Please expect slow updates. Completed on VIP Group, Spaces, and Patreon. For early access, you may subscribe on my VIP Group or on Patreon.
Complete chapters available for 100 pesos only. limited offer.
—
Chapter 36Natawa ako kasabay ng paghuhuramentado ng puso ko.
"P-Pregnant? That's impossible!"
Tumaas ang kilay ni Spyral. Kung kanina ay nahahaluan pa ng pagkapilyo ang mukha niya sa tuwing kinakausap niya ako, ngayon ay halos wala na itong bahid ng kahit anong paglalaro.
"It would only be impossible if nothing happens between the two of you. Or you didn't use any protection..." seryosong aniya. "Alin sa dalawa, Izza?"
Hindi ako nakasagot. Hindi sinasadyang napatingin ako sa staff ng hotel na nakatitig sa akin.
"May pharmacy sa hotel na ito, ma'am. Hindi po sa nakikialam ako pero kung gusto ninyo po malaman kung buntis kayo, puwede po kayong bumili ng pregnancy test doon."
Spyral looked at her. "Thank you."
Tumungo iyong ginang at nagmamadaling umalis sa gazebo. Sa kabila ng pagtitig ko sa kaniya ay naiwan akong tulala sa kawalan.
Buntis ako? Kaya ba ganoon na lang ang pakiramdam ko sa mga nagdaang araw? Kung sakali man na ganoon nga, paano ako? Paano ang pag-aaral ko? Siguradong magagalit sa akin ang mga magulang ko oras na malaman nilang may nangyari sa amin ni Duke at ngayon ay hiwalay na.
Ayos lang sana kung wala siyang ibang pamilya. Kung wala siyang ibang anak. Pero ang katotohanan na may anak rin kaming dalawa ay nagbibigay takot sa akin.
Kapag nalaman niya, ano'ng mangyayari? Magpapaka-ama siya sa dalawang bata? If I am pregnant, I don't want this baby to feel confused why his father cannot be with us in the future. Ayaw ko na dumating sa puntong magtataka siya kung bakit dalawang pamilya ang inuuwian niya.
No. I can let this baby settle for less.
Tiningnan ko si Spyral. Titig na titig siya sa akin na para bang naghihintay lang ng kung ano mang sasabihin ko.
"I'll buy the p-pregnancy test."
Huminga siya nang malalim. "Ako na ang bibili. Ihahatid kita sa kwarto n'yo. Hintayin mo ako doon."
Wala sa sarili akong tumango. Spyral held my wrist and pulled me with him. Nagptianod ako, ramdam ang panghihina ng mga tuhod at panglalamig ng aking mga kamay.
My mind was in haywire. Hindi ko alam kung ano ang una kong iisipin, bibigyan ng sagot at sosolusyonan.
"Baka naman... masama lang ang tiyan ko, Spyral. Baka hindi ako buntis." ako mismo ay duda sa mga sinasabi ko.
"Baka. Baka hindi ka sigurado..." aniya habang patuloy sa paghila sa akin. "When was your last period?"
I don't know. I didn't have my period last month and thought that I was just delayed because I was too stressed. At ngayong matatapos na naman ang buwan... hindi pa rin ako nagkakaroon.
Hindi na ako sumagot pa. Alam kong may ideya na rin si Spyral sa magiging sagot ko dahil sa pananahimik ko.
Nakarating kami sa kwarto. He made me sit down on the side of the bed. Tiningala ko si Spyral. He was staring intently at me.
"I'll be quick."
He was about to turn his back away when I suddenly grabbed his hand that made him look at me.
Ngayon lang ako nakaramdam ng takot mag-isa. Pakiramdam ko, oras na tumalikod na siya at iwan ako sa kwartong ito, hindi niya na ako babalikan at kahit pa pilitin ko maging matapang... mauuwi pa rin ako sa katotohanang naduduwag ako harapin ang sitwasyong ito.