Chapter 47

10.7K 381 40
                                    

Chapter 47

Nauna akong makarating ng main door. I strongly gripped the door knob and twisted it to open. Ang iritadong mukha ni Ruth ang bumungad sa akin matapos ko ito buksan.

Nanlilisik ang mga mata niya, ang mga kamao ay nakakuyom habang titig na titig sa akin. Bumaba ang tingin ko kay Dominique na siyang nakatayo sa tabi niya at hawak ang isa niyang kamay.

"What brings you here?" pilit akong ngumisi. "I don't remember inviting you to come over to my house."

Her eyes narrowed into slits. Anger was strongly oozing from them.

"Taking back what's mine."

"Okay..." tumango tango ako at pinagkrus ang mga kamay sa ibabaw ng aking dibdib. "And that is?"

Mula sa akin ay gumapang ang mga mata niya sa likuran ko. I know Duke was already there and I was really thankful that he didn't dare to touch or hold my hand in front of Dominique. Lalo pa at sa mga sandaling ito, nakatingala na ang bata sa kaniya.

"Daddy..." Dominique called out. His eyes were throwing questions he couldn't voice out. "What are you doing with this girl again? She isn't your friend, right?"

This girl. Why do I hear hatred behind those words?

Mula kay Dominique ay itinuon ko ang mga mata kay Ruth. With the way her lips rose, it was obvious that she already brainwashed her son about me. Na sa mga sandaling ito, alam ko na nagawa niya nang lasunin ang bata tungkol sa kung sino ako sa buhay ni Duke.

"Dominique, this is the woman who tries to steal your Dad away from you." walang pakundangan na saad ni Ruth nang hindi inaalis ang tingin sa akin.

Hindi ako nagsalita at nanatiling nakatitig sa kaniya. I didn't even dare to drop any word to defend myself from her stupid accusations nor give any reactions.

"Ruth..." may pagbabanta sa tono ng boses ni Duke. "Don't try to make a scandal here-"

"Daddy, she's going to steal you from me?"

Muling ngumisi si Ruth ba para bang gusto niya pang masaktan ang anak niya dahil sa mga kasinungalingan ipinapasok niya sa utak nito.

"Duke, how about you take your son away from here and bring him somewhere else?" sabi ko nang hindi inaalis ang tingin ko kay Ruth. "I just have to talk to his mother."

"Bakit kailangan mo pa paalisin ang anak ko? Ayaw mong malaman niya kung ano'ng klase ka ng babae?"

Hindi ko alam kung saan pa ako humuhugot ng pagtitimpi sa mga sandaling ito para hindi siya bastusin sa harapan ng anak niya.

I just wish for Dominique to be away from this place so I can now do whatever I want without feeling the guilt.

"Duke..." mariing tawag ko nang hindi siya tinitingnan. "Take him away."

"Izza, I'll send them back to-"

"Walang aalis hangga't hindi natatapos ang gulo na 'to."

Narinig ko ang paghinga niya nang malalim. I saw him squat beside me and carried Dominique in his arms. Nawala ang ngiti sa mga labi ni Ruth bago dumapo ang mga mata kay Duke.

"Kailan ka pa naging sunod-sunuran sa iba?"

My brow raised when I heard the bitterness through that question. Gusto kong isipin na sa mga sandaling ito, may nararamdaman pa siya para kay Duke at hindi nawala sa lumipas na panahon.

I was somehow thinking that maybe... she's this warfreak and aggressive because she didn't want Dominique to lose his father through me. At hindi dahil mahal niya pa rin si Duke sa kabila ng ginawa nito sa kaniya noon.

Monasterio Series 10: Her Wicked SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon