CHAPTER 12

8 2 0
                                    

Lyra's POV

Nanginginig akong pumara ng taxi. Tinanong ko sa babae kung saang hospital dinala si Nathan. Hindi ko alam kung saan yung hospital na sinabi ng babae. Kaya tinanong ko ito sa taxi driver. Buti alam niya.

Halos ilang oras ang byahe. Ilang oras na rin akong kinakabahan at natatakot. Naiiyak na ako. Tiningnan ako ng driver sa rear view. Nagtataka. "Okay kalang miss?" Tanong niya. Hindi ako sumagot.

Ngayon na ata ako makakabawi sa lahat ng ginawa sa akin ni Nathan. Ang iniisip ko lang ngayon ay ang kalagayan ni Nathan. Hindi ako makapag isip ng maayos. "Miss?"
Naiiyak ako. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nakita ko siyang nakahandusay sa puting kama. Hindi ko kaya. "Miss?" Nabalik ako sa realidad nang tinawag niya ako.

"Nandito na tayo" tumingin ako sa labas. Isa sa mga private hospital. Farin National Hospital (FNH). Halatang mamahalin ang hospital na ito dahil sa ginamit na materyales dito.

Naghalungkat ako sa shoulder bag. Nagbabakasakaling may laman pa ang wallet ko. "Magkano po?" Tanong ko habang binibilang ang pera ko. "100 lang miss" sakto. Binigay ko lahat ng laman ng wallet ko. 

Agad kong binuksan ang pinto ng taxi at nagmadaling pumunta sa counter kung saan dito mo malalaman ang room number ng pasyente.

May dalawang nurse na babae dito at nagkwekwentuhan. Nahinto sila sa pag uusap nang magtanong ako sa kanila. "May pasyente ba dito na ang pangalan ay Nathan Aaron Smith?" Bungad ko sa kanila. "Wait miss. Kaano ano ka po ba ng pasyente? Ipinagbawal po kasi na bawal po ang hindi kamag-anak ni Sir Nathan" Tanong niya. Nag isip ako ng paraan para makapasok kung saan naadmit si Nathan. Alam kong ipagbabawal nila ito.

"Girlfriend niya ako" hindi sinasadyang saad ko. Nabigla ako. Nagsimulang magbuklat ng makapal at may kahabaang notebook ang nurse. Napabuntong hininga ako dahil sa sobrang bagal niyang maghanap. Magsasalita na sana ako nang inunahan niya ako. "Private room 103".

Hindi na ako nagpasalamat pa sa nurse. Nagmamadali kong hinanap ang elevator. Nagtatanong na ako sa mga tao na nasa loob ng hospital. "Kumanan ka miss at kumaliwa. Diretsyuhin mo lang" saad ng matandang babae habang kinukumpas pa ang kamay. "Salamat po"

Tumakbo ako papunta sa elevator. Pinindot ko ang no.11. Habang hinihintay na bumukas ang pinto. Sinulyapan ko ang phone ko baka sakaling nag text or call pa ulit ang babae. Walang text. Walang call.

Bumukas ang pinto. Habang tumatakbo inilagay ko ang phone ko sa shoulder bag. "103, 103, 103" paulit ulit kong bigkas, habang nakatingin sa mga pinto. "100, 101, 102, 103!" Turo ko sa mga pintong may number. Ito na yun.

Huminga ako ng malalim. Nanginginig kong hinawakan ang malamig na door knob. Nang mabuksan ko, tumambad sa akin ang lalaking ngayo'y mahimbing na natutulog sa puting kama. Tanging tunog ng heartbeat monitor at pagtulo ng IV ang maririnig sa buong kwarto. Walang tao dito maliban sa kanya.

Dahan-dahan akong lumapit. Dito naghalo halo ang mga nararamdaman ko. Habang papalapit sa kanya, unti-unti rin ang pagtulo ng luha ko.

Nang makalapit ako. Pinagmasdan ko si Nathan. Puno ng galos at sugat ang katawan niya. May mga benda ang binti niya at pati sa braso niya. Umagos ng tuluyan ang luha ko.

"N-Nathan?" Naiiyak kong saad. Kahit hindi niya ako naririnig gusto ko pa rin siyang kausapin kahit na wala akong makukuhang tugon.

Umupo ako sa silya na katabi ng kama. Hinawakan ko ang mukha niya. Humagulgol ako. Hindi ko lubos akalain na mangyayari ito sa kanya. Saan ba siya pupunta?

Yumuko ako, ibinuhos ko lahat ng luha ko. Hindi ko kayang makita si Nathan na nakahilata sa kama at puno ng sugat sa katawan. Kahit ilang oras lang kaming hindi nagkita ay feel ko na namimiss ko siya. Miss ko yung mga ngiti niya. Masaya ako kapag nandiyan siya.

Loving Him SilentlyWhere stories live. Discover now