Chapter 44

13.3K 430 33
                                    


Chapter 44

Hindi na ako nagmatigas pa nang magdesisyon si Duke na isakay kami ni Iesha sa kotse niya.

Siya man ang dahilan kung bakit ako nasasaktan ng ganito, siya man ang may kasalanan kung bakit ko kailangan maranasang ang sitwasyon na ito, aaminin ko sa katauhan niya pa rin ako nakakahanap ng kakampi.

My family and Spyral were there all along for me but I still feel incomplete. Kahit palagi nilang sinasabi at ipinaparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa, na nariyan silang lahat para sa akin, na makakaya ko ang kahit anong pagdadaanan ko... alam ko sa sarili ko na sa huli, mahina pa rin ako at pinipilit lang maging malakas at matapang para kay Iesha.

Binuksan ni Duke ang pinto ng passenger seat. He was still carrying Iesha in his arms. Pasimple kong pinahid ang luha mula sa mga pisngi ko at iniiwasan siyang tingnan.

Bago pa man ako tuluyang makapasok ay narinig ko pa ang malalim na paghinga ni Duke. As soon as I settled inside, I looked up and gestured my arms so he would give Iesha to me.

Tumingin si Iesha sa gawi ko matapos siyang maingat na ibigay ni Duke sa akin. Pinilit ko na huwag dumaplis ang mga mata sa kaniya lalo pa at sa mga oras na ito, natatakot akong makita ang mga emosyon roon.

I wonder how he's feeling now that he finally had the chance to carry his daughter in his arms.

"Mowmmy, pwis stop crying. Who is that bad girl po ba?" she asked as soon as the door beside me close.

Tinitigan niya ako. She was even wiping the little amount of tears on my cheeks as sadness embraced her almond eyes.

"I'm okay, Iesha, and never call anyone a bad person, okay?"

Duke was now on the driver's seat. Madali niyang binuhay ang makina ng sasakyan.  Nahuhuli ko ang pasimple niyang pagsulyap sa amin pero mas pinili niya ang manahimik at ituon sa harapan ang atensyon niya.

Ramdam ko ang pagluwag ng dibdib ko nang tuluyan na kaming makaalis sa tapat ng bahay nina Terrence.

"But she hurt you, Mowmmy, and I don't like it." Iesha puckered her lips.

I smiled a bit and caressed his cheeks.

"Mommy is fine. She can defend herself because she is a big girl na. Don't worry about me, hmm?"

"Okay..." malambing ang boses niya bago itinuon ang tingin sa gawi ni Duke. "Mowmmy, where is Ninong Spyral?"

Napatingin ako sa gawi ni Duke. Mariin siyang nakatitig sa harapan habang kinokontrol ang manibela.

"He needs to take care of some important things, Iesha..." I reasoned out. "He is Ninong Spyral's cousin."

Binalingan ako ni Iesha at sandaling tinitigan. She then bore her eyes on Duke before her lips held an adorable smile.

"Hi, Sir. Thanks for sharing your car with us."

It hurts every time Iesha called Duke that way. Alam ko na may pagkakamali rin ako kung bakit sila humantong sa ganoon. Kung bakit lumipas ang dalawang taon na wala siyang kinikilalang ama.

Pero naniniwala akong ang lahat ng naging desisyon ko ay para lang protektahan ang anak ko sa sakit na dulot ng sitwasyon namin.

Nilingon ni Duke si Iesha. I swallowed when I saw the sadness embracing his dark eyes as he stared at his daughter.

"Anytime."

Iesha then nuzzled her face on my chest. Her hand was playing the tip of my hair as I hardly focused my eyes on the road ahead of us.

Monasterio Series 10: Her Wicked SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon