Chapter 49

10.5K 351 23
                                    

Chapter 49

Madalas talaga na kapag hindi mo inaasahan ang mga bagay, saka lang sila nangyayari. Aaminin ko na masaya akong makita si Duke sa mga sandaling ito.

If this is a set up made by my mother... then I wanna thank her for doing this. Alam ko na hindi ko pagmamay-ari si Duke at ang humingi ng kaunting oras para makasama siya ay kalabisan na para sa akin.

Pakiramdam ko, nakakahiya na iyon sa parte ko lalo na't may Dominique na gusto siyang palagi nakakasama. Na kahit magkaroon man ako ng karapatan sa kaniya, hindi ko pa rin basta puwedeng kanyahin ang buong oras niya.

Pinagkrus ko ang mga braso habang pinagmamasdan ang mga tauhan na nagtutulong tulong sa pagbubuhat ng mga furniture papasok sa lobby.

"Plano n'yo ito ni Mommy, ano?" nakangising tanong ko.

We were standing on the side entrance. Mabuti na lang at hindi naman ako kaliitan kaya hindi ako nagmumukhang maliit sa tabi niya.

Matunog siyang ngumisi na ikinasulyap ko sa kaniya. He didn't wear his wayfarer anymore that made me see his dark eyes anchored ahead of us.

Ito ang unang beses na nakita ko siyang nakasuot ng pormal. During my stay in Argao, he always wear casual clothes. Pero sa kabila no'n, hindi ko itatanggi na sobrang gwapo at lakas na ng dating niya.

I didn't know that he could be more handsome with his CEO attire.

Damn it. I almost drool earlier.

"Yeah..." he said and slowly bore his eyes on mine until we stared at each other. "Walang dahilan para tumanggi ako."

Natawa ako, naiiling.

"Pero paanong nangyari? Did they contact you for this matter? I mean... for your company's expertise?"

"You don't like seeing me here?"

"What?" natawa ako. "Nakakagulat lang kasi si Mommy na bigla niya akong pinapunta dito para bantayan ang pagde-deliver ng mga furniture. Alam naman niyang wala akong tyaga sa mga ganito..." bumuntonghinga ako saka itinuon sa harapan ang mga mata. "Then I remembered the last time she was being pushy was when she asked me to have a vacation in Argao. Pagkatapos ay ngayon. Still connected to you."

"Are you happy to see me then?"

Tiningnan ko siya muli. Titig na titig siya sa akin na para bang alerto siya sa lahat ng mha salitang lalabas sa bibig ko.

"Mas importante ata para sa'yo ang malaman kung masaya akong nakita kita dito. If I know, you really wanted to be here kasi alam mong papapuntahin ako ni Mommy dito."

He chuckled. "You know I would never miss even a single chance to see you. Sa kahit na anong paraan, gagawin ko makita ka lang."

Impit na ngiti ang pinakawalan ko bago nag-iwas ng tingin. Akala ko ay hindi na ako makakaramdam pa muli ng ganitong klase ng kilig. I have never felt any giddiness throughout my short time relationships before. Tanging ang pakikipagrelasyon kay Duke ang nagbigay kiliti at kilig sa akin.

When we broke up, I never entertained men again. Bukod sa wala na akong gana ay hindi ko rin makita ang sarili ko na muling papasok sa isang relasyon at hindi siya ang kasama..

"Noon pa man ay ang kumpanya na namin ang katuwang ng mga magulang po pagdating sa mga ganitong bagay. Hindi pa man kita kilala..." sagot niya. "It was exactly the right time that this resort had a renovation and we have a branch here in La Union. Kaya naman narito tayo ngayon."

"Okay. I'm assuming on the part that I was thinking that you are here because of me-"

"You are, baby..." putol niya sa akin sa napapaos na boses dahilan para mapatingin ako sa kaniya. "My brother Deondre is the one assigned in this project. I took it because of you."

Monasterio Series 10: Her Wicked SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon