CHAPTER 3

20 2 0
                                    

Nathan's POV

Kakatapos lang namin mag practice ng basketball.

"Tara lunch muna tayo" saad ng ka team namin. Lahat sila nag sitanguan at tumugon sa sinabi ni Chase. Lahat sila napatingin sakin dahil napansin nilang nakatulala ako.

"Okay kalang bro?" Tanong ni Chase. Napatingin ako sa kanya na nakakunot yung noo. Okay lang naman ako. Medyo naisip ko lang yung babaeng ka member ni Ivan kanina.

"Ah oo. Mauna na kayo, susunod nalang ako sa inyo." Saad ko kay Chase at sa kanilang lahat. Nag agree naman sila at umalis na.

Pumunta ako sa locker ko at kumuha ng damit para makaligo dahil pawis na pawis ako kanina sa paglalaro. Pumunta ako sa malaking CR dito sa school. Nagshower lang ako at pagkatapos nagbihis na.

Papunta sana akong cafeteria pero napatigil ako nang makita ko si Fritzy kasama yung dalawang alepores niya.

Aalis na sana ako kasi wala naman akong mapapala sa tatlong yun nang biglang nabangga si Fritzy ng babaeng ngayon ay nakaupo na sa sahig. Wth bulag ba siya? Kung sino man siya prepare your self lalo na kay Fritzy.

"YUCK!!! KADIRI!!! Dinikitan mo yung damit ko!!! At binangga mo pa ako!!! Bulag kaba ha!!??" Paninigaw niya sa babae.

Hindi ko makita kung sino yun dahil naka yuko siya. Naghintay ako ng ilang minuto upang makita yung mukha niya nang bigla siyang sinabunutan ng isa sa alepores ni Fritzy. Nanginig ako sa galit nang makita ko kung sino yung sinasaktan nila.

"Yan good. Wag mong niyuyukuan ang QUEEN BEE sa school na ito naiintindihan mo ba?! I'm Fritzy Raise Santos" saad ni Fritzy. Ang galing! Pinagmamalaki mo yung pagka queen  bee mo dito sa school ha?? Eh kung paalisin kita sa posisyon mo?

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at kinuha na ang atensyon nilang lahat.

"Bitawan niyo siya" walang emosyon kong saad. Napatingin silang lahat sakin. Napa smirk nalang ako nang magulat silang tatlo.

Well, I'm the only SSG in this school. With just one word I can control your life. Begging doesn't work for me. All my orders are obeyed. I am the most powerful in this school.

Agad naman binitawan ng alepores yung buhok ni Lyra. Nagsitakbuhan naman silang lahat sa takot.

Lumapit ako kay Lyra na ngayon ay walang malay na nakahiga sa sahig. Sobrang tirik yung araw pawis na pawis siya. Ang gulo rin ng buhok niya. Nakaramdam ako ng awa at the same time galit.

Binuhat ko na siya at pinunta siya sa school clinic upang maasikaso at makapagpahinga siya.

"Please take care of Miss Lyra. Do everything to make her feel better." Saad ko kay nurse cha.

"Okay supremo" saad ni nurse cha.

Nang makita ko na sinisimulan niya ng asikasuhin si Lyra ay agad kong tinawagan si Ivan.

*CALLING...

Wala pang isang segundo sinagot niya na agad.

"Oh? Napatawag ka?" Bungad niya sa kabilang linya.

"Pumunta ka sa clinic now na. Pakibantayan si Lyra" saad ko sa kanya. Sumulyap ako kay Lyra at nakita ko naman na maayos na siya.

"Ano nangyare?! Bakit nasa clinic si Lyra?!" Gulat na gulat na sabi niya. Hayss ang dami pang tanong!

"Pumunta ka na dito sasabihin ko nalang sayo kapag may free time ako. May kailangan lang akong gawin ngayon kaya pinapaalagaan ko sayo si Lyra." Saad ko. Ramdam kong napatango siya kahit hindi ko naman nakikita.

*end call...

Pinatay ko na yung tawag. Pumunta ako kay Lyra at sinuri ang lagay niya. Natutulog siya ng mahimbing, ang ganda niya kapag wala siyang glasses.

"Pinagpapantasyahan mo ba si Lyra?" Mapanuring tanong ng kung sino man ang kakapasok lang sa loob. Agad akong nagulat dahil walang katok katok. Mahahambalos ko talaga ito eh.

"Hoy anong klaseng tanong yan? Ako na nga yung nagligtas sa kaniya tapos inaasar mo pa ako?" Nakataas ang kilay kong saad. Agad naman siyang napatingin sa kondisyon ngayon ni Lyra.

"Sinong may gawa nito?" Naiinis na wika niya.

"Ako nang bahala sa may gawa nito. Bantayan mo si Lyra." Saad ko at kinuha ko na yung gagamitin ko sa pagpaparusa.

Umalis na ako at pumunta sa madilim na bodega.

*CALLING...

Tsk. Ang tagal sagutin.

"Ahh-a He-hello?" Nauutal at natatakot niyang saad sa kabilang linya. Gusto ko nang makita kang nahihirapan.

"Go to the warehouse at isama mo yung dalawa mong alepores" walang emosyon kong saad. Napansin ko naman na takot na takot siya.

"Why?" Mahinang tugon niya. Napasmirk nalang ako.

"I have a surprise" ngiting pang demoyo kong saad. Kating kati na yung kamay ko!

*end call...

Pinatay niya yung tawag at umupo ako sa upuan. Uminom ako ng red wine habang hinihintay sila.

Nang mainip ako sa paghihintay. Kinuha ko yung maliit na kutsilyo ko sa may drawer at pina ikot ikot ko sa daliri ko.

Isang ingay ng pinto ang nagpasigla sa katawan ko hudyat na nandyan na sila.

Agad na nakuha yung atensyon ko sa nagsabunot kay Lyra. Biglang nag init yung katawan ko sa galit.

"B-bakit mo kami pina-punta?" Natatakot na tanong ni Fritzy.
Agad kong diniretso ang pakay ko sakanila.

"Bakit niyo sinaktan si Lyra?" Malamig na tanong ko sa kanila.
Tumayo ako at lumapit sa kanila.

"Eh kasi binangga niya ako eh!!! Ang sakit kaya sa shoulder!!" Pag iinarte niya. Arghhh this girl!!

Tinapat ko sa leeg niya yung kanina ko pa pinaglalaruan na kutsilyo. Nagulat yung dalawang alepores niya lalo na si Fritzy.

"A-anong g-gagawin mo?" Takot na takot niyang saad. Nakatingin lang ako sa kanya na bored na bored.

"Once you hurt Lyra again, I will remove you as queen bee from this school." Pagbabanta ko sa kanya. Nang matapos na yung pakay ko sa kanila pinaalis ko na sila dahil kapag nag tagal pa sila dito ay baka matuluyan ko talaga silang tatlo.

Lyra's POV

Ahh! Ang sakit ng anit ko. Nagising ako dahil may tumatapik sa braso ko. Puro puti yung nasa paligid ko, nasa langit na ba ako? Hindi naman pwede dahil may nararamdaman pa naman ako.

"LYRA!!! FINALLY! GISING KANA RIN!! OKAY KALANG BA?! HA?! SUMAGOT KA!!" Natatarantang saad ni Ivan. Ay may isa pa palang dahilan kung bakit hindi pwedeng nasa langit na ako. Kung nandito si Ivan wala ako sa langit noh kasi half demon nga yan si ivan eh.

Napatakip ako sa tainga dahil sa sigaw niya. Isinuot ko naman agad yung glasses ko dahil hindi ko maaninag yung lalaking nasa harapan ko.

"Okay na ako!" Pagpapakalma ko sa kanya. Parang ewan naman toh kala mo namatayan.

"Buti naman, nagugutom kaba?" Pag aalala niya sakin. Buti naman at may concern naman toh.

"Wait. Sinong nagdala sakin sa clinic?" Pagiiba ko ng usapan. Ang naalala ko ay sinabunutan ako ng isang babaeng kasama ni Fritzy tapos may lalaking dumating sino kaya yun?

"Si nathan, mamaya magpasalamat ka dun ah!" Napaupo ako sa sinabi niya. Si nathan?! WAAHHHHH bakit siya pa?!

"Oh? Bakit parang gulat na gulat ka?" Saad niya. Hindi ko nalang siya pinansin at kumain nalang ako ng mga pagkain na nasa table katabi ng kama ko.

Anong meron sa kaniya? Bakit niligtas niya ako? May dahilan kaya siya?

Loving Him SilentlyWhere stories live. Discover now