Chapter 18

18.7K 318 31
                                    

Please expect slow updates. For early access, you may subscribe on my VIP Group or on Patreon.

Chapter 18

"How's your vacation there, darling?" tanong ni Mommy isang umaga pagkagising ko.

Ngumiti ako kahit pa pupungas pungas pa dahil kakagising lang. I didn't have enough sleep since Duke and I were awake until past midnight.

Tumambay lang kami sa terrace at nagkuwentuhan ng kung ano-ano. Wala naman sa plano namin ang gawin iyon. It just so happened that we couldn't sleep. He drank a cup of coffee while I had a glass of warm milk.

I have never enjoyed watching the moon shining above that night. I have never appreciated its natural beauty until Duke mentioned it.

It was a moment to remember. A memory to treasure.

"I'm fine here, Mommy."

"Sure? Kasi if you feel like going home, puwede naman na. You are already staying there for a month already, right?"

Nawala ang ngiti sa mga labi ko.

"Ang usapan po natin ay dalawang buwan, hindi po ba? Why in a hurry? I still have a month here."

Kung puwede nga lang na dito na lang rin ako sa Argao mag-aral ay ayos lang sa akin. Pagkatapos ay dito na ako sa mansyon uuwi palagi. I'm sure Tita Dreya won't mind?

"That's new! Hindi ba at ayaw na ayaw mong magbakasyon diyan? Aside from it's boring there like what you keep on telling us, hindi mo makasundo si Duke. Sudden change of heart?"

Siyempre ay hindi ko sasabihin sa kaniya kung ano'ng mayroon sa amin ni Duke. After he confessed to me the other night about his feelings, I don't think we still need to elevate the status of our relationship from being fake to real.

Para sa akin, kahit pa sinasabi niyang may nararamdaman na siya para sa akin, ayaw ko pa rin sumugal. There's happiness and kilig after hearing that, sure. Pero ang pag-aalinlangan, tila naroon pa rin.

"Wala naman, Mommy. I just learned to enjoy the surroundings here. It's really peaceful. Saka na ako uuwi kapag malapit na ang enrollment."

"Oh, alright. But just so you know, your best friend Kiefer will be here this weekend."

Kumurap-kurap ako, nakaramdam ng pagkasabik. "Really? Bakit hindi niya nabanggit sa akin, Mommy? We were chatting the other day. Kailan siya uuwi?"

"Bukas ang flight niya pabalik sa bansa. Sa isang araw, narito na 'yon at ikaw nga daw ang unang pupuntahan. Kaya naisip ko na pauwiin ka muna lalo pa at ilang araw lang siya dito sa Cebu bago lumipad papuntang Siargao."

Sandali akong natahimik at iniisip ang mga sinabi ni Mommy. Kiefer is a childhood best friend. Magkapitbahay lang kami sa village. Nga lang, kinailangan niya mag migrate sa ibang bansa para doon magpatuloy sa pag-aaral.

May komunikasyon pa rin naman kaming dalawa. Bihira na nga lang pero hindi pa rin humihinto. Nung isang gabi lang ay nag-send siya sa akin ng picture na nasa bar siya. Ang loko, mas lalong gumwapo.

"Bakit kaya hindi niya nabanggit sa akin, Mommy?"

"Maybe because he wants to surprise you?" sagot niya. "Alam mo naman ang kaibigan mong 'yon. Maraming pakulo sa katawan."

I fell into silence again. Sandali lang rin 'yon at kaagad nakabuo ng desisyon.

"Okay, Mommy. Uuwi ako this weekend po. Sundin mo na lang po ako."

"Sige. Your father will be out of the town tomorrow at sa Monday na ang balik. Ako na lang mismo ang susundo sa'yo."

Nang matapos ang tawag ay si Duke kaagad ang naisip ko. I have to tell him about that sudden plan. Sigurado naman ako napp papayag siya at walang magiging problema lalo pa at sa bahay naman ako uuwi. Magpapahatid na lang ako ulit dito sa Lunes.

Monasterio Series 10: Her Wicked SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon