Chapter 23
Nasanay akong tahimik dito sa mansyon ano mang oras. Dahil kami lang naman ni Duke ang nandito at mga kasambahay na may mga sariling mundo, kadalasan ay boses ko lang ang maririnig sa buong mansyon.
Kaya naman ngayong nagising ako at nakakarinig ng mga boses mula sa labas ay hindi ko napigilan ang idikit ang tainga ko sa pintuan.
"May mga tao sa ibaba?" tanong ko sa sarili.
Itinuon ko ang mga mata sa wall clock. It's just seven in the morning. Kung may mga tao naman sa ibaba, bakit sobrang aga?
Hindi kaya mga magsasaka? Baka araw na ng sweldo ngayon kaya nagkakagulo doon.
Tama.
Binuksan ko ang pintuan at nagdesisyon nang lumabas ng kwarto. Hindi na ako nag-abala pang ayusin ang sarili dahil balak ko pa talagang bumalik sa pagtulog. I just want to drink some cold water since I felt my throat running dry.
Bumaba ako ng hagdan, ang mga mata ay nasa baitang. Sa kalagitnaan ay napahinto ako nang makarinig muli ng mga tawanan.
"Kuya Deondre! Hanap mo rin ako ng egg pie, please."
"Are you pregnant? Naglilihi ka ata-"
"Who's pregnant? Ang bata pa niyang si Dasha, Deondre!"
"Para gusto lang ng egg pie, buntis kaagad?"
Mabilis kong tinunton pababa at binalingan ang sala. Ganoon na lang ang panglalaki ng mga mata ko nang makitang halos mapuno ang malawak na bulwagan ng mga taong hindi pamilyar sa akin.
They all glanced at me. Kumurap-kurap ako dahil lahat sila ay inosenteng nakatitig sa akin na para bang nagtataka sila sa presensiya ko. Ang ilan sa mga babae, nakataas pa ang kilay na tila ba umpisa pa lang ay ipinararating nila na ayaw nila sa akin.
Sandali! Sino ba kasi sila?
"Hi, Izza!"
Sa dami nila, hinanap ko pa kung saan nanggaling ang boses na 'yon. When I saw Dustine sitting on the couch beside Elianna who was also looking at me with a smile on her face, that was the only time I realized who these people are.
"Hello, Dustine and Elianna!" bati ko.
Bumaba ako ng hagdan hanggang sa makaapak sa palapag. I roamed my eyes all over them and even saw Spyral who was already staring at me. I rolled my eyes on him but managed to wipe it out when I focused my gaze on Elianna.
Yumuko ako at yumakap sa kaniya.
"Hello ulit! Darating pala kayo ngayon." sabi ko matapos bumitaw sa kaniya.
"Hindi nasabi sa'yo ni Duke?" Si Dustine.
Sandali akong natahimik at nag-isip.
"Nasabi niya ata pero nakalimutan ko na..." sagot ko at tumingin sa paligid. All of them were still looking at me. "Your relatives?"
"Yup. Mga pinsan at kapatid. Kung biglaan kong ipapakilala sa'yo ay baka mahilo ka lang sa dami."
Natawa ako sa sagot ni Dustine. I tried to smile at them, lalo na sa mga babae. Lahat sila ay halata ang pagiging alta base pa lang sa mga tinginan. Most of them smiled at me. Ang iba, hindi man ngumiti ay hindi rin naman ako sinupladahan.
"Hi, Izza! Naikuwento ka sa amin ni Ate Elianna. I'm Daniella. The eldest sa girls." sabi nung babaeng matangkad at maamo ang mukha.
"Hello, Daniella. Nakikitira lang ako dito sa bahay ninyo. Aalis na rin sa pasukan." nakangiting sabi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/342506847-288-k507235.jpg)