Chapter 26

10.6K 261 19
                                    

Chapter 26

Hindi ko naman inakala na ang pagkakape sa tabi-tabi ni Duke ay patungong Singapore. I was expecting that the farthest place we can do it is in Cebu City. Sa SM o kaya naman ay sa magagandang coffee shop doon.

But now that we are about to land in Changi airport, reality hits me about how Monasterios can be so wealthy.

"I can't believe this," natatawang sabi ko kay Duke. "Coffee in Singapore, Duke?"

Nilingon niya ako, tila wala namang nakakabigla sa nangyayaring ito. Inilapit niya ang labi sa may tainga ko.

"Your first time here?"

"No. I have been here before but I didn't appreciate the place because I was sick."

"You'll appreciate it now then..." he whispered. "I'll make sure of that."

Umayos siya ng upo pero nanatili pa rin akong nakatitig sa kaniya. Leaning the back of his head against the chair, he closed his eyes.

His features still look rough and cruel. From his thick and black brows, sharp nose, pale red lips pressed into a thin line and his defined jaw that I love caressing.

Tahimik akong ngumiti at itinuon ang gilid ng ulo sa balikat niya. Naramdaman ko ang paggalaw ng kamay niya at iniakbay ito sa balikat ko. He even caressed my hair and placed a soft kiss on my forehead.

Huminga ako nang malalim.

Sana palagi tayong ganito, Duke. Sana kapag dumating na ang panahon, ako pa rin. Ganito pa rin tayo.

Pagkarating sa airport ay sumalubong sa kaniya na isang lalaki na para bang kasing edaran niya rin. Nagyakap silang dalawa na tila ba ngayon lang ulit nagkita matapos ang mahabang panahon.

"Good to see you, man." sabi nito at tinapik ang balikat ni Duke. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Inilahad niya a g kamay sa akin. "Hi! I'm Carter."

Tinanggap ko ang kamay niya. "Izza Beatrice."

Tumango tango siya saka ngumisi. "Nice name. It fits with Duke Adamson."

Natawa ako bago binitawan ang kamay niya. Duke also chuckled while shaking his head.

"Thanks for the fast transaction, man."

Umiling si Carter. "No. It's me who should be thankful. Ang dali mo kausap kapag sa mga ganitong bagay. Hindi pa barat. Sa bagay. Barya lang sa'yo ang ilang milyon."

Malalim ang boses ni Duke nang matawa. "No problem. I'll just call you again before we go back in Cebu."

Tumango siya bago ibinigay ang isang susi ng kotse. Kumurap kurap ako matapos ipasok iyon ni Dice sa bulsa ng pantalon niya.

Bumili siya ng sasakyan?

I just got the answer to my question when Carter walked us outside the airport and showed us a black BMW. Kumikinang pa ito sa bago.

"Enjoy your quick trip!" paalam ni Carter hindi kalaunan.

Ngumiti ako sa kaniya at tumango. Nang makaalis ay tiningala ko si Duke. He was staring at the car in front of us. Sa paraan ng pagtingin niya dito, para bang nakatingin lang siya sa isang taxi.

"You bought this car?" I asked.

He glanced at me. Tumango siya.

Natawa ako, hindi makapaniwala. "Why? This is just a short trip, right? Puwede naman tayong mag-commute na lang."

Umiling siya. "It will be hard for you. Less hassle for us, too."

Ngumuso ako. Ganoon siya kayaman. Bibili ng kotse kung kailan niya gusto na para bang napakamura lang ng ganitong modelo.

Monasterio Series 10: Her Wicked SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon