Lyra's POV
Bumalot ang katahimikan nang lumingon mula sa likuran ni Maxine si Nathan. Tumibok ng malakas ang puso ko. Kahit kailan ganito ang epekto niya sa akin. Magtatagal ba ito? Hanggang kailan?
"Pwede ba na wag kayo magsigawan dito?" Mahinahon at malalim na sambit niya.
Nanlaki ang mga mata ni Ivan matapos marinig ang boses ni Nathan.
Tumayo siya at pumunta kay Nathan.
"Bro! Long time no see!" Sambit ni Ivan at tumabi kay Nathan.
I wonder kung maalala niya ba si Ivan. Palihim kong sinulyapan sila mula sa likuran.
"Bro! I miss you!" Akbay ni Nathan.
Wow. Si Ivan naalala niya pero ako hindi. Medyo unfair din. Ibinaling ko ang atensyon ko sa pagkain. Halos mabilaukan ako nang magtanong si Maxine.
"So siya pala ang sinasabi niyo? I see" patango tango at medyo pabulong na sambit nito.
"Gwapo" sambit niya at tinabig ako na tila kinikilig. Natawa na lang ako.
Nagusap pa ng kung ano ano yung dalawa. Na miss nila ang isa't isa. Hinayaan ko lang sila. Hanggang sa nag ring na muli ang bell hudyat na tapos na ang aming breaktime.
Tumayo na kami ni Maxine upang pumunta na sa room. Abala sila sa paguusap. Hindi ata nila namalayan na nag bell na. Lumapit si Maxine sa kanila.
"Hi! Tapos na ang breaktime namin. Pwede na ba naming makuha si Ivan?" Sambit ni Maxine. Tinignan siya ni Ivan. Nabaling ang tingin ko kay Nathan. Walang pakialam ang mukha niyang nakatingin kay Maxine. Bumaba ang tingin niya sa suot ni Maxine.
"Sinong nagsabing allowed ang pag suot ng maiksing skirt?" Bumalik ang tingin niya kay Maxine. Seryoso siyang nakatingin ng direkta. Masasabing sa boses palang niya nakakatakot na. Medyo napaatras ako.
Magsasalita pa sana si Maxine.
"Sino ka pa—" naputol ang sasabihin niya nang biglang tumayo si Ivan at nagpaalam kay Nathan. Buti naman.
"Ahh oo nga bye bro!" Sambit ni Ivan at niyakap si Nathan. Tinapik niya ang likod nito at sumama na sa amin.
Alam kong ginawa niya iyon para walang tensyon na mangyari sa pagitan nila. Lalo na hindi pa kilala ni Maxine si Nathan. Ang supremo ng unibersidad na ito.
Magsasalita pa sana si Maxine nang hilahin nanamin siya palayo sa lugar na iyon.
"Supremo siya dito, kaya please wag ka na magsuot ng ganyang kaiksing skirt!" Saad ni Ivan habang hinihila namin si Maxine patungo sa room namin.
Napataray naman siya sa hangin.
"I don't care kahit na supremo pa siya dito" Mataray na saad niya.
Ang lakas ng loob niya para sabihin yun. Hindi pa niya kilalang lubos si Nathan. Ngayon ko lang napagtantong may pagkahawig si Maxine kay Supremo. Palaban.
—————
Natapos ang klase at sa araw araw kong pagpasok, kapalit nito ang pag uwi. Nagpaalam ako kay kila Maxine at Ivan.
"Bye! See you next week!" Saad ko at kumaway sa kanila.
Aalis na sana ako nang magsalita si Ivan mula sa likuran ko.
"Wait Lyra" Lumingon ako pabalik. "Here" Nakalahad ang kamay niya sa aking harapan habang hawak ang maliit na brown envelope.
Kumunot ang noo ko at kinuha iyon mula sa mga kamay niya.
YOU ARE READING
Loving Him Silently
RomanceThey say when you love someone secretly you won't feel "rejection" And this is what I do. I love him in a way that only I know. And this is me loving him silently.