Lyra's POV
Ito ako ngayon. Naglalakad habang lutang yung isip. Parang wala akong maramdaman sa paligid. Ramdam ko lang yung bigat na nararamdaman ko. Kaya pala ilang beses na akong nagtataka sa malayong pagkakahawig namin ni mom and dad. Dumagdag pa sa sakit yung malaman na wala na yung tunay na mommy ko.
Hindi ko lang naman sinasadya na marinig yung pinaguusapan nila. Nang makita nila akong nakikinig at nakatayo hindi kalayuan sa kanila ay bigla silang napahinto sa pag-uusap at napatayo sa gulat na makita nila akong umiiyak. Mom was about to speak but I immediately stopped her. Hindi ko na kailangan ng explanations mula sa kanila. Narinig ko lahat ng usapan.
Umalis ako sa bahay dahil hindi ko kayang makita at makasama yung pumatay sa tunay na mommy ko. I heard my name from them but I didn't stop walking. Pinagpatuloy ko lang yung paglalakad ko hanggang sa makalabas ako ng subdivision.
Naramdaman ko yung malakas at malamig na hangin. Kasabay nito yung pag-agos ng mainit na likido mula sa mga mata ko. Walang katao tao sa labas. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa kong wala atang balak tumigil.
Sakit. Yan ang patuloy na nararamdaman ko ngayon. Niyakap ko yung sarili ko dahil umihip nanaman yung malamig na hangin. Napatigil yung mga paa ko. Saka ko lang napagtanto na naglalakad na pala ako sa gitna ng daan. Kasabay nun ay ang unti unting pagpatak ng ulan. Tumingin ako sa langit at dinama yung papalakas na pagpatak ng ulan. Ang sarap sa pakiramdam. Nararamdaman ata ng langit yung pag iyak ko kaya nagpaulan siya para madama ko yung unting pagginhawa at hindi mahalata na umiiyak ako.
Hanggang sa bumalot ang makapal na parang ulap sa daan. Fog. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Kahit na hindi ko na makita yung dinadaanan ko. Automatic na napahinto yung mga paa ko mula sa paglalakad ng maaninag ko yung kulay yellow na ilaw mula sa sasakyan. Patungo ito sa akin. Saka ko lang naalala na nasa gitna ako ng daan naglalakad.
Napaupo ako sa kaba dahil wala akong magawa. Hindi gumagana yung utak ko ngayon. Nakatakip yung dalawang palad ko sa magkabilaang tainga ko. Habang nakayuko. Ramdam ko yung papalapit na sasakyan. Hindi ko magawang tumingin. Ayoko pang mamatay pero heto ako ngayon parang baliw na nakaupo sa gitna ng daan.
"Shit!" Sigaw ng lalaki. "Do you want to die?!" No. Tanging saad ng isipan ko.
Baliw na ata ako dahil hindi pa rin ako tumatayo at gumagalaw mula sa pwesto ko ngayon. "Don't you intend to stand up?" Mahinahon na saad ng lalaki. Gush lutang na lutang yung isip ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa paligid ko dahil patuloy pa rin akong nakayuko.
Umuulan pa rin ng malakas. Basang basa na ako. Automatic na napatayo ako dahil ayoko namang maging baliw sa paningin ng lalaking muntik na akong masagasaan. Umangat yung tingin ko sa lalaking kanina pa nakatayo at basang basa na rin sa ulan. Si Nathan. Nanlaki yung mata ko dahil ayokong nakikita siyang nag aalala sa akin. Pangalawang beses na niya akong nakikitang ganito. Kawawa.
"Lyra?" Lumapit siya sa akin. Sinuri niya yung buong katawan ko. Oo. Kawawa. Hinila niya ako patungo sa mamahalin niyang kotse. Binuksan niya yung pinto ng front passenger seat at pumasok nalang ako dahil ayoko naman na magalit pa siya. Umikot siya at umupo sa driver seat.
Hinubad niya yung blue varsity jacket na nakapangalan pa sa kanya. Napayuko ako sa hiya. Nilaro ko yung kuko ko. "Umayos ka, kukumutan kita." Maawtoridad na saad ni Nathan. Pero hindi mawawala sa boses niya yung pag-aalala at pagka-awa. Napatingin ako sa kanya. Makikita mo sa brown na mga mata niya yung pag-aalala.
"A-ah w-wag na, o-okay na a-ako" saad ko pero parang ayaw niyang maniwala. "you're not okay" malamig na saad ni Nathan. Napansin niya atang nanginginig ako sa lamig. Wala nanaman akong magawa, sinunod ko nalang yung utos niya. Lumapit siya sa akin at napakalapit ng mukha niya sakin. Napatitig ako sa maamo niyang mukha. His eyebrows are thick, his eyes are brown, his eyelashes are long, his nose is sharp, his lips are pink, and his face is smooth.
"Why are you staring at me? Am I handsome?" Napapitlag ako at nabalik sa realidad. Grabe na ba akong tumitig? Oo na gwapo ka! Ayy! Ano bang pinagsasabi ko? Dahil lang toh sa lamig. Nang matapos na siyang kumutan ako ay isinandal ko ang ulo sa bintana ng kotse. Naramdaman ko ang paghina ng aircon. Thanks to him. Buti nalang at nandyan siya.
"Wag mo akong iuwi sa bahay" nanghihinang saad ko.
Nagsimula siyang mag drive. "Where do you want to go?" May konting pagkagulat niyang saad. Ayoko sa bahay.
"Sa bahay mo" wala sa sarili kong saad. Naramdaman ko ang paghina ng mga talukap ko at namalayan ko na nakatulog na pala ako.
YOU ARE READING
Loving Him Silently
RomanceThey say when you love someone secretly you won't feel "rejection" And this is what I do. I love him in a way that only I know. And this is me loving him silently.