Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.
Please expect slow updates. For early access, you may subscribe on my VIP Group or on Patreon.
Monasterio 10: Her Wicked Smile is already finished on VIPs and Patreon.
—
Chapter 11
Wala akong inintindi sa kahit na anong sinabi ni Duke na tila ba babala. I know I'm very impulsive in making these kinds of decisions. I just think that there's nothing wrong in confessing my feelings towards the man I like.
Maraming bagay ang pwedeng mangyari sa mga susunod pang araw at buwan. Whatever happens in the future, even if he doesn't have the capability to catch me if I ever fall in love with him, I won't blame him.
Pipilitin ko ang huwag masaktan. Kasi una pa lang naman ay ako na ang may gusto nito. Binalaan niya na ako pero desisyon ko ang huwag siya intindihin.
I'm pretty sure my feelings for him won't go deeper. Maaaring gusto ko siya pero hindi mamahalin. Hindi ba't ganoon rin naman siya? Masiyado siyang sigurado na hindi niya ako magagawang saluhin dahil sa kunsensyang nararamdaman niya para kay Ruth.
Whatever kind of conscience he has for her, I'll make sure it will be gone just before I leave this place.
I'm in the perfect position to help him get over their past.
"So saan mo ako ipapasyal today?" tanong ko habang papalabas kami ng kwarto niya.
Kakagising ko lang at pagkatapos maligo ay sa kwarto niya kaagad ako dumiretso. Mabuti na lang at naabutan ko pa siya sa mismong kwarto niya. Inagahan ko rin talaga ang gising dahil alam ko na madaling araw pa lang kadalasan at nasa palayan na siya. Minsan naman, nasa kamalig kasama ang kabayo niya.
He was already up when I went inside his room. Nakaligo na rin pero mukha namang hindi aalis.
My arm was hooked against his. I already appreciate that he's not trying to be the rude guy he really is and just letting me hold him this way.
Siguro ay dahil alam niya na hindi ko siya titigilan. Alisin niya man ang kamay ko mula sa pagkakahawak sa kaniya, kakapit pa rin ako pabalik.
"Darating ang kapatid ko at at ang asawa niya ngayon. Hindi tayo puwede umalis ng bahay."
Saktong paglabas namin ng pintuan ay siyang pagdaan ng isang kasambahay. Her eyes bore on my arm that was on Duke's. Kaagad rin siyang nagbawi nang makitang nakatingin ako sa kaniya.
"That's great. I would be able to meet some of your family. Anong oras sila dadating?" tanong ko.
"Before lunch, I guess."
Bumaba kami ng hagdan. Sa mismong terasa kami nagtungo. Humiwalay lang ako sa kaniya nang makita ko ang rocking chair at naupo na doon. Tiningnan ko siyang muli. He was leaning the side of his shoulder against the wall while eyeing me carefully.
"I heard na sampu kayong magkakapatid. Sobrang dami ninyo. Masaya siguro ang maraming kapatid 'no?"
He licked his lower lip. "You can say that. An only child?"
Tumango ako. "Nagkaproblema kasi si Mommy sa ovary niya kaya nag-iisa lang ako."
"They must be spoiling you too much," he concluded through his serious face. "The reason why you're a brat."
"I'm not a brat. Sayang cheerful lang ako at energetic. Ikaw kasi lagi kang seryoso at akala mo, pasan mo ang problema sa buong mundo. Sure naman akong si Ruth lang ang iniisip mo."