan ay tulala. At tama ang hinala ko. Hindi siya nakikinig dahil wala siyang naisagot. Pinagalitan siya ni Mr. Obama at parang wala lang yun kay Ivan.
—————
"Goodbye Ms. Diana" pagpapaalam namin sa huling prof namin.
Nagsiayos na ang mga classmates ko. Ang iba ay nasa dating gawi. Didiretso sila sa library. Habang ako ay uuwi na at para mabisita si Nathan.
"Bye Lyra!" Pagpapaalam ni Maxine. Nasa labas na kami ng room. Kinandado na ng President ang room. Nauna na si Ivan sa amin. May pupuntahan daw siya. Hindi na ako nakapagtanong pa nang tumakbo siya.
"Bye!" Sigaw ko nang medyo malayo layo na siya. Tumingin siya at kumaway. Nginitian ko siya at kumaway sa kanya pabalik. Bumuntong hininga ako nang hindi ko na siya makita.
—————
It's 1:03 pm nang makauwi sa bahay. Agad kong chineck ang phone ko. 3 missed calls mula sa numero na hindi ko masyadong pamilyar. Kaya isinawalang bahala ko ito baka kasi ibang tao toh na hindi ko naman kilala.
"Lyra iha mag lunch ka na. Anong oras na oh. Ano bang ginagawa mo diyan?" Katok ni Yaya Fleur sa pinto ng kwarto ko. Nang makauwi kasi ako ay agad akong dumiretso sa kwarto ko para icheck ang phone ko.
"Opo Yaya. Bababa na po" sambit ko habang nililigpit ang mga nakakalat sa kwarto. Narinig ko ang hakbang ni Yaya pababa ng hagdan.
Napatigil ako sa pagliligpit nang mapagtanto na baka yung doctor yun ni Nathan? WAAHHHHHHH overthink overthink! Wala na sa wisyo ang utak ko.
Bumaba ako at nagmadaling kumain. Bibisitahin ko ngayon si Nathan. Kailangan kong makausap ang doctor kung okay na ba talaga siya o may napansin silang kakaiba? Nowadays puro tanong ang umiikot sa isip ko.
Nang matapos akong kumain. Kumaripas ako ng takbo papunta sa kwarto ko.
"Lyra! Magdahan dahan ka nga!" Sigaw ni Yaya sa baba. Huhu hindi ko kayang mag dahan dahan.
Nagbihis ako ng simple lang. Pantalon at oversized tshirt with shoulder bag. Kung nagtataka kayo na ayan ang suot ko, sino pa ba ang gagawa niyan? Edi si mom. Simula nang dumating sila nagtataka sila kung bakit manang ang suotan ko, kaya bumili sila ng bagong damit para sakin. Medyo nakakapag adjust na ako.
Abala ako sa pagsuot ng rubber-shoes ko nang mag ring ang phone ko. Inabot ko ito dahil nakapatong ang phone ko sa table malapit sa kama ko. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ang caller ID. Ito yung numero kaninang nag missed call tatlong beses na.
Napalunok ako at sinagot ito.
Bumungad sa akin ang pamilyar na boses.
"Doctor ito ni Nathan. Ayun sa naging resulta, may pinsala sa ulo ang pasyente na nagdulot ng pamumuo ng dugo sa utak. Nang magising siya hindi niya alam ang nangyari bago siya maaksidente" Napakurap ako. Halos muntikan ko nang mabitawan ang phone ko. Unti unting naipon ang luha sa mga mata ko hanggang sa nag blurred na ang paningin ko.
Tuluyan ko ng nabitawan ang phone nang marinig mula sa kaniya ang hindi ko inaasahan.
"Nagkaroon siya ng Amnesia. Kung saan hindi niya naaalala ang recently lang niyang nakita at nakilala" tuluyang bumagsak ang luha ko.
Hindi pwede. Hindi maaari.
YOU ARE READING
Loving Him Silently
RomanceThey say when you love someone secretly you won't feel "rejection" And this is what I do. I love him in a way that only I know. And this is me loving him silently.