Chapter 7

16.4K 290 5
                                    

Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.

Please expect slow updates. For early access, you may subscribe on my VIP Group or on Patreon.

Monasterio Book 10: Her Wicked Smile is already finished on VIPs and Patreon.

Chapter 7

Labas sa ilong.

Hindi ako naniniwala na babawi siya sa akin. Ang dali nga para sa kaniya ang iwan ako mag-isa sa talon na para bang kaya ko naman umuwi mag-isa pabalik ng mansyon. He acted as if I was a local of this place and I already knew my way back.

Kaya ang hirap para sa akin ang paniwalaan na gusto niya pa rin ako manatili dito.

Pero aminado akong nabawasan ang inis ko sa kaniya matapos niyang humingi ng sorry. A man like Duke is obviously not fond of apologizing to anyone.

Masiyado siyang matigas sa paningin ko. Tipong walang pakialam kahit nakakasakit na. He's too cold and ruthless he doesn't give a damn if he hurts someone's feelings and for me, that's the main sign when a man is a red flag.

Oo at gwapo siya. Gwapong gwapo kung tutuusin. Pero hindi ako magkakagusto sa kaniya. I can't see myself dealing with him for the rest of my life. Pakiramdam ko, palagi lang kami mag-aaway. Pakiramdam ko, ako palagi ang gagawa ng paraan para lang mapansin niya ako.

I feel like I will be the only one who will do everything just to make our relationship works.

Sandali nga. Bakit ba pagkakaroon namin ng relasyon ang iniisip ko?

Umaga na at hindi pa ako lumalabas ng kwarto. I heard knocks outside the door earlier and I assumed it was one of the housemaids. Marahil ay aayain na akong kumain ng almusal.

Hindi ako sumagot at nagkunwaring tulog. Ayaw ko pang kumain. Ayaw ko pa rin makita si Duke. Hindi ko alam kung nagtatampo pa rin ako pero sa tuwing naaalala ko ang ginawa niya sa akin kahapon, nakakaramdam pa rin ako ng pait sa dibdib ko.

My phone suddenly rang above the bedside table that snapped me out of my thoughts. Habang nakahiga patagilid ay kinuha ko ito. There was an unknown number flashing on the screen. Ilang sandali ko pa 'yon tinitigan bago sinagot.

"Hello?" I greeted, clueless whoever it was.

"Hi! Good morning, Izza."

My eyes blinked when I didn't recognize the voice on the other line. Mahinhin at pino ang timbre ng boses niya. Sa tono pa lang nito, halata nang mabait.

"Good morning po. Who is this po?"

"I'm Dreya, Duke's mother. I'm sorry for this sudden call. Hiningi ko lang sa Mommy mo itong number mo dahil gusto kitang kumustahin diyan sa Argao."

Napabalikwas ako ng bangon. Ramdam ko ang pagkaalarma ng puso ko matapos malaman na ang ina ni Duke ang nasa kabilang linya.

"Hi po. I'm fine here, ma'am-"

"Just call me, Tita Dreya. Masiyado tayong pormal sa ma'am." mahinahon siyang tumawa.

Iyong boses niya, kapag pinakinggan mo siya sa buong araw, siguradong aantukin ka. Tipong kahit galit na, hindi mo pa rin katatakutan.

Pero ang alam ko, kapag mabait at mahinhin, masama magalit. Masakit rin magsalita.

"I'm okay here, Tita Dreya. I'm actually enjoying your place. It's relaxing."

Pero anak ninyo po mismo ang nagbibigay stress sa akin.

"That's good to know. Medyo concern lang ako kasi hindi welcoming ang anak ko, Izza. You might find him rude or unkind. Ako na ang humihingi ng pasensiya sa'yo," malambing niyang sabi. "Sana ay hindi iyon makaapekto sa pagbabakasyon mo diyan."

Monasterio Series 10: Her Wicked SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon