CHAPTER 6

12 2 0
                                    

Shyra's POV

Hindi ko alam kung paano ito sasabihin kay Lyra. High school na siya ng mapagpasiyahan namin na sabihin ang matagal na naming itinatago at nililihim kay lyra.

"Do you think hon na hindi masasaktan si Lyra?" Hindi ko din alam hon. Hindi ko alam kung ano yung mararamdaman niya ang alam ko lang ay masasaktan siya.

Naaalala ko pa nung una ko siyang makita...

16 years ago...

"May aaminin ako sayo" maluha luhang sambit ng kaibigan ko.

"Ano yun?" Kinakabahan kong saad. Alam ko mayroon itong gustong sabihin. Kinakabahan ako dahil sa usal niya.

"Buntis ako" deretsahan niyang sagot. Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi niyang iyon. Ano ng mangyayari sa buhay niya? Paano yung baby?

"Paano??!! Anong nangyari??!!" Sigaw ko sa kanya dahil sa gulat. Umiyak siya. Hinawakan ko yung braso niya.

"Nag kayayaan yung mga kaibigan kong mag bar dahil nakapasa kami sa exam. Gusto nilang mag saya. Niyaya nila ako at wala naman akong magagawa dahil kaibigan ko naman sila at pinagkakatiwalaan ko sila. Ang alam ko ay mag sasaya lang kami sa bar nang magsimula silang mag order ng drinks at niyaya naman nila akong uminom. Hindi ako pwedeng uminom dahil magagalit yung nanay ko. Pinilit nila ako at naramdaman ko nalang na kinukuha ko na yung baso ng alak na hawak hawak ni drake. Nag init yung katawan ko that time at nalasing ako. Umiikot yung paningin ko dahil first time ko palang uminom. Naramdaman kong hinila ako ni drake at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Nagising ako sa isang kwarto at hindi alam kung anong nangyari sakin kagabi. One thing lang na alam ko ay nagalaw ako ng sarili kong best friend at si drake yun." Mahabang pagpapaliwanag niya.

Umiyak ako dahil sa mga sinabi niya.

"Anong gagawin mo sa baby?" Kinakabahan kong tanong. Huwag mong sabihin na ilalaglag mo yan!

"Isang paraan lang yung naiisip ko." This time hindi na siya umiiyak. Tumahan na siya at sumilay ang malungkot niyang mukha. Bigla siyang ngumiti nang ikinagulat ko.

"Kapag nanganak na ako. Ibibigay ko sayo yung bata at bayaran mo ako." Para siyang baliw na sinasabi ang mga katagang iyon. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba ang alok niya o hindi.

May asawa na ako pero hindi kami nagkakaroon ng anak dahil may sakit ako na nakakaapekto sa pagbubuntis ko. Pangarap naming magkaanak pero wala kaming magagawa dahil nga sa sakit na meron ako. Nagpacheckup kami at sabi ng doctor ko ay walang lunas para rito.

Ito na ba yung pagkakataon na magkaroon kami ng anak?

9 months later....

Nasa hospital ako at hinihintay ang doctor sa labas ng ER. Sana maging maayos lang ang lagay nilang dalawang mag ina.

Kasama ko yung asawa ko at napagusapan na rin namin yung tungkol sa pagbibigay ni severina ng baby niya saamin. Sa una ay nag alinlangan pa siyang tanggapin yung alok dahil iniisip niya ang paglaki ng anak niya saamin. Baka kapag nasa wastong edad na siya at kailangan na niyang malaman na adopted lang siya ay magalit o magtampo.

Lumabas yung doctor mula sa ER. Agad na napatayo kaming dalawa ng asawa ko. Lumapit ako sa doctor at tinanong kung okay lang ba yung mag ina.

"The condition of mother and daughter is not okay now. Where is the father? I need to talk to him." Seryosong saad ng doctor. Teka? Anong nangyayari?

"Wala yung tatay ng bata. Hindi siya makakapunta dahil may trabaho siya" pagsisinungaling ko. Kinakabahan ako kung ano ba ang nangyayari!

"If that is so, Kaano ano mo yung ina ng bata?" Tanong ni doc.

"Kaibigan ko siya" Pagsagot ko.

Tumalikod sakin yung doctor at kinausap yung kasama niyang nurse. Pabulong ito kaya hindi ko marinig yung pinaguusapan nila.

Bumalik naman yung tingin ni doc sa amin ng lumipas ang isang minutong pag uusap nila.

"We decided that you can choose between the two, who will live and die since you are the friend of the child's mother." Nanlumo ako sa sinabi ng doctor. Humagulgol ako at hindi ko alam ang pipiliin ko. Niyakap ako ng asawa ko at pinatahan.

