Lyra's POV
*beep
Napabalikwas ako ng bangon. Kinusot ko ang mga mata ko at tumingin sa wall clock. It's 6:00 napaka aga. Mostly tanghali na ako kung gumising kapag weekends. Si Maxine naba yan? Ang aga aga!Hindi pa ako nakapag ayos. Wala naman siyang sinabing exact time eh! Inamoy ko ang hininga ko. Halos mandiri ako sa sarili ko. Nagmadali akong pumunta sa banyo at naligo ng mabilisan.
Habang naliligo sumigaw si mom sa labas ng kwarto ko.
"Anak! May naghahanap sayo sa baba! Bumangon kana diyan!" Sigaw ni mom at kumakatok ng malakas sa pinto.
Ganito sila kapag ginigising ako. Tulog mantika ako eh. Halos masira na yung pinto ko.
"Mom naliligo na po ako!" Sigaw ko para marinig ni mom sa labas.
"Sige anak! Bilisan mo!" Sambit ni mom.
"Sino ba yun anak?" Sambit ni mom.
Akala ko naman umalis na.
"Si Maxine mom, kaibigan ko! Siya yung kinuwento ko sa inyo ni daddy kahapon!" Sambit ko habang kinukusot ang buhok ko.
"Ang ganda ganda niya anak. Maging mabait ka ha?!" Sambit ni mom at narinig ko ang hakbang niya paalis.
Nagbanlaw na ako sa sarili ko. Pinunasan ko ang katawan ko at isinuot ang damit.
White over size t-shirt at baggy pants. Yan ang suot ko ngayon. Nagsuot na rin ako ng rubber shoes para mamaya hindi na ako magmadali.
Lumabas na ako sa kwarto at nadatnan si Maxine sa baba na kumakain ng cookies habang nakikipag usap kay kila mom and dad. Napangiti ako sa aking nakita at binati si Maxine.
"Ang aga mo naman ngayon Maxine. Good morning!" Masigla kong sambit at kumuha ng cookies sa bowl. Umupo ako sa tabi ni Maxine.
"Good morning Lyra! Excited na ako sa magiging resulta mamaya!" Tiling sambit ni Maxine.
Excited talaga siya HAHA.
Naka suot siya ng croptop jacket with mini denim black short. Ang galing niya talaga pagdating sa fashion. Minana niya ata ito sa mommy niya. Ang cute!
Ang ganda rin ng legs niya. Walang bahid ng scras ang kaniyang mga tuhod. Maputi at makinis. Ang ilaw sa sala ang dahilan ng pagkintab ng kaniyang balat.
"Ah tita, puwede ko po ba mahiram si Lyra? I know naman na alam niyo na po ang dahilan kung bakit po ako pumunta dito hehe" sambit ni Maxine habang nakatayo. Tapos na siyang kumain ng cookies.
"Sige iha. Mag iingat kayo" sambit ni mom.
Tumayo na ako at binulungan ako ni mom ng palihim.
"Magpasalamat ka pagkatapos ha" sambit ni mom.
Tumango nalang ako. Muntikan pa akong matawa. Marunong naman akong magpasalamat mom eh!
Isinakbit na ni Maxine ang brown hand bag niya sa kaniyang braso. Ngayon ko lang napansin ang suot niyang black textured stiletto heel. Napaka sosyal.
Rumampa na siya sa labas at sumakay sa kotse. Woah! Ang gara! Hinintay niya ako sa loob.
Tanging shoulder bag lang ang dala ko. Nagpaalam na ako kay kila mom and dad at lumabas na rin.
—————
"Mom this is Lyra" bungad niya sa babaeng simple lang pero maganda.
Kapag hindi mo sila kilala, paghihinalaan mo silang magkapatid lang.
YOU ARE READING
Loving Him Silently
RomanceThey say when you love someone secretly you won't feel "rejection" And this is what I do. I love him in a way that only I know. And this is me loving him silently.