Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.
Please expect slow updates. For early access, you may subscribe on my VIP Group or on Patreon.
—
Chapter 22
I didn't take it seriously when Duke told me that he wanted me to transfer to a university here in Argao. Pakiramdam ko ay nabibigla lang siya at hindi pinag-iisipan mabuti.
"If I study here, then that's a huge responsibility for you. Ibig sabihin lang rin ay hindi ka na puwedeng umalis ng Argao dahil narito ako." sabi ko nung mismong gabi na sabihin niya 'yon.
Tumango siya at pinasadahan ng dila ang ibabang labi.
"Hindi ako aalis."
Kumurap kurap ako, hindi makapaniwalang narinig iyon mula sa kaniya. Natawa pa ako dahil ayaw ko talagang maniwala.
"You're out of your mind."
He smirked. "Does the truth that I always want you near makes me out of my mind?" he bit his lower lip. "Then maybe I am."
Ngumuso ako, ramdam ang kiliti sa aking sikmura nang muling maalala ang naging usapan namin na 'yon kagabi. Though his words are tempting... even though it makes me want to jump in... I won't.
Natatakot akong sumugal sa isang desisyon na pagsisisihan ko sa bandang huli. Kung dito ako mag-aaral, kung palagi na ako magiging malapit sa kaniya, kapag dumating ang panahon na sigurado na siya sa totoong nararamdaman niya, baka hindi na ako makaatras.
Baka masaktan lang ako ng todo. Baka sa huli, hindi na ako makaahon.
Pakiramdam ko kasi, may alinlangan pa rin siya pero pilit ko lang winawaglit sa isip ko.
Nakarinig ako nang magkakasunod na katok mula sa labas ng pintuan dahilan para maputol ang lalim ng pag-iisip ko. Pumihit ako ng higa paharap doon at saktong bumukas iyon.
Duke was standing outside while holding the door knob. His eyes were already meeting mine. Presko na ito at mukhang nakaligo na rin.
If there's any particular part of the day where I find him very handsome, it's during the morning. Gustong gusto ko na sa tuwing magmumulat ako sa umaga, siya ang makikita ko.
"I'm still sleepy." reklamo ko kaagad wala pa man.
Pumasok siya bago marahang naglakad palapit sa akin. Kulong na kulong ako sa loob ng comforter ko na umaabot sa aking leeg. Hinagod ni Duke ng tingin ang kabuuan ko bago ngumisi.
"Such a baby."
Ngumuso ako. "Seems like you have a plan for today."
He shrugged his shoulders. "The weather is nice. Up for a dip?"
"Sa falls?"
Tumango siya. "I asked Manang Rowena to prepare some food that we can have until lunch."
Tila iyon naging musika sa tainga ko matapos makaramdam ng pagkasabik.
"Are you telling me that we're gonna have a picnic?"
He chuckled. He must have noticed that excitement flashing through my eyes.
"Yes, ma'am."
Mabilis kong inalis ang pagkakatalukbong ng comforter sa katawan ko at bumangon. Narinig ko ang mahina niyang tawa na para bang natutuwa siya sa reaksyon ko.
"Can I wear two piece?"
"You can..." he answered, which made me giggle. "But cover them with my shirt."