Habang yakap yakap ako ay kinausap niya yung doctor.

"Bakit hindi pwedeng parehas nalang silang mabuhay?!" Mariin niyang sigaw.

"We have two reasons, hindi kaya ni mommy yung panganganak at mayroon din siyang sakit." Pagpapaliwanaag niya. Sakit? Walang sinasabi si severina tungkol dito. Bakit niya tinago?

Kumalas ako ng pagkakayakap sa asawa ko nang mapagtanto na yung bata yung kailangang mabuhay dahil sa una palang gustong gusto na ni severina na ibigay sa akin yung bata. Hindi ako nagdalawang isip na magsalita.

Pinunasan ko muna yung mga matang namumugto sa luha bago hinarap yung doctor. Ilang minuto na rin silang nakatayo at naghihintay ng sagot namin, naiinip na ata sila.

"Baby, yung baby doc" agaran kong sagot sa kanina pa niya tinatanong. Agad na tumango yung doctor at kumaripas ng takbo papasok ng ER kasama yung nurse. Nagmamadali sila dahil baka kung anong mangyari sa baby.

Napaupo ako sa sahig dahil sa sobrang pagod. Naramdaman ko naman na niyakap ako ng asawa ko.

"I hope we don't regret it" saad ko pabulong.

Nakatulog ako sa loob ng hospital. Hindi ko namalayan. Nagising ako dahil may narinig akong pagbukas sara ng pinto. Agad na napatayo ako. Napahawak ako sa sintido ko dahil sa ginawa ko.

Lumapit sakin yung doctor. Hawak hawak naman ng nurse yung baby. Baby na ba yan ni severina? Ang cute niya! Napaiyak ako dahil hindi niya mahahagkan at mararamdaman ang pagmamahal ng totoong ina. Pero hindi ko hahayaan na hindi niya yun maramdaman dahil ipaparamdam ko yun sa kanya.

"This is the baby girl" lumapit sa akin yung nurse at binibigay sa akin yung baby. Nanginginig kong kinuha mula sa nurse yung baby dahil wala pa akong experience na magbuhat nito.

Hinele hele ko siya. Tumingin ako sa paligid at hindi ko nakita yung asawa ko. Nasan siya?

Habang abala sa pag hehele sa baby, naramdaman kong may lumapit sa amin.

"Ang cute naman ng baby na yan" mahinang panggigigil nito.

"Nakakagulat ka! Paano kung mabitawan ko si baby ha?!" Mahinang sigaw ko sa kanya dahil natutulog yung baby.

Napatingin naman ako sa hawak niyang plastic. Napawi yung galit ko dahil binuka niya iyon at nakita ko ang pagkain. Ilang oras na kaming hindi kumakain dahil walang pupunta sa hospital maliban sa amin. Yung nanay niya nabaliw dahil sa paghahanap sa anak niyang si severina dahil 9 months siyang hindi umuwi sa bahay nila. Simula noon ay hindi na namin nakita yung nanay ni severina.

"Tara sa table na yun" turo niya sa table sa tabi ng malaking salamin na bintana.

Inalalayan niya ako papunta sa table at pinaghila ako ng upuan. Ang gentle man naman ng asawa ko! Agad na inihain niya yung mga binili niyang pagkain sa labas. Siguro habang natutulog ako ay iniwan niya ako at bumili siya ng mga pagkain?

Nabaling ang atensyon ko sa baby dahil sa marahan niyang paggalawa. Omg! Gising na siya!

"Gising na ang baby namin?" Pagpapacute ko kay baby. Napansin naman ng asawa ko yung paggising ni baby. Tumayo siya at tumingin sa baby. Nakita ko naman yung expression niya sa mukha, gusto kong matawa dahil nagpapacute siya sa baby pero nevermind nalang.

Kumalam yung sikmura ko. Gutom na gutom na ako tapos naaamoy ko pa yung masasarap na ulam. Narinig siguro ng asawa ko yung sikmura ko dahil nagmadali siyang sandukan ako ng pagkain. Ganon na ba ako kasobrang gutom?

Sinusubuan niya ako dahil buhat buhat ko si baby. Tuwang tuwa naman yung baby habang kumakain kami. Ang cute cute niya! Nang matapos kaming kumain ay niligpit niya na yung pinagkainan namin.

Tumayo ako at nagisip ng ipapangalan kay baby. Tumingin ako kay baby at may hindi sinasadyang lumabas sa bibig ko.

"Lyra"

Loving Him SilentlyWhere stories live. Discover now