Please expect slow updates. Completed on VIP Group, Spaces, and Patreon. For early access, you may subscribe on my VIP Group or on Patreon.
—
Chapter 29
Umasa akong makakatanggap ng tawag mula kay Duke sa mga nakalipas na araw. Nagtataka na sina Mommy kung bakit wala na itong paramdam sa akin. Instead of telling them that I have no idea, sinasabi ko na lang na abala ito sa negosyo sa Maynila.
Kung hindi ako magdadahilan, mag-uugat lang iyon nang maraming katanungan. Kung sasabihin ko na wala akong ideya kung nasaan na ito, iisipin nilang dapat ay may alam ako lalo pa at may relasyon kami.
"Ang weird kung hindi siya nagpaparamdam sa'yo. Knowing that you two are fine before this happened, right?" Frances said.
Sa kaniya ko lang nagawang sabihin ang tungkol sa nangyayari. If I would keep this to myself, siguradong hindi rin ako mapapakali. I need to hear others' opinions about this. Gusto kong makarinig ng ibang posibleng dahilan kung bakit ito nangyayari sa amin.
"I don't want to entertain these thoughts, Izza, but what if he already ghosted you?"
Mula sa iniinom na frappe ay binalingan ko si Frances. She was staring into a far distance as if she's currently in deep thoughts.
"What do you mean?"
"Paano kung ayaw niya na? Paano kung nagsawa na siya?" Huminga siya nang malalim. "Hindi ba at ibinigay mo na sa kaniya? What if he's just after your virginity?"
Mahina ang paraan ng pagkakasabi niya sa huling kataga. Wala namang makakarinig sa amin dahil walang ibang tao sa coffee shop kung hindi kami lang. Maulan kaya naman wala gaanong tao ang nasa kalsada.
Hindi kaagad ako nakasagot, aminadong ako mismo ay naiisip ang posibilidad na 'yon. I just keep on giving him the benefit of the doubt that he's not that type of guy. Na hindi lang iyon ang habol niya sa akin.
Hindi ba at ipinaalam niya pa sa mga magulang ko ang tungkol sa relasyon naming dalawa? Kung magloloko lang rin siya, hindi ko maunawaan kung bakit kailangan niya pang mag-aksaya ng oras para ihatid-sundo ako sa school.
He could have just stopped from keeping in touch with me. Puwede niya rin naman sabihin na ayaw niya na at tapos na kami. Kaysa iyong hindi siya magpaparamdam sa akin at iiwan akong nag-iisip kung bakit kami nauwi sa ganito.
"That's possible rin kasi, girl. Duke is known to be a notorious playboy in Manila according to Geissler. What if he was just after that?"
Bumuntonghinga ako at mabigat ang loob na itinuon ang atensyon sa iniinom. I can feel the corners of my eyes getting filled with tears. Malakas ang pakiramdam ko na tama ang mga paratang ni Frances tungkol sa kaniya. Maging ako... iyon lang rin ang nakikitang dahilan.
"Nangyari na iyan. Tapos na. Hindi sa pinapangunahan kita pero ang ganiyang tipo ng lalaki, hindi mo dapat habulin. They are just after the pleasure you can give them. Ano pa bang aasahan mo? Manila guy. Hindi ko nilalahat pero karamihan, manloloko."
Bumuntonghinga ako at binitawan ang straw ng inumin ko. Nilamukos ko ang mukha gamit ang mga palad at nanatili sa ganoong posisyon.
"I don't know what to think anymore, Frances. His line cannot be reached. Kahit ang mga kapatid at pinsan niya ay hindi rin sumasagot sa akin. I thought..." hilaw akong natawa. "I thought they were already treating me as a family. Bakit ni isa sa kanila, wala man lang nakaisip na sagutin ako para sabihin kung nasaan si Duke."
Hindi na napigilan pa, bumagsak ang luha sa mga palad ko at sunod-sunod na humikbi.
She brought her arm on my back and caressed it gently as if she was comforting me.