Chapter 25

8.4K 192 26
                                    

Chapter 25

"What are your plans for tomorrow, hija?"

Ngumuso ako sa tanong ni Mommy sa kabilang linya. Nakahiga na ako sa kama at katatapos lang maligo nang tumawag siya.

"I don't know. Hindi ko nga po alam kung alam niyang birthday ko bukas. Pero kung hindi naman niya alam, ipapaalam ko na lang po."

It's not his obligation to know my birthday anyway. Pero ako, alam ko kung kailan ang sa kaniya una pa lang.

Hindi na rin ako umaasa pang magkakaroon ng magarbong handaan dahil wala naman akong magiging bisita. The Monasterios already left last week after staying here for three days. Sayang nga at hindi pa umabot sa birthday ko.

"Well, you must tell Duke that it's your birthday tomorrow. I'm sure he will give you a romantic dinner. A dinner in the garden with Christmas lights everywhere is a good idea."

Natawa ako lalo pa at mabilis ko rin nailarawan sa isip ko ang ganoong kaganapan.

Ang saya nga siguro kung mangyayari iyon. Kung sakali man, iyon ang unang beses na magdidiwang ako sa ganoong paraan. But I know Duke won't do such things for me because for him, it might be corny.

"Let's celebrate when you come back here. Basta ipapaalala ko lang sa'yo na umuwi ka isang linggo bago ang enrollment."

"Okay, Mommy. Thanks-"

"Oh! By the way, before I forget, your father wired our birthday gift to your bank account. You may want to check it."

Humagikhik ako dahil alam na alam talaga nila kung paano ako pasayahin. Pero aaminin ko na pangalawa na lang iyon sa magpapasaya akin.

Spending my special day tomorrow the whole day with Duke will make me the happiest.

Kinaumagahan ay maaga akong nagising para maligo at magbihis. I wore a red sleeveless mini dress that hugged my body. Hindi ako mahilig maglagay ng make up sa mukha pero dahil birthday ko ngayon, naglagay ako kahit na kaunti.

Bago lumabas ng kwarto ay sinagot ko muna ang mga chat mula sa mga kaibigan at kaklase ko. There was even a message from Byron about wishing me a blissful day.

Aaminin ko na hinahanap ko ang pangalan ni Duke sa isa sa mga bumati. Pero wala. Maaaring hindi niya talaga alam na birthday ko ngayon. Kung alam man, siguro ay mas gusto niya akong batiin sa mismong personal.

Lumabas na ako, nasasabik. Malalaki ang mga hakbang ko papunta sa kwarto niya. Hindi pa sumisikat ang araw kaya naman siguradong naroon pa siya sa kwarto niya.

I tried knocking three times. Naghintay ako ng ilang sandali ngunit walang nagbukas ng pinto o sumagot man lang. I twisted the door knob and slowly pushed it to open.

My eyes blinked upon seeing that he's not inside his room. Ang inaasahan ko pa naman, nakahiga pa siya sa kwarto niya.

I went inside and searched for him even in the bathroom.

"Okay. No Duke here. He must be outside or having coffee?'

Lumabas na ako ng kwarto niya. Bumaba ako sa dining area pero wala rin siya doon. Ilang kasambahay ang naroon at nakita ako. They didn't greet me but it's fine because they for sure got no idea about it.

"Hi! Good morning. Si Duke po?" tanong ko sa isang kasambahay na medyo bata pa kaysa kay manang.

Sandali siyang natigilan sa pagba-vacuum at pinatay ito.

"Umalis po kanina pang madaling araw sakay ng kotse niya, Miss Izza."

"Saan daw po pupunta?"

Umiling siya. "Hindi ko po alam."

Monasterio Series 10: Her Wicked SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon