Epilogue

21 2 2
                                    

Lyra's POV

Abala ako sa pag aayos ng sarili ko nang may kumatok sa kwarto ko.

"Ang ganda ganda mo naman anak" mahinahon at nakangiting sambit ni mom.

Parang hindi siya makapaniwala kahit na ilang araw na ang nakalipas simula nang magbago ako.

Ngumit ako sa kaniya.

"Mana po sa inyo ni dad" sambit ko at ibinalik ang tingin sa salamin.

Natuto na rin akong mag ayos sa sarili ko.

Kinuha ko ang pink blush at marahang ipinahid ito sa cheeks ko.

Napatigil ako sa pagpahid nang makita si mom mula sa likuran ko.

Bakit siya umiiyak?

"P-pangit po ba?" Sambit ko at kinuha ang tissue para burahin at baguhin ang pink blush ko.

Inikot ni mom ang kinauupuan ko dahilan nang pagharap ko sa kaniya. Hinawakan niya ang mukha ko.

"Hindi lang ako makapaniwala na nagkaroon ka ng kaibigan tulad nila. Marami ngang nagbago sayo pero ito ang tatandaan mo..." tinuro niya ang bandang dibdib ko.

"Ito...kahit kailan hindi mo pwedeng baguhin para lang magustuhan ka nila. Okay?" tuluyang dumausdos ang luha ko.

Bakit ganito si mom? Pinapaiyak niya ako.

"Wag kang umiyak. Masisira ang makeup mo" natatawang sambit ni mom.

"Kasi ikaw eh" dahan dahan kong pinunas ang tissue sa mata ko.

Oh no!

Inikot ko ang upuan para makita ang mukha ko sa salamin. Halos mahulog ako nang magkalat ang eye liner ko. Parang umiyak ako ng itim na luha.

"Akin na. Ako na ang magmemake up sayo" sambit ni mom at nilinisan ang mukha ko.

—————

Matapos ang ilang oras na pag aayos ay tinitigan ko ang sarili sa malaking salamin.

Nakakamanghang tignan. Dati ay wala akong alam at pakialam sa sarili ko. Ngayon ay nagagawa ko nang mag ayos.

Kasali rin pala sa napamili ni Nathan sa akin ang heels katerno ng suot ko ngayong cocktail dress.

Gabi magsisimula ang party at susunduin ako ni Nathan. Sabi ko sa kaniya ay wag nalang pero wala na akong nagawa pa nang patayin niya bigla ang call.

Hindi na bago ang paghatid sundo niya sa akin.

Inayos ko na ang regalo ko para sa kaniya. Kahapon ay itinuon ko ang araw ko sa pagpili ng ireregalo ko sa kaniya sa mall. Yung tipong magugustuhan niya ng husto.

Saktong narinig ko ang busina ng kotse matapos akong mag ayos.

Tinignan ko kung sino ito mula sa bintana. Nakita ko si Nathan na nakasandal sa hood ng kotse niya. Ang sarap niyang titigan na halos buong oras ko pa siyang pagmasdan ay hinding hindi ako magsasawa.

Naglakad na ako pababa dala ang regalo ko sa kaniya.

Nadatnan ko si dad na nakikipag usap kay Nathan sa labas. Nagmano siya sa mga magulang ko. Napangiti ako at tuluyan nang nakuha ang atensyon nilang tatlo.

Nakatulala lang si Nathan habang pinagmamasdan ako. Hindi niya ba alam na nakakatunaw ang mga titig niya? Na halos magpakain na ako sa lupa para lang makaiwas sa mga titig niya ha?!

Bumalik ang presensya niya nang tapikin siya ni dad sa balikat.

"Oh siya. Ikaw na ang bahala sa unikaiha namin" may kung ano akong naramdaman sa pagkakasabi ni dad.

Loving Him SilentlyWhere stories live. Discover now