Chapter 35

13.1K 290 31
                                    

Please expect slow updates. Completed on VIP Group, Spaces, and Patreon. For early access, you may subscribe on my VIP Group or on Patreon.

Complete chapters available for 100 pesos only. limited offer.

Chapter 35

Kahit ata anong pigil ko na huwag matulog habang nasa biyahe, hindi ko rin napigilan. I always ended up bumping my head on the window.

"Is it that hard to lean your head on my shoulder? Mas gusto mo talagang nauuntog diyan sa bintana?" sarkastikong tanong ni Spyral.

Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. He was raising his eyebrow at me and started to wiggle it.

Gusto kong matawa. Malayong malayo siya sa Spyral na una kong nakilala noon. Iyon lagi kong nakakabanggaan at kulang na lang ay isumpa ko. I didn't know that he has that side.

Buong akala ko, pagsusungit lang rin ang alam niyang gawin. I didn't know that he has that strong sense of humor. Aaminin ko na sa tuwing aasarin niya ako ay hindi naman ako napipikon.

Spyral is that one person I would like to be friends with. Kasi pakiramdam ko, totoo ang sinabi niya. He can be there for me at all times and at the same time...  can kick assess for me, too.

"Nakarating na tayo at lahat sa La Union, nagbabangayan pa rin kayong dalawa." sabi ni Frances.

Umismid ako kay Spyral. Hindi na rin ako nagsalita pa at itinuon na lang ang atensyon sa gilid ng bintana. I saw the prestigious hotel beach on my side. This is my first time here and I must say that it looks inviting and serene.

"Diyan daw nagsisimula ang lahat."

Napatingin ako kay Geislerr nang sabihin iyon. He was looking at me through the front mirror while smirking.

"Kung magmamahal lang ako ulit, hindi na sa isang Monasterio!" ismid ko.

"Wala naman ako sinabing magmamahal ka ulit. Ang ibig ko sabihin, diyan nagsisimula ang pagkakaibigan." apila ni Geisler.

Humalakhak si Spyral na ikinalingon ko sa kaniya.

"Assuming naman po."

I glared at him. Pakiramdam ko, kahit anong sagot ko dito kay Spyral ay hindi ako mananalo. He's playfulness literally overpowered my playful side. Hindi katulad noon kay Duke na ako lang ang makulit dahil masiyado siyang seryoso.

Huminga ako nang malalim at nag-iwas ng tingin kay Spyral.

Enough of thinking about him, Izza. Siguradong masaya na siya kasama si Ruth ang anak nilang dalawa. Maybe you need to really get him out of your system.

In any possible way, do it.

Bumukas ang pintuan sa gilid dahilan para mapatingin ako. Spyral stepped out of the car. Pagkababa ay hinarap niya ako. It was only when I realized that he was already carrying my pink duffle bag.

"Hand me that. I can bring my things." walang ganang sabi ko.

Kung kanina ay handa akong makipag-away sa kaniya, ngayon ay tila ako inalisan ng lakas matapos maalala si Duke.

"Ako na." sagot ni Spyral. "Maybe you need to rest for a while."

Tama siya. Ramdam ko ang matinding pagod kahit wala naman akong ginagawa. My body felt sick but I ain't. Hindi ko maintindihan. Baka dahil sa panahon?

Bumuntonghinga ako at nagdesisyon nang bumaba. Nang maiapak ang paa sa semento ay nag-angat ako ng tingin sa kawalan.

"Stop thinking about him even for a while."

Monasterio Series 10: Her Wicked SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